Middle class ang pamilya nina Enrico. Punong guro ang kanyang mommy sa isang mababang paaralan; provincial engineer naman ang kanyang daddy.
Ngunit napapansin nila na kahit na may maganda silang trabaho ay tila lalong humihirap ang buhay, kung hindi man sa kanila ay sa buong bansa, bilang kabuuan.
Nakikita nila ang mga nagaganap: ang napakabilis na pagdami ng tao, ang mga katiwaliang nagaganap sa pamahalaan, ang patuloy na pagbaba ng moralidad at ang pangarap ng napakaraming mga mamamayang makaalis sapagkat sila ay tila nawalan na ng pag-asa.
Alam nila na sa buong daigdig, ang Pilipinas lang yata ang bansang nabubuhay sa
remittances ng mga nagsialis na mga anak na mamamayan. Alam nila na tayo ang lahing milyon na ang nagsialis at milyon pa rin ang nagnanasang makaalis upang sa banyagang lupa sa ibayong dagat ang ating magagandang mga pangarap ay maging isang matagumpay na katuparan.
Inaninaw nila ang kinabukasan, na sa kanilang palagay ay lalong hihirap. Ipinasiya nilang umalis upang ang kanilang tatlong anak, sa kanilang paniniwala ay magkaroon nang magandang kinabukasan sa banyagang lupa.
Sa hukbo ng mga gustong magsialis ay kabilang ang mga magulang ni Enrico sa mga pinalad – kung maganda nga itong kapalaran ay panahon lamang ang makapagsasabi.
Sa Canada ang kanilang tungo. Sila’y aalis na punong-puno ng pag-asa. Alam nilang may magandang trabaho silang iiwanan at hindi nila alam ang trabahong kanilang kasasadlakan. Ngunit sila’y handang makipagsapalaran. May mga nauna na sa kanila at ayon sa mga ito, “Konting tiis lang sa umpisa, konting tiyaga, konting sipag at sa bandang huli ay makikita mo rin ang hinahanap mong magandang kapalaran.”
“Ibabalita ko sa inyo ang buhay doon,” karaniwang sagot ng
daddy ni Enrico sa mga nagtatanong kung bakit sila ay aalis pa gayong
stable naman ang kanilang trabaho sa Pilipinas.
“Mapapalad kayo sapagkat ang naghihintay sa inyo ay buhay ng rangya at kasaganaan,» sabi ng kanilang ibang mga kakilala at mga kaibigan at mga kamag-anak
“Titingnan natin,” mapagpakumbabang isasagot ng kanyang
mommy at
daddy.
Sa kanilang pag-alis ay kasama ng mga magulang ni Enrico ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na sina Charito, na labindalawang taong gulang; at si Wilbert na sampu.
Hindi kaagad nakasama si Enrico. Sinabi niyang gusto muna niyang matapos ang kanyang pag-aaral sa
high school.
“Nakabitin,
mommy,” sabi niya sa kanyang
mommy nang tinangka nito na isama kaagad siya. “Tutal ay isang taon at kalahati na lang naman at tapos na ako.”
Isa ito sa mga dahilan, ngunit ang totoo’y hindi niya maiwanan ang kanyang kasintahan – si Julita.
Ang pagmamahalan nina Enrico at Julita ay nagsimula noong sila ay nasa unang taon sa mataas na paaralan pa lamang. Napakabata pa nila noon, ngunit iyo’y matatawag na
first love.
Iyo’y isang pagmamahalang sa kanilang paniniwala na sila ay para sa isa’t isa, na walang magiging hadlang sa kanilang pag-iibigan, na gagawin nila ang lahat ng kanilang magagawa upang sila ay magkatuluyan.
NGAYO’Y tapos na si Enrico nang mataas na paaralan. Wala na siyang pagpipilian kundi ang sumunod sa Canada. Labimpitong taon na siya. Pag dating niya ng labingwalo ay hindi na siya p’wedeng kunin ng kanyang mga magulang.
“Dito ka na lang magkolehiyo dahil kahit tapos ka naman diyan ay bale wala naman dito,” sabi ng kanyang
mommy isang araw na sila ay nagkausap sa telepono.
SA KANYANG pag-alis ay nag-iwan siya ng tapat na pangako kay Julita, na kapag tapos na siya ng pag-aaral sa pamantasan doon sa Canada at mayroon na siyang pirmihan at magandang trabaho ay kukunin niya siya bilang
fiancee. Samantala, ay kinakailangan din niyang mag-aral,
nursing kung maari, na siya naman niyang hilig, sapagkat kailangang kailangan sa Canada ang mga
nurses.
NGAYO’Y tapos na si Enrico ng
Engineering. May maganda, pirmihang trabaho na rin siya. Tapos na rin si Julita.
