Wala na si ‘Ondoy’. Lumayas na din sa wakas si ‘Pepeng’. Pero ang mas masakit, ngayon lubos natin nakikita ang masaklap na katotohanan na kinakaharap ng mas nakakarami sa atin. At kahit bumalik na ang karamihan sa normal na buhay, pero paano yung ibang kababayan natin na hindi maka-bounce back pagkatapos ng bagyo at baha?
Sino ba sa atin ang mas gugustuhin na kapalan ang mukha para manghingi o mamalimos ng pagkain at tulong-kawanggawa? Normal kung piliin ng bawat isa sa atin ang maglimos kaysa mamalimos. Ang magpautang kaysa mangutang. Ang magbigay kaysa bigyan. Pero hanggang kailan nga ba makakaramdam ng hiya lalu na kung kumakalam ang sikmura at may mga anak na umiiyak sa gutom at halos mamatay na dukha? Ang nakaraang hagupit at walang sawang hambalos mula kina ‘Ondoy’ at ‘Peping’ ay isa lamang sa mga susi na nagbukas ng taklob sa ating mukha para ibuyangyang ang kinasasadlakan nating kahirapan. Na sa isang banda ay dapat nating ipagpasalamat:
That finally, our ‘brown veil’ was raised to vividly expose to the world our miseries and poverty. Nakalulungkot. Masakit. Dahil bigla tayong nagising sa tutuong kinasasadlakan ng Pilipinas? Pero hindi dapat na manahimik. Hindi sapat ang simpatya at awa ng mundo.
We just can’t be silent over what happened. Huwag nating kalimutan na bago pa man dumating ang mga ganitong kalamidad, marami na sa ating kababayan ang nagugutom, ang biktima ng ibat-ibang sakit, paninikil sa buhay at karapatang pang-tao, higit sa lahat, biktima ng masaklap na ‘baha ng kahirapan’.
Tunay na ang nasabing mga kalamidad ay tawag o gawa ng kalikasan. Pero malaking bahagi ng ating nararanasan ay gawa din naman ng ating pagpapabaya. Dahil hinahayaan natin na magkalat ang karamihan ng kanilang mga dumi at basura sa bawat kanal, ilog at mga imburnal. Dahil natanggap ng matagal nang karamihan na magbingi-bingihan at magbulag-bulagan patungkol sa sistema ng corruption at mga katiwalian sa ibat-ibang sangay ng ating lipunan. Isa sa mga patutuo dito ay ang pagpapadala ng
international aid and relief goods mula sa mga samahan ng mga manggagawang Pinoy (OWs) sa ibayong dagat. Minsan ko ng narinig sa isang Filipino organization dito sa Riyadh na mas mabuti pang ipadala sa ABS-CBN o GMA 7 ang kanilang taus-pusong kaloob at tulong para sa mga nasalantang kababayan kaysa padaanin sa ahensya ng ating gobyerno dahil takot silang hindi makarating ang mga ito sa mga kinauukulan. Takot na baka ang mga lumang damit kaloob para sa mga kababayang nagiginaw ay matagpuang ibinebenta sa mga sa ukay-ukay. Pero masisisi ba sila na mawalan ng tiwala?
Kung napaghandaan lamang kahit paano ang mga ganitong kalamidad hindi sana ganito kahirap harapin ang lahat.
Imagine, a country without enough amphibian boats for this type-of-calamity! Mga
obsolete radar and weather forecast systems na panahon pa yata ni Lapu-lapu ginagamit.
Flood warnings at dam controls na sa dama at tingin ng balana ay dapat binigyang pansin at konsiderasyon. (Imagine, patuloy ang baha hanggang ngayon sa Hagonoy at Calumpit sa Bulacan; sa Pampangga at mga parte ng Rizal Province). Ang lubos na masakit, paano nga ba makikisimpatya ang karamihang nasa poder ng kapangyarihan at pamamalakad kung hindi nila nararanasan ang magutom? Kung hindi nila nararanasan ang lumusong sa maduming tubig baha at ang tanging adhikain ay ang manatili sa itaas at magpayaman?
Huwag nating lokohin ang ating mga kababayan, ang ating mga sarili at ang ganitong mga pagkakataon. Ito ang panahon para gumising tayo na matutong tumanggap at mabuhay na mayroong responsibilidad. Pagkain para sa mga naguguton. Mga kumot at unan para sa mga giniginaw. Damit para sa mga walang maisuot sa katawan. Usal ng pag-asa at simpatya sa mga nabasagan ng pangarap. Pero higit sa lahat, disiplina sa ating lahat para mahalin ang ating kalikasan. Ibalik ang takot sa Diyos at sa mga namamalakad ng ating lipunan at pamahalaan, matutong mahalin at mabuhay sa tungkuling sinumpaan. Huwag nating hintayin na dumating iyung sandali na muli tayong magbayad ng utang. Huwag kalimutan ang batas ng Diyos, ng Lipunan at Kalikasan dahil kapag pinagwalang-bahala, siguradong darating ang ‘
payback time’. (
J. Nava Cruz, an OFW, is a writer-documentarist. E-mail at bashamel007@yahoo.com)
Hi Jamie just a brief comment on your posted article. I totally agree with you. If only the "so-called leaders" in the Philippines spend money on building houses for the poor, educate the people on how to look after their environment they're living in. To build more hospitals, schools, in this way creating more jobs as there are sooo many qualified teachers, and qualified nurses so as they don't immigrate to other countries. And mostly free education on family planning.