Jamie Nava Cruz
If you are reading this note, you must have accessed this page directly through a bookmark or an external link. Please be advised that www.mnnetherlands.com recently underwent a re-structuring and that this page has been renamed and moved to a new directory, and will eventually be phased out. Click the SEARCH button below to locate this page's upgraded version.


Pinoy artists launch the First Kingdom-wide Cooking Competition
Riyadh, Saudi Arabia
December 23, 2009
 
 
Tuluyan ng binuksan ng ALCA Talent Center, kasama ang ilang mga OFW Filipino independent artists dito sa Riyadh ang pinto ng patimpalak para sa kauna-unahang “Ang Galing-galing, ang Sarap-Sarap (AGGASS)” Kingdom-wide Cooking Competition kung saan ang Grand Finals ay gaganapin sa Liwasang Bonifacio ng Pasuguan ng Pilipinas sa Riyadh sa darating na ika-2 ng Abril, 2010.

Ayon sa nakaraang panayam kay Richie Civil, ALCA President & Founder at Mr. Sotero S. Remo, III may ‘brain-child” ng naturang competion, kanilang isasagawa ang patimpalak sa layuning ipakilala at itampok ang kakaibang kulturang Pinoy hindi lamang sa mga kapuwa Filipino kundi maging sa international community sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga pamamaraan ng ating kakaibang pagluluto at mga pagkaing Filipino. Isa sa nagbunsod sa grupo ng mga nasabing artists ay ang kanilang mithiin na makapaglimbag ng isang handy-cook-book kung saan mas madaling matutunan ng mga Pinoy na nangingibang bansa, lalu na ang mga OFWS, at maging mga kaibigang-banyaga, ang mga paraan ng pagluluto ng ibat-ibang putaheng Pinoy. Dagdag ni Civil, “This competition is one good way of championing our Filipino cuisine.” Ayon naman kay Remo, “This is the time that we need to give something in return sa ating mga kababayang Pinoy lalu na mga kapuwa OFWs. Isa sa nagtulak sa akin para gawin ito ay yung nangyari sa aking food-poisoning last September 29, 2009 at yung aking mithiin na makapag-contribute ng aking kaalaman sa pagluluto’.
Click to enlarge image.(Mula sa kaliwa: Sotero Remo III, Jean del Carmen at Richie Civil - Kuha ni JNC)
 

Nagkaisa ang grupo sa pagsasabing ang nasabing cooking-competition ay isang kakaibang Pinoy event na lubhang malayo sa mga stage productions na nagawa at ginagawa ng maraming Filipino organizations sa Saudi Arabia. Ang naturang palabas ay ididirihe ni Ricthie Civil sa kaniyang panibagong stage direction kasama sina Sotero S. Remo at J. Nava Cruz. Samantala, ang AGGASS cook-book ay ang kauna-unahang authorship ni Remo kasama si Nava-Cruz bilang book-editor-writer at Civil, bilang creative artist-writer. Magiging beneficiaries, kung anumang proceeds ang papasok sa naturang palabas, ang ALCA Talent Center at Pinoy Sining (The Filipinos for Arts & Culture) para makatulong sa kanilang mga proyekto.

Ang patimpalak ay bukas sa lahat — Filipino man o mga ibang lahi — na may kakayahang makapagluto ng isang kakaiba at masarap na putaheng Pinoy. Sa mga gustong lumahok, maaaring makipag-ugnayan kina: Ritchie Civil (CP 0561796801) at Sotero Remo (CP 0507019969). – J. Nava Cruz, an OFW, is a writer/artist/documentarist. E-mail at bashamel007@yahoo.com.)