Nag-iisip si Enrico nang pinakamabilis na paraan para makuha si Julita. Sinangguni niya ito sa kanyang matalik na kaibigan, kay Alex.
“Mag ahente ka,” sabi sa kanya ni Alex.
“May alam ka?”
“Oo.”
“Sino?”
“Magtingin-tingin ka lamang sa d’yaryo natin dito ay makikita mo ang pangalan. Hindi mo p’wedeng hindi makita dahil napakalaki ng pangalan at napakaganda ng
advertisement.”
IYO’Y isang kahanga-hangang
advertisement. Kabigha-bighani ang mga pangungusap na ginagamit. Ang kasamang larawan ay nagsasaad ng isang matagumpay na negosyo. Sa paglimi at pag-unawa, ang isang naghahanap ng tulong ay walang alinlangang natagpuan na ang hinahanap na tulong. Ang isang nawalan na ng pag-asa ay walang alinlangang nakasilip ng pag-asa.
Iyo’y isang sangay sa maraming sangay ng
“Sah Kim Immigration International,” na ari ng pamilya ni Mr. Manny Niklo. Nagkalat ang mga sangay nito sa Pilipinas, sa North America, sa Europa at sa Middle East.
Tinutulungan o pinagsasamantalahan nila ang isang bansa at isang lahing ang pangarap ng mga mamamayan ay makaalis upang matakasan ang buhay na tila lalong humihirap at pamahalaang lalong gumugulo.
Balitang marami nang nilukong mga Pilipino ang
“Sah Kim Immigration International.”
Ayon sa bali-balita ay isang pangkat ng mga Pilipino ang nagbenta ng kanilang mga ari-arian, nagsanla ng kanilang mga kalabaw at mga bukid at mga lupa at mga bahay upang mapadala sa
Middle East bilang
construction workers - na umano ay pakulo ng
“Sah Kim Immigration International.”
Ayon din sa bali-balita ay sumakay sila sa Ninoy Aquino International Airport at pagkatapos ng apat na oras na paglipad, sila ay bumaba.
Sa kanilang pagbaba, sila daw ay nagtaka.
“Dito pala sa Saudi ay mayroon ding kalabaw,” sabi daw ng isa.
“At hindi lang iyon, bakit ang mga nasa Custom at Immigration ay parang mga Pilipino,” sabad naman daw ng isa.
Nang kanilang usisain ay nalaman nilang sila ay nasa Mindanao pala.
Nang sila’y makabalik na sa Manila, sa tulong ng kanilang baong pera ay kaagad nilang pinuntahan ang tanggapan ng
“Sah Kim Immigration International” upang bawiin ang kanilang nagastos. Ngunit huli na ang lahat. Wala na doon ang
“Sah Kim Immigration International.”
Ayon din sa bali-balita ay isang pang pangkat ng mga Pilipino ang nagbayad nang malaking halaga upang mapadala sa Taiwan bilang
factory workers, na umano ay pakulo rin ng
“Sah Kim Immigration International.”
Pagkatapos din daw ng mga tatlong oras na paikot-ikot sa China Sea ay bumaba sila sa isang malaking paliparan.
Muli, ang mga pasahero daw ay nagtaka kung bakit dito pala sa Taiwan ay mayroon ding Victory Liner.
Ayon din daw sa mga bali-balita, ito’y ilan lamang sa mga pakulo ng
“Sah Kim Immigration International.”
IYO’Y isang katamtamang laking tanggapan, na ari ni Mr. Manny Niklo, sa
pent house ng isang may limang palapag na
business condominium. Kung ang batayan ng isang matagumpay na negosyo ay ganda ng mga gamit, ang tanggapang ito ay isang ganap na halimbawa.
Ngunit ang pagkakaayos ng tanggapang iyo’y payo ng isang binayarang
“marketing consultant.” Sinabi ng
“marketing consultant.” kay Mr. Manny Niklo, na kung gusto niyang paniwalaan siya ng mga tao na siya ay matagumpay ay umasta at ipakita niyang siya’y matagumpay.
NGAYO’Y nasa harapan na si Enrico ni Mr. Manny Niklo.
Pangit na lalake si Mr. Manny Niklo. Matatalim ang kanyang luwang mga mata na tila mga mata ng tuko. Pailalim, pataksil siya kung tumingin. Maitim, mandi’y gustong itago ang mga hibla ng katandaan, ang kanyang nalalabi pang tininaang mga buhok na kanyang sinuklay nang pasalungat upang ikubli ang kalbong bahagi ng kanyang tuktok. Magaspang, tila kinain ng mga anay ang kanyang butuhang mga pisngi. Madilaw ang kanyang mga ngipin sa kapit ng
nicotine ng sigarilyo at sa kanyang pagngiti ay lumalabas ang maitim na gilagid.
Sinabi ni Enrico ang kanyang sadya.
