Sisimulan na ng Lupon ng mga Artista Para sa Kultura at Sining (Artists League for Culture & Arts) dito sa Riyadh ang weekly audition para sa mga gustong lumahok sa kauna-unahang “Ang Galing-galing Ang Sarap-sarap” (AGGASS) Cooking Competition na gagawin sa ilalim ng ipinagmamalaking stage direction ni Ritchie Civil .
Base sa talaan ng mga kaganapan na ibinahagi ni Civil, napag-alaman na gaganapin ang weekly auditions sa ilang mga napiling Philippine international schools sa Kaharian: International Philippine School in Riyadh (IPSR), March 19 and 26, April 2 from 1:00 - 5:00 PM; Al Taj International School, April 9, 16 & 23, 1:00 - 5:00 PM at Riyadh International School (RIS), April 30, May 7, 14 & 21 from 1:00 – 5:00 PM. Sa mga naglalayong lumahok, maaaring makipag-ugnayan kina: Richie Civil, CP 0561796801 at Sotero Remo, III CP 0507019969 para sa kumpletong detalye tungkol sa naturang patimpalak sa pagluluto.
Ayon sa ALCA Productions, gaganapin ang
Final Night sa Liwasang Bonifacio ng Pasuguan ng Pilipinas sa Riyadh sa ika-28 ng Mayo kung saan ito ay dadaluhan ng lupon ng ibat-ibang panauhin, mga kababayang Pinoy at mga kaibigang dayuhan mula sa ibat-ibang larangan ng kaalaman. “
Free admission” ang naturang palabas, na ayon kay Civil, ay tunay namang kalulugdan ng mga kababayan at ibang lahing manunuod. Ilan sa mga katuwang nang naturang palabas ang Orbit Showtime, KUBO at ilan pang masugid na tagapagtaguyod. Ayon naman sa iba pang kasama sa AGGASS, “
Magsisilbing bagong anyo ito ng pagpapakita nang kakaibang palabas pang-entablado kung saan ang magiging mga bida ay ang tunay na masasarap na pagkaing Pinoy kasabay sa pagpapamalas ng kakaibang kulay at larawan ng kultura at sining nating mga Filipino.” - (J. Nava Cruz, an OFW, is a writer-documentarist. E-mail at
bashamel007@yahoo.com.)

(AGGASS Cooking Competition May 28 Final Night)