Hindi ko alam kung matutuwa o magagalit ako kay Pinsang Lorenzo.
Lumaki siya sa paniniwalang ang buhay ay umiikot sa pakikisama, na kung gusto mong humaba ang buhay ay kailangang makisama ka.
Binabagabag siya sa sasabihin ng tao, na mapipintasan siya kapag tumanggi siya, sa mga pakiusap nito, sa mga hinihingi nilang pabor.
Lumaki siya sa panahong si Kumpare at si Kumare ay napakahalagang mga tao, na kung minsan ay mas mahalaga pa sa pamilya mo. Minsan ay nasabi niya, “Magkulang ka na sa pamilya mo, ngunit huwag lang kay Kumpare at kay Kumare.
“Bakit?” naitanong ko.
“Ang pamilya mo, mapagtatakpan ka; pero ang pamilya mo, hindi.”
“Pero ang pamilya mo, sa oras ng kagipitan ay siguradong tutulungan o susuportahan ka, pero sina Pare at Mare, nakasisiguro ka ba.”
Sobra ang bait ni Pinsang Lorenzo. Hindi siya marunong sumagot ng hindi. Ang lahat sa kanya ay puro Oo, basta sina Pare at Mare.
Buti na lang at walang asawa si Pinsang Lorenzo. Kung mayroon, ang pagsagot niya ng pulos Oo sa kanyang mga Kumpare at mga Kumare ay maaring nangangahulugan nang maraming mga away at pagtatalo.
NGAYON ay uuwi siya upang magbalikbayan. Dalawang may bigat na 70 lbs. na bagahe ang maari niyang dalhin. Upang madala niya ang pinakamaraming maari niyang dalhin ay gagamit siya ng isang maletang di gulong at isang balikbayan box. Ang maletang di gulong ay para sa kanyang pansariling mga gamit. Ang “balikbayan box” ay para sa mga padala ng kanyang mga kumpare at mga kumare at mga kaibigang hindi matanggihan – dahil sa pakikisama.
Punong-puno ng mga padalang kung anu-ano ang “balikyaban box.”: dalawang kahon ng sapatos na naglalaman ng sampung
corn beef, apat na bote ng
Nescafe at tatlong bote ng
Kraft Peanut Butter, padala ng kanyang Pareng Nardo (ama ng inaanak niya sa kumpil na si Victoria); isang kahon na naglalaman ng apat na pares ng lumang sapatos na Nike, (na ayon sa kanyang Kumpareng Tirso ay mahuhusay pa) para sa mga pamangkin nito sa Las Pinas; isang katamtamang laki ngunit di kabigatang kahon na naglalaman ng mga
Christmas Lights na sinasabit sa bintana na binili ng kanyang Pareng Bert sa
Dollar Store, para sa kapatid nito sa Mandaluyong, ngunit nang sabihin ni Pinsang Lorenzo na sa atin ay 220V at dito ay 110V ay sinamahan pa ng
transformer; isang supot na plastic ng
Food Basic na namumuwalan sa siniksik na mga lumang damit at mga lumang sweater na padala ng kanyang Mareng Carlota
para sa pamilya ng kapatid nito sa Angeles City na kung maari ay dalhin lang niya kaagad sapagkat magpa-Pasko na, at kung malamig ang panahon ay nasisipon ang kapatid nito; isang maliit ngunit mabigat na kahon na naglalaman ng isang
set ng
socket wrench, isang
set ng
box wrench, isang
set ng
open wrench, dalawang
vise grip at isang
pipe wrench, na binili ng kanyang Pareng Emil ng $39.99 ng ito ay mag-
sale sa
Canadian Tire, para sa bayaw nitong mekaniko sa Tarlac, Tarlac; isang katamtamang laking supot na naglalaman ng mga
toothpaste at mga sabon at mga
shampoo, padala ng kanyang Mareng Lilia para kay Joanna,
best friend nito noong
high school.
