Huwag na nating tingnan ang “pautang-patong-tubo” o yung popular sa tawag na “5-6” sa aspeto at sinasaad nang Banal na Koran at nang Bibliya. Huwag na nating ikumpara pa ito sa aspeto ng tubo (interest) mula sa mga legal na sistema nang pangangalakal (legal form of loan-bearing-interest transactions) na ginagawa sa loob ng mga rehistradong institusyon tulad ng bangko. At huwag na nating tingnan sa punto-de-vista base sa Usury Laws & Acts ng Pilipinas, o ang hindi pagtanggap nang Kaharian sa illegal na sistemang ito. Bagkus tinggan na lamang natin ang operasyon ng “5-6” sa paraang maka-tao at kung tumutugma sa “patas na laban” base sa ilang kuwentong personal na binahagi ng ilang OFWs.
Una sa lahat, ang
“5-6” operation ng ilang
expatriates dito sa Kaharian ay hindi nakarehistro bilang isang
lending institution. Una, hindi ito tinatanggap, at hindi matatanggap ng batas ng Kaharian. Sa madaling salita, tunay itong
illegal. Pero hindi ito ang kuwento!
The story behind this story is: Granted na nariyan ang “5-6”, pero maka-tao ba o mayroon bang “patas na laban” na ang maging sistema ay magpatong ang mga operators ng 10% buwanang-tubo (
monthly interest) sa halagang inutang, at kung hindi makabayad ay patungan pa ang tubo nang panibagong tubo kasama ang capital.
Halimbawa: Umutang si OFW Pedro kay Kabayang Juan nang 5,000 Saudi Riyals (katumbas ng $1,377 o 63,000 Pesos sa kasalukuyang palitan sa merkado) para ipagamot ang kaniyang ina na agaw-buhay sa Pilipinas. Hindi naman kalakihan ang kaniyang suweldo na SR 2,000 (Dollars 531). Isipin na lamang ang bigat sa kaniyang bulsa kung paano niya mababayaran ang halagang SR 500 (
10% monthly interest o katumbas ng halagang 6,100 Pesos ) para sa SR 5,000 na binigay na “loan”. At kung hindi makabayad sa tamang oras, ay magiging SR 550. Dagdag na SR 50 dahil sa delay ng bayad sa tubo. Tubo pa lang ito! At kung minamalas-malas si OFW Pedro ay tuluyan na siyang mababaon sa utang. Kailan at paano nga ba siya makakabangon? Tanggapin natin ang katotohanan na gagawin natin ang lahat, kahit kumapit sa patalim, kung ang nakataya na ay ang buhay nang sinuman sa ating pamilya, lalu na’t buhay ng isang pinakamamahal na ina. (At dito nagkakaiba ang buhay ng mayroong pera at wala.)
Bilang isang Pinoy at manunulat, tinatanggap ko na nariyan ang sistemang “5-6” sa gitna nang samahan nating mga Filipino. Naging parte at sistema na ito ng buhay Pinoy maging sa Pilipinas at ngayon, dito sa ibang bansa. Sistemang tunay na mahirap buwagin hanggang mayroong mga taong nangangailangan sa aspetong pinansyal. Pero hindi naman puwedeng magbulag-bulagan at magbingi-bingihan sa sistema kung saan patuloy na makita ang ilang mga kababayan na pumalaot at magpasuklob sa kuko at pangil ng hindi makatarungang “5-6” operation. Yung sobra-sobrang pagpapatubo. Dapat lamang na rebisahin at tingnan ang kanilang pinapatong na tubo (
interest) base sa ilang mga situwasyon tulad ng kay OFW Pedro at sa mga kagaya niya. Walang masamang kumita ng pera, pero huwag naman sanang maging sakim sa pera. Maaari naman sigurong maging patas lamang sa tubong ipinapatong.
Sa isang banda, marami din namang mga OFWs ang nagkaka-problema sa mga ganitong kalakaran ng mataas na
interest-bearing loans mula sa “5-6” dahil na din sa maling mga
budgeting at
forecasting. Hindi maayos na pagtingin sa
cash management at hindi wastong pag-iimpok. Bakit nga ba magpipilit na bumili ng isang “
property investment” o makipag-deal sa isang “
car loan” o gumamit ng sanrekwang
credit cards kung hindi naman talaga nakaayos nang tama ang
finances. Bubugbugin ang sarili sa napakadaming alalahanin patungkol sa bayarin. The truth of the matter is:
Fund is always the decisive factor in any form of transaction’. And the heart of the matter is
: “Always keep in mind that cash is king. That’s the first rule. And make sure that you never run out.”
Iyon nga lamang, palagi nang tanong ay kung PAANO, lalu na’t marami ang katulad na situwasyon kagaya ng kay OFW Pedro. Mga situwasyon na dapat tingnan nang mga nanunungkulan sa ating gobyerno sa Pilipinas. Mga bagay na dapat pagtuunang-pansin at palanstahin dahil hanggang ang karamihang Pinoy ay lubog at lugmok sa kahirapan hindi natin kailaman sila mapipigilan at matutulungan na lumapit sa kaway ng kumunoy. Ang Kumunoy sa “5-6” ng Buhay! (
J. Nava-Cruz, an OFW, is a writer-documentarist. E-mail at bashamel007@yahoo.com)