Erlinda Calalang Zabella
If you are reading this note, you must have accessed this page directly through a bookmark or an external link. Please be advised that www.mnnetherlands.com recently underwent a re-structuring and that this page has been renamed and moved to a new directory, and will eventually be phased out. Click the SEARCH button below to locate this page's upgraded version.


Filipino Aspirations of Rizal
(Ang Gintong Panahon – The Golden Years)
Toronto, Ontario-Canada- Agosto 29, 2009
September 21, 2009
 
 
Sabi sa Bibliya, huwag nating husgahan ang ating kapwa, lalo pa at hindi lubos ang ating kaalaman tungkol sa kanilang pagkatao. Don’t ever judge others, {be it negative or positive} even if we think we know a lot about him, her or them. It’s highly likely that what we know is sufficient enough to prejudge.
Click to enlarge image.President elect Lady A. Ramos delivering her invocation.
 

Marahil nga hindi sapat ang aking kaalaman tungkol sa Filipino Aspirations of Rizal, subalit nang mabuksan ang aking mga mata tungkol sa kanilang mga layunin at adhikain ay hindi ko napigilan ang aking sariling di sumulat ng isang artikulong sila ang pinapaksa.

Mahabang panahon ng nakatira kaming mag-anak sa pook ng tirahan namin ngayon. Sa hinaba-haba ng panahong ipinanirahan namin dito, nasaksihan namin ang pagtanda, ang paglaki ng mga anak, ang kanilang paglisan at pamumuhay ng sarili. Ang nakalulungkot, ang mga nagsipagsariling mga anak ay bihira ng dumalaw sa mga nagsisitandang mga magulang na naiwan sa dati-rati ay maiingay na tahanan. Tulad halimbawa ng nangyari sa isa naming kapitbahay na matanda na at namumuhay ng mag-isa, kamakailan lamang.
Click to enlarge image.Amy Kraft and escort Albert Kraft offered lovely and beautiful flowers to Miss Charity: Ms. Marcela Miranda
 

Gumamit ng banyo ang nasabing matanda. Nadupilas ang kanyang paa at nawalan ng malay. Tatlong araw bago siya natuklasan. Kung hindi pa nagkakatok ng malakas ang tsuper ng dumating na asawang kauli na mahina na rin ang katawan at pag-iisip at nakatira na sa nursing home ay hindi pa matutuklasan ang matandang nawalan ng malay. Mayroon silang tatlong anak, at kayrami ng mga apo. Sa loob ng tatlong araw ay walang nakaisip tumawag sa kanya. Bihira rin siyang dalawin ng kanyang mga kaanak. Sadyang nakakalungkot masaksihan ang mga ganitong pangyayari.

Ang mga alaala ng mga ganitong pangyayari ang nag-udyok pa rin sa akin na sumulat tungkol sa Filipino Aspirations of Rizal na ang mga pangunahing layunin ay hindi lamang maitampok ang mga aral ng dakilang bayani, kundi para matulungang maging masaya at kapaki-pakinabang ang buhay ng mga seniors. Dahilan pa rin ang papahilig ko ng buhay pakanluran at dahil na rin sa nasaksihan kong kasiyahan at kasiglahan ng mga Filipino at maging ng ibang lahi na nagsidalo sa kanilang ika 25 anibersaryo ng pagkakatatag na ginanap sa Masaryk Conmunity Center nuong nakaraang Agosto 29.
Click to enlarge image.Crowned Miss Filipino Aspirations of Rizal 2009, Ms Carmen Hacuman, her court: Miss. Hope-Ms, Dalsa Miranda, Miss Charity-Ms. Marcela Miranda, & their escorts
 

Parang nasa katanghalian pang gulang ang kayraming mga seniors na nagsisipagsayaw sa gitna ng bulwagan. Kaysigla ng kanilang mga kilos, kunday at indak sa saliw ng tugtugin at mga awitin mabibilis, tulad ng rumba, boogie, tango, line dancing atbp. Ang lalong nakatutuwa, matataas pa rin ang takong ng kanilang mga sapatos at ang kanilang mga kapareha ay parang mga bagong taong walang nararamdamang sakit ng mga kasukasuan, tuhod o pamimitig ng mga binti. Parang mga binata at dalagang lubos na nasisiyahan at naliligayahan sa kanilang pagsasayaw, at pagkukuwentuhan. Dahil sa mga pagsusumakit ng mga nasa pangasiwaan ng Filipino Aspirations of Rizal, nagiging kaiga-igaya ang gintong mga taon ng mga kasapi at iba pa Seniors na nagsisidalo sa kanilang mga pagsasama-sama.