Puno na ang balikbayan box. Umaapaw ito sa kapunuan. Tinangka ni Pinsang Lorenso na buhating mag-isa para malaman kung gaano ito kabigat. Ibinaba niya nang maramdaman niyang parang sumakit ang kanyang likod sa pagbuhat.
Tinawag niya ako upang tulungan siya. Binuhat namin iyon ng maingat na maingat sapagkat baka masira ang kahon ay mahirap ang mag impakeng muli. Inilagay namin iyon sa
weigh scale. Sinasabi ng
weigh scale: 86 lbs.
“Sobra pala tayo,” sabi ni Pinsang Lorenzo.
“Bawasan mo at isauli mo ang iba,” sabi ko.
“Nakakahiya naman. Kumpare at kumare kong lahat ang nagpadala niyan.”
“Ano’ng balak mo?”
“Isisingit ko sa maleta ko.”
“Di kakaunti ang madadala mo para sa sarili mong gamit?”
“Doon na lang ako bibili sa atin nang ibang kailangan ko.”
Sa
handcarry ni Pinsang Lorenzo ay inilagay niya ang anim na padalang
envelope na walang alinlangan ay naglalaman ng mga pera at mga sulat: isang
Manila envelope na padala ng katrabaho niyang si Sandro, para sa kapatid nitong si Susan na nakatira sa Mandaluyong; isang
envelope na padala ng isa pa niyang kaibigan na si Gerry, para sa mga pamangkin nito sa Valenzuela, na kung maari ay pakidala lang niya kaagad sapagkat ang perang ito ay gagamiting pambili ng gamot ng kanyang bayaw; tatlong
envelope na padala ng kanyang tatlong kababayan, na nakahihiyang tanggihan sapagkat baka mabalita siya sa kanilang bayan na iyon lang ay hindi pa niya dinala, parang hindi siya kababayan; isa pang
envelope na padala ng kanyang dating kaklase para sa anak nito, na dahil sa edad ay hindi na naisponsoran sa Canada.
Bisperas ng pag-uwi ni Pinsang Lorenzo. Mabigat at malaki ang kanyang mga bagahe. Hindi kasya sa kotse. Ang kailangan niya ay
minivan o full size van – mga sasakyang wala siya, ngunit mayroon ako. Sa mga nagpadala ay apat ang may minivan.
Alam ni Pinsang Lorenzo na wala akong padala sa kanya, na kusa kong ginawa sapagkat alam ko ang hirap ng pagpapadala; ang abalang dulot nito hindi lamang sa pinanggalingan kung hindi sa pupuntahan; ang mga suliraning maaring maganap sa daan gaya ng ikaw na nagdala ay maaring pagbayarin ng buwis sa Custom; na maaring mawala ang buong bagahe sa daan at magiging pananagutan mo pa, o maaring dukutin sa daan ang ibang padala, na hindi lamang pananagutan mo pa, kung hindi baka mapagbintangan ka pa na inumit mo ang mga ito.
Nahihiya siguro si Pinsang Lorenzong magsabi sa akin na pakihatid ko siya dahil sa wala nga akong padala sa kanya.
Isa-isa niyang tinawagan ang mga nagpadala sa kanya na may
minivan.
“Pare,” sabi ng kanyang Pareng Nardo. “E, ginagamit ng kumare mo ‘yong sasakyan kapag pumapasok sa trabaho. Sayang, natapat pa naman.”
“Sorry, pare,” sabi ng kanyang Pareng Tirso. “Nasa talyer ‘yong sasakyan ko. Nabangga kahapon.”
“Pare,” sabi ng kanyang Pareng Emil. “Me pasok ako noon. Kung nabanggit mo sana nang maaga-aga, di sana ay nakapag-
sick call ako.”
Nang sabihin ni Pinsang Lorenzo na bukas pa naman siya aalis at maari pa siyang mag
sick call ay sinabi sa kanya ng kanyang Pareng Emil, “Pare, kung mag
sick leave ako ay tatlong araw. Kung isa lang ay walang bayad. Kung tatlo ay mayroon.”
