J. Nava Cruz
“Mukha ng Pinoy 2011 Search” Tuloy ang Stage Production!
  Riyadh, Saudi Arabia 
Mon 16th August 2010
 
 
Napag-alaman kay Manny Lauzon, kasalukuyang Pangulo ng Pinoy Sining (The Filipinos for Arts & Culture) sa Riyadh na tuloy ang kanilang stage production ng Mukha ng Pinoy 2011 Search Para sa Kalendaryong Filipino. Ayon kay Lauzon at kaniyang kasamang mga bagong lupon ng ‘executive operating officers’, napagkasunduan ng kanilang lupon na sila ang  magpatuloy at magsagawa ng Mukha ng Pinoy Production na nasa dating pangangasiwa ng PS Advisory Council.   

Base sa nakaraang pagbisita sa Mukha Production na ngayon ay nasa pangangasiwa ni Romwald Miranda bilang overall stage director, napag-alaman na unti-unti na nilang sisimulan ang kanilang weekly workshops and rehearsals para sa paghahanda sa padating na Mukha Final Night na  malamang na ganapin sa Liwasang Bonifacio ng Pasuguan ng Pilipinas sa Kaharian sa ika-7 ng Oktubre.  Kasama din ni Miranda sa kaniyang production crew sina Rodel Menda, Lights & Sound Engineer/Technical Director; Charlotte Villones, Stage Set Designs & Props Director;   Dra. Alicia Magallanes, Program Director, Monty Villavicencio, Official Photographer/Videographer, mga konseptong sayaw-pangtanghalan ng Overseas Filipino Dancers (OFD) sa pangkalahatang pagsubaybay ni Manuel Lauzon bilang Overall Production Executive. 
 
Sa kasalukuyan, may sampung finalists nang pumasok sa Mukha na kinabibilangan nina:  Norman Mallari, Nestor Dimacali, Jr., Gary Naca, Darwin Sanches, Alvin Louie Abucay, Valentine Bayrante, Dejesus Cabatingan, Dennis Javier, Louie Andrew Hiponia at Jerom Canlas Domingo, at may partisipasyon naman si Jane Ampoloqiou bilang isa mga natatanging Mukha ng Filipina.     
 
Ang line-up-of-prizes para sa magsisipagwagi ay ang mga sumusunod:  SR 3,000 para sa Mukha Title Holder,  SR 2,000 First Runner-up at SR 1,000 para sa 2nd Runner-up kasama ang trophy, certificate at mga official sash.  May special awards din na mga plaque at personal gifts para sa Best in Regional Costume (Kasuotang Pang-Rehiyon), Sports Wear (Pampalakasan) at  National Costume (Pambansang Kasuotan/Barong Tagalog) at marami pang consolation prizes sa mga magiging kalahok.
 
Ang Mukha ng Pinoy Search ay isang orihinal na debuhong pang-entabldo sa hugis ng isang  beauty and personality competition na sumasalamin sa ibat-ibang anyo ng mga makabagong Pinoy sa Kaharian kasabay sa pagbibigay pugay sa Wikang Pambansa ng Pilipinas (ang Pilipino) at pagpapasalamat sa ibat-ibang lugar na naging bahagi ng buhay-Pinoy sa Kaharian ng Saudi Arabia. – (J. Nava Cruz, an OFW, is a writer/documentarist.  E-mail at bashamel007@yahoo.com)  
Click to enlarge image.(Mukha ng Pinoy 2011 Finalists at Production Staff – File Photo)
 

Click to enlarge image.
 
(Bb. Jane Ampoloqio – File Photo)
 

Click to enlarge image.(Mukha Participants and Production Staff – File Photo)
 


Click to enlarge image.(Mukha ng Pinoy 2011 Production Participants – File Photo)
 

Click to enlarge image.(Highly spirited Filipinos/OFWs sa pagbibigay kahalagan sa Pinoy Sining at Kultura – File Photo)
 


 
Hint: Click at any image above to display it in its full size. Hover your mouse pointer over the full-size image and then click at any side arrow that appears or rotate your mousewheel to scroll to the next full-size image.
 
Munting Nayon News Magazine


To receive Munting Nayon updates in your Facebook account, click the Like button in this box.

 

Comments






Or, use Leave a Comment button to post your message.

Xerxes Gerson Hudson
Wed 18th August 2010
Jeddah, KSA
 

Thanks for patronizing our Pinoy Culture...