“No problem,” sabi sa kanya ni Mr. Manny Niklo. “Kailangan ko ng
down payment bilang
processing fee.”
“Hindi pa tayo nagsisimula ay sinisingil n’yo na ‘ko.”
“Just like anything else, I need money to get started.”
“How much are we talking about here?”
“One thousand five hundred dollars.”
“That’s a lot of money.”
“That’s what a good service costs.”
“Do you guarantee success?”
“Not one hundred percent.”
“How much?”
“Eighty percent.”
“Do you have that in writing?”
“Of course.”
“I’ll think about it,” tila may alinlangang sabi ni Enrico.
Alam ni Mr. Manny Niklo kung papaano niya huhulihin ang isang gustong kumawala.
“You know what, I am going home in three weeks time. If you pay me within this week, I will personally handle her sponsorship.”
Laban man sa kalooban ni Enirco ay pumayag na rin siya sa mga hinihingi ni Mr. Manny Niklo. Pumirma siya sa kontrata. Nagbayad siya sa hinihinging halaga. Ang mahalaga ay makuha niya si Julita sa pinakamabilis na paraan.
Ngunit may pagkakamali si Enrico. Hindi niya sinuring maigi ang kasaysayan ng ni Mr. Manny Niklo: ang masamang reputasyon nito; ang habla ng kanyang mga nilokong parukyano at ang natural na yabang nito sa pagkilos at pananalita.
TINANGGAP ni Julita ang sulat na nagsasaad na kailangan niyang magpunta sa tanggapan ni Mr. Manny Niklo sa tanggapan nito sa Mandaluyong.
Nagpaganda siya sa paniniwalang kung magpapaganda siya at kikilos na tila edukado, na siya namang totoo, ay mag-iiwan siya nang maganda at mataas na pagkilala sa kanyang kausap. Sa tulong ng kanyang kaibigang
beautician ay nilagyan siya ng manipis na
make-up. Nagpa
manicure at
pedicure siya. Nagpaayos ng buhok. Sinuot niya ang kanyang pinakamaganda at pinakaangkop na damit sa ganoong uri ng okasyon.
Natural na maganda si Julita ngunit sa pagpapaayos ay lalong lumutang ang kanyang angking ganda.
HALOS lumuwa ang mga mata ni Mr. Manny Niklo nang makita niya si Julita. Pinapasok niya si Julita sa isang
air conditioned room.
“Maupo ka, iha,” utos sa kanya ni Mr. Manny Niklo.
Nakasandal si Mr. Manny Niklo sa kanyang
reclining executive chair na may mataas na sandalan. Sapo ng
headrest ang kanyang ulo. Hawak ng kaliwang kamay ang talambuhay ni Julita.
Nakatingin ng deretso si Mr. Manny Niklo kay Julita, naghahanap ng pinakamaliit mang palatandaan. Pagkuwa’y wala siyang nakita.
“Ayon sa
resume mo ay tapos ka ng
nursing.”
“Opo.”
“
Board. Nakapasa ka na?”
“Hindi pa po.”
“Hmm. Mahihirapan tayo.”
“Bakit po?”
“Hindi ka pa pala nakapapasa.”
“Akala ko po ay hindi mahalaga kung pasado ako rito o hindi dahil magbo-
board din naman ako doon.”
“Noon iyon. Iba na ngayon.”
Sandaling katahimikan.
“Pero may paraan iyan. Gagawan ko ng paraan.”
“Ano po ang ibig ninyong sabihin?”
Makapal ang mukha ni Mr. Manny Niklo. Sanay na siya sa paggawa ng kawalinghayaan. Ang paggawa nito ay bale wala na sa kanya. Sa pagsasamantala ay wala na siyang pasikot-sikot pa.
“May madaling paraan para mapunta ka roon nang mas mabilis,” walang pangiming sabi ni Mr. Manny Niklo.
“Pa’no ho?”
“
One night stand. Kinakailangang mag-
one night stand tayo para mabigyan kita ng
priority.”
Nabigla si Julita. Hindi niya inaasahan na ganito pala kagarapal si Mr. Manny Niklo. Alam niyang hindi maganda ang reputasyon nito, ngunit hindi niya alam na ganito pala kakapal ang mukha nito.
“Walang hiya kayo!” pagalit na sagot ni Julita.
“Relax lady! Gusto lang kitang matulungan.
“Walang hiya talaga pala kayo! Akala ko ay bali-balita ko lang iyon!”
Tumawa ng malakas ni Mr. Manny Niklo, “Ha! Ha! Ha! Ikaw din, pag-isipan mong maigi, Ha! Ha! Ha!.”
Tumayo si Julita upang umalis.
“Ha! Ha! Ha!,” nangungutyang tawa ni Mr. Manny Niklo. “Ikaw din, hindi mo ako matitikman, Ha! Ha! Ha!”