“Pare, tatlong araw pa rin ang kunin mo; pero umpisahan mo bukas, paghahatid mo sa akin,” sabi ni Pinsang Lorenzo.
“Magandang
idea, pare ko; pero ang hirap nito ay may
overtime kami simula bukas, sayang. Alam mo naman, kailangan namin ang pera dahil maraming gastos iyong inaanak mo. Ganito na lang ang gagawin natin; ako na lang ang susundo sa iyo, pagbalik mo.”
At sa isa niyang kababayan, “Kuya, hindi p’wede ‘yong sasakyan ko dahil hindi ko kinakargahan iyon ng mga malalaki at mabibigat. Kabibili ko lang niyon. Sayang, baka magasgasan.”
Mahirap talaga ang buhay. Masakit ang katotohanan. Sa mga nagpadala kay Pinsang Lorenzo ay marami rin ang gustong tumulong o ipagamit ang kanilang sasakyan upang madala niya ang kanyang mga bagahe.
“Pare,” sabi ng kanyang Pinsang Bert. “’Yong sasakyan ko ay hatchback, pag nakatupi ‘yong upuan niyon ay p’wede nating isakay ‘yong kahon mo. Ang gawin natin ay magdalawang sasakyan tayo; sa akin ‘yong kahon, sa kotse mo ‘yong maleta; pero kailangang humanap ka ng driver ng kotse mo.”
“Pare,” sabi ng kanyang Mareng Carlota. “Kung wala kang magamit ay pakisabi mo lang sa akin at hihiramin ko ‘yong SUV ni Kuya.”
Nahihiya man ay sinabi sa akin ni Pinsang Lorenzo na kung maari ay ihatid ko siya sa paliparan.
“Walang problema,” sabi ko. “Ano’ng oras ang lipad mo?”
“Alas tres ng hapon,” sagot ni Pinsang Lorenzo.
“Alas onse ay nariyan ako. Maigi na iyong maaga kaysa huli.”
MAHABA ang pila sa
check-in counter. Pinagtitinginan si Pinsang Lorenzo sa laki ng kanyang bagahe. Sa kanyang bagaheng kahon ay nakasulat nang malalaki at sa matingkad na kulay pula ang kanyang pangalan at kanyang tirahan, na para bang ipinatatalastas niya kung sino siya at kung saan siya nakatira.
Nasa harap na siya ng
counter. Ibinigay niya ang kanyang
ticket at kanyang
passport sa
airline rep. Umigkas ang mga daliri ng
airline rep sa
keyboard ng
computer.
“Please place your baggage, one at a time to the scale please,” sabi sa kanya ng
airline rep habang
itinuturo ang
conveyor.
Binuhat ni Pinsang Lorenzo ang kanyang maleta sa
weigh scale. Sinasabi ng
weigh scale sa pulang liwanag:
70 lbs.
Nagkakandairing binuhat niya ang
balikbayan box. Umiiling ang
airline rep,
“Sir, you exceeded the maximum weight by 5 lbs. I am sorry, I won’t be able to let this go. You have to pay the penalty.”
“How much are we talking about here.”
“Two hundred and fifty dollars, sir.”
Namutla si Pinsang Lorenzo nang marinig ang halaga. Isang libo lamang ang kanyang dalang
pocket money. Hindi na niya p’wedeng bawasan ang laman ng kahon dahil nakaalis na akong naghatid sa kanya.
O kung bubuksan niya ang kahon upang bawasan ang laman, ay papaano niya uli iyon isasara gayong wala naman siyang dalang
tape na pansara. At ang inalis niyang padala, saan niya dadalhin iyon at kangino ang kanyang aalisin. Maaring paghinalaan pa siya ng kanyang kumpare o kumare na kinuha niya ang kanilang mga padala. Wala na siyang pagpipilian kundi bayaran ang
multa.
Binayaran niya ang
multa.
“Sir, you should also know that you have an oversize baggage and you must check in at the other counter.”
