Dinaluhan nang mga piling panauhin, community leaders at mga kababayang Pinoy sa pangunguna nina Diplomat Sheila Solas-Hernandez mula sa Pasuguan ng Pilipinas sa Kaharian ng Saudi Arabia at Mr. Albert Vallenciano, bagong Labor Attache ng Philippine Overseas Labor & Employment (POLO) sa Riyadh ang nakaraang pagsuporta ng Pinoy Sining (The Filipinos for Arts & Culture) sa paglulunsad ni J. Nava Cruz, isang OFW sa Riyadh, ng kaniyang unang aklat na may pamagat na: “OFWs Behind the Curtains” (Mga OFWs sa Likod ng Kurtina). Ang naturang book-launch ay ginanap kamakailan sa Fawaq International Science School sa Riyadh.
Napag-alaman na ang 210 pahinang “bilingual” book ay kinapapalooban ng ibat-ibang kuwento tungkol sa mga OFWs sa Gitnang Silangan hango sa kaniyang naisulat na mga reports, commentaries, advocacy-write-ups, songs, essays and poems. Ang nasabing aklat, ayon sa may akda, ay isang
‘advertising vehicle” para sa kaniyang ilulunsad na pangalawang “bilingual” book sa Pilipinas, ang “
The Desert Roses” sa Marso 2011 na binubuo ng ibat-ibang
short stories at
commentaries hango sa buhay-pag-ibig at mga karanasan ng mga Pinoy na nakasama at nakadaupang palad sa Gitnang Silangan. Dalawa sa nasabing mga kuwento ay binabalak gawing “
independent films” ng may akda at mga kaibigang artists sa Pilipinas.
Si Jamie Nava Cruz ay isang freelance writer/documentarist, orator, artist, community leader at aspiring filmmaker/composer.
Tumayong mga punong-abala ng programa ang mga opisyales ng Pinoy Sining na kinabibilangan nina: Hera Gonzaga-Gonzales, Rodel J. Menda, President Manuel Lauzon, Merlie Lauzon at Dra. Alicia Magallanes. – (Pinoy Sining Press Release)
(Mula sa kaliwa: Sina Diplomat Sheila Solas-Hernandez at Mr. & Mrs. Albert Valenciano ng POLO habang masusing nakikinig sa paglulunsad ng aklat – File Photo)
(Diplomat Sheila Solas-Hernandez sa kaniyang personal na mensahe at
hatid na pagbati mula sa Embahada ng Pilipinas sa Kaharian ng Saudi Arabia.)
(Pamunuan ng Philippine Association of Mechanical Engineers, PS na nagbigay suporta sa OFW Book)
(Ang samahan ng mga kababayang Pinoy na nagbigay suporta sa OFW Book kasama ang may akda – File Photo)
(Ang bagong POLO Labor Attache sa Riyadh G. Albert Valenciano sa kaniyang mensahe. – File Photo)
(Si Charles Pineda sa isang song intermission number – File Photo)
J. Nava Cruz. Congratulations on your achievements. You have made us all proud. Great job, keep it up. Sana Mabigyan mo ako ng libreng copy sa libro mo... hehehe. Again, Congratulations on this success.