Ang isa pang nakatawag sa akin ng pansin ay ang mga Seniors na kinoronahan noong gabi ng kanilang ika 25 taong anibersaryo. Sa aking pagmamasid wala yong pagarbuhan, paibukan o patalbugan kaya, bagkus kababanaagan ng kagandahang loob at pagbibigay pag-asa, sa mga kasapi, mga nagsidalo at mga nakasaksi.
Click to enlarge image.President Elect A. Ramos with escort Sir Joe Damasco marched exuberantly as they carried the trophy awarded to the crowned Miss Filipino Aspiration of Rizal Ms. Carmen Hacuman
 

Miss Hope { Bb. Pag-asa } Maging ang kasuotan ng kinoronahang Bb. Hope na si Ms. Dalsa Malate ay nagbabadya ng pag-asa. Hindi katingkarang pula, na ang kahulugan ay maging masaya, dahil laging may pag-asa. Na hindi dahilan ang pangangalog ng baba at nanginginig ang mga tuhod para magmumukmok at maghinagpis.

Miss Charity { Bb. Kawanggawa} Tulad ng kasuotan ng Bb Hope ang kinoronahang Miss Charity na si Ms.Marcela Miranda ay kasisinagan din ng pagkakawanggawa. Hindi katingkarang kulay ginto, na ang kahulugan ay laging maging bukas palad sa mga nangangailangan. Hindi lamang sa mga pangangailangang materyal kundi sa pag-uukol ng panahon at tulungang pasiglahing muli ang mga nangalulungkot at nagsisipaghinagpis.
Click to enlarge image.Lynette Perez with escort happily carried the trophy awarded to the crowned Miss Hope, Ms Dalsa Malate.
 

Higit sa lahat ang pagtatampok ng kahalagan ng isang mag-anak. Kaakbay ang kanyang anak, at kasama pa rin ang kanyang mga apo, ibinandila ng kinoronahang Miss Filipino Aspirations of Rizal na si Ms. Carmen Hacuman ang lakas at kaligayahan nagbubuhat sa pagkakabigkis-bigkis ng nagmamahalang mag-anak. Katulad ng mag-anak na Rizal na binigkis at pinatibay ng pagmamahal nila sa isa’t isa. Maa-alaalang ang nag-udyok kay Rizal na mag-aral ng medisina ay para maoperahan ang mga mata ng kanyang pinakamamahal na ina na nagkaroon ng katarata.

Sa kasaysayan ng isang bayan at sa bawat panahon ay may isinisilang na bayani o mga bayani. Tulad na lamang nga pagkakaroon natin ng Cory at Ninoy sa panahong hindi na natin masikmura ang pamamalakad ng nasirang Marcos, subalit ang mga bayani ay hindi lamang yong iniluluklok natin sa mataas na pedestal ng kabayanihan at karangalan. Mga bayani rin ang mga nilalang na iniisip hindi lamang mga pansariling kapakanan, kundi nagpupunla ng kabutihan sa puso ng kanilang kapwa, naghahandog, at gumagawa ng kanilang makakayanan para sa ikasisiya at ikauunlad ng mga nangangailangan
Click to enlarge image.Ang pamunuan at mga kasapi ng Filipino Aspirations of Rizal, kasama ang mga itinampok na ginang sa gabi ng kanilang ika 25th anibersaryo ng pagkakatag.
 

Kahalitulad ng mga maliliit at di kalakihang bato na bumuo ng isang matatag at matibay na bantayog, ang bantayog ng buhay na itinatayo ng mga may mabubuting kalooban tulad ng Filipino Aspirations of Rizal na pinangunguluhan ni Ms. A. Ramos ay nabubuo ng dahil sa mga gintong uhay ng kabutihan na kanilang inihahasik.

Mayroon din tayong kasabihan na anya “Kung kabanalan man ang gawang magdasal, ang gawang mabuti’y lalong kabanalan” Ah! Tunay ngang kabanalan ang mga ginagawa ng ating mga kababayan na nagsisikap upang mapabuti at mapaligaya ang kanilang kapwa.


 
 

Ambassador Jose A. Zaide
Thu 24th September 2009
Manila
 

Felicitations!

Ambassador Jose A. Zaide
Sept. 24, 2009, Manila