Nagkamot ng ulo si Pinsang Lorenzo. “Ano ba itong napasukan ko,” sa loob-loob niya.
Muli, nagkakandairing binuhat niya ang kanyang bagahe at isinakay sa
cart. Nagkakandairing nag
check-in siya sa
counter at nagkakandairi rin niyang ibinaba sa
conveyor. Nilamon ng
conveyor ang kanyang dalawang bagahe.
Pagkuway may naramdaman siyang parang may lumagutok sa kanyang likod. Sinapo niya ang kanyang likod at siya’y nakaramdam ng sakit. Dumalangin siya sa Diyos na sana Po ay huwag siyang magkaroon ng
back injury.
Paika-ika siyang lumakad patungo sa mga
security checks. Marahan ang kanyang paglakad. Yumuyuko siya kapag tumitindi ang nararamdaman niyang sakit.
Sa bawat taas ng kanyang mga kamay upang ma X-ray ang kanyang katawan, sa bawat pagtanggal ng kanyang suot na sapatos, sa bawat pag-alis ng mga laman ng kanyang mga bulsa, sa bawat pagbuhat ng kanyang
hand carry, ang sakit ay tumitindi
.
Nalampasan na niya ang mga security checks at immigration.
Ngayo’y patungo siya sa
waiting lounge. Gumagala ang kanyang mga mata. Naghahanap siya ng malayong sulok na walang nakaupo. Ayaw niyang makita siya ng mga iba pang naghihintay na mga pasahero na nakangiwi siya ng dahil sa sakit.
Dahan dahan siyang umupo sa pinakamalayong sulok. Napa AH! siya sa sakit ng kanyang likod. Napatingin sa kanya ang ilang naroon.
“Kabayan, ano bang nangyari?” tanong sa kanya ng pinakamalapit niyang katabi.
“Nadisgrasya,” sabi ni Pinsang Lorenzo.
“Ang alin?”
“Itong likod ko.”
“Bakit?”
“Sa pagbuhat ko kangina ng mga bagahe ay nadali itong likod ko.”
“Baka masyadong mabigat iyong mga bagahe mo?”
“Medyo.”
“Iyon ang hirap ng napakalaki at napakabigat ang mga bagahe. Bale ba ay marami sa mga laman noon ay hindi naman sa iyo kung hindi padala lamang. Hindi lang alam ng mga nagpapadala ang hirap ng magbiyahe.”
Hindi kumibo si Pinsang Lorenzo.
“Siya nga pala, may dala akong
Tylenol dito. Mag
take ka ng isa para mabawasan ang sakit. Kung hindi ay mahihirapan ka sa biyahe.”
“Nakakahiya naman sa iyo.”
“Huwag kang mag-alaala, marami akong dala dahil kailangan ko iyon dahil sa rayuma ko. At saka
prescrition sa akin ang
doctor ko”
“O, sige. Salamat.”
Sa kanyang
handcarry ay kinuha ng katabi ni Pinsang Lorenzo ang isang bote ng
Tylenol. Binigyan nito siya ng isa. “O, eto, inumin mo.”
Inilahad niya ang kanyang kanang palad. Inilagay doon ang isang
Tylenol. Napag-isip niyang wala nga pala siyang tubig. Napansin din iyon ng kanyang katabi.
“S’ya nga pala, kailangan mo nga pala ang tubig. Diyan ka at ikukuha kita ng
bottled water.”
“Pakilubos mo na,” pakiusap ni Pinsang Lorenzo.
Saglit na nawala ang katabi ni Pinsang Lorenzo. Saglit na nag-isip at nagmuni-muni si Pinsang Lorenzo na: mabuti pa itong taong hindi naman niya kakilala at tinutulungan siya, samantalang ang kanyang mga kumpare at mga kumare, na naging dahilan ng pagsakit ng kanyang likod, na dapat sana ay tinutulungan siya sa oras ng kanyang mga pangangailangan ay pinagkaitan siya ng tulong. Napakuro niyang pag mabait ang tao ay mabait ito kahit saan man naroon.
Sa pagbabalik ng kanyang katabi ay dala na nito ang isang
bottled water. “Heto,” sabi nito.”
“Salamat. Magkano?”
“Pabayaan mo na lang. Mura lang naman.”
Napangiwi siya ng buksan niya ang
bottled water. Inilagay niya sa bibig ang
Tylenol. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay na may hawak ng
bottled water. Umagos ang tubig sa
bottled water patungo sa kanyang bibig. Nilunod ng tubig ang
Tylenol.”
Muling binuksan ng kanyang katabi ang kanyang handcarry. Muli nitong kinuha ang bote ng Tylenol. Sa isang malinis na tissue paper ay inilagay nito ang anim na Tylenol. “Heto inumin mo sa biyahe natin every four hours. Kung hindi ay mahihirapan ka.”
“Salamat. Sobrang naabala kita.”
“Bale wala iyan. Sa akin natapat ang pangangailangan mo.”
“Marami ka nang naitulong sa akin, pero hindi pa tayo magkakilala. Lorenzo ang pangalan ko, Ikaw?”
“Jess.”
Ang sumunod ay isang napakahirap na paglalakbay na nalampasan ni Pinsang Lorenzo sa tulong ng
Tylenol at ni Jess na tumulong sa kanya sa pagbuhat ng kanyang mga bagahe.
NASA Pilipinas na siya at ang ikalawang bahagi ng kanyang pagdurusa ay nagsimula na.
Pero ngayon ay galit na siya at iba na ang kanyang nasa isip. Nagka-aral na siya. Ngayon niya napagkuro ang isa sa ating napakamaling kaugalian –
ang pakikidala. Wala siyang pakialam kung ginawin ang kapatid ng kanyang Mareng Carlota sa Angeles City, kung mahuli ang pambili ng gamot ng kapatid ng kanyang kaibigan daw na si Gerry, kung hindi magamit ang Christmas lights ng kapatid ng kanyang Pareng Bert.
Gumawa siya ng listahan ng mga dadalhin sa
Metro Manila. Gumawa siya ng listahan ng mga dadalhin papuntang timog. Kasama ang kanyang pamangkin ay nag
rent siya ng
minivan upang dalhin ang mga padala.
At kung makikidala pa ang kanyang mga pinagdalhan ng mga padala ay deretsahan ngunit magalang niyang sasabihin, “Alam ho ninyo, mali ang ating kaugaliang ito. Na kailangang baguhin na natin ito. Napakahirap ho ng magbiyahe at hindi ko tuloy nadala ang aking pansariling mga gamit. Maigsi lang ang bakasyon ko at malaking bahagi nito ay naubos pa sa pagdadala ng mga padala.”
At sa kanyang pagbabalik sa Toronto, kung magagalit ang kanyang mga kumpare at kumare at mga kaibigan at mga kababayan dahil sa hindi niya dinala ang mga padala ng mga kamag-anak at kaibigan ng mga ito ay deretsahang niyang sasabihin,
“I don’t give a damn.”
Hindi na rin siya natatakot na sabihin sa kanya na hindi siya “MARUNONG MAKISAMA” at kung kinakailangan ay payag na rin siyang magsaulian ng kandila ng kanyang mga kumpare at mga kumare.
Munting Nayon News Magazine
To receive Munting Nayon updates in your Facebook account, click the Like button in this box.
Comments
Or, use Leave a Comment button to post your message.
Napakaganda ang iyong isinalaysay na kwento...Sana nga maraming makabasa nitong kwento mo..lalona yong mahilig na magpadala..kung may pauwing kakilala sa Plipinas.Pwede noong una dahil nga 70 lbs pa ..pero ngayon ay 50 lbs.. nalang at 15 lbs ang hand carry...Hindi masamang pahindian sila dahil ngayon ay may Balikbayan box na tayong pwedeng ipadala...kung nais nating padalhan ang ating mga mahal sa buhay sa Pilipinas.