Nagdilim ang paningin ni Julita. Namula siya sa galit. Sa isang kisap mata’y sinugod niya si Mr. Manny Niklo. Hinambalos niya ito ng kanyang handbag. Sinalag ng kaliwang braso ni Mr. Manny Niklo and hambalos ni Julita. Hinablot nito ang handbag.
“Iyan ang gusto ko!.. lumalaban! Ha! Ha! Ha!.”
“Walang hiya kayo!”
“Ha! Ha! Ha!. Akin ka ngayon!”
“Walang hiya kayo!”
Patuloy na nanlaban si Julita, ngunit wala siyang magawa sa lakas ni Mr. Manny Niklo. Sa isang hawi nito sa kanya ay pahiga siyang tumilapon sa
sofa. Nakalilis ang kanyang palda. Nakalitaw ang kanyang makinis, bilugang mga hita. Nakabuladlad ang natatabingang sagisag ng kanyang pagkababae.
Namumula si Mr. Manny Niklo sa pag-akyat ng dugo sa pagkakita sa isang nakapag-iinit ng katawang tanawin. Kinubabaw niya si Julita. Tinangkang halikan sa pisngi, sa labi, sa noo, sa mukha o kahit saan mang panig ng kanyang katawan. Nanlalaban si Julita. Sumusuntok ang mga kamao, nangangalmot ang mga kuko, sumisipa ang mga paa. Nangangagat ang mga ngipin.
Walang ano-ano’y nadama ni Julita ang kanyang
handbag. May pumasok sa kanyang isip. Naroon nga pala ang isang
Swiss Knife na ang talim ay mga tatlong pulgada ang haba.
Nagdiwang ang kanyang isip. Pinabayaan niyang siya ay pupugin ng halik ni Mr. Manny Niklo. Inaararo siya ng halik nito: sa pisngi, sa kanyang mga labi, sa kanyang leeg sa kanyang dibdib. Humihingal ang animal sa kahayukan.
Samantala, ang kanang kamay ni Julita ay abala sa pagbukas ng
handbag. Kinakapa niya ang mga laman nito, hinahanap ang lansetang gagamitin sa pagtatanggol sa kanyang puri. Pagkuwa’y nakapa niya ito. Inilabas niya iyon. Pinindot ang isang buton. Umigkas ang matalas, nikiladong talim.
Nakapatong na sa kanya si Mr. Manny Niklo, kahit na ito ay nakadamit pa. Gumagapang na ang mga kamay nito patungo sa sagisag ng kanyang pagkababae.
Pagkuwa’y tumaas ang kanang kamay ni Julita. Kumislap ang matalas, nikiladong talim. Mabilis na naglakbay iyon sa hangin at nagwakas sa likod ni Mr. Manny Niklo. Buong panggigigil na inulit niya iyon ng isa at isa at isa pa.
Kumalas sa pagkakayakap ang nawalan ng lakas ang mga kamay ni Mr. Manny Niklo. Pahigok din itong nawalan ng malay. Itinulak ni Julita ang katawan ni Mr. Manny Niklo. Malakas ang kalabog sa pagbagsak ang katawan ni Mr. Manny Niklo. Pagkuwa’y nagkulay pula ang lugar na pinagbagsakan ng katawan ni Mr. Manny Niklo.
Agaw buhay si Mr. Manny Niklo sa dami ng nawalang dugo. Sa pag-aagaw buhay ay tiwarik ang kanyang mga mata, nakadipa ang kanyang mga kamay at tuwid ang kanyang mga paa.
Tumayo si Julita. Inayos ang kanyang sarili. Inilagay niya ang lanseta sa tabi ng katawan ni Mr. Manny Niklo.
Kinuha niya sa kanyang handbag ang kanyang
cell phone. Pinindot niya ang mga
emergency numbers.
Mabilis at sabay na dumating ang kotse ng pulis at
van ng ambulansya.
Bumaba sa kotse ng pulis ang dalawang alagad ng batas. Dala ng isa ang isang bag na naglalaman ng mga gamit na gagamitin sa imbestigasyon. Dala naman ng isa ang isang rolyo ng
yellow tape. Iniladlad niya iyon at pagkuway kumapit ang
tape sa mga poste at mga halaman at mga puno sa harap ng gusaling iyon. Dumarating na ang mga tao upang mag-usyoso ngunit tulad ng isang bagay na pinangingilagan ay pinigil sila sa paglapit ng nakabakod na
yellow tape.
Bumaba rin sa
van ng ambulansya ang dalawang
ambulance attendants. Kipkip ng isa ang
emergency kit. Buhat naman ng isa ang isang
stretcher.
Pagkuwa’y binigyan nang pangunang lunas si Mr. Manny Niklo. Binuhat ang walang malay na katawan. Inilagay sa
stretcher. Binuhat ang
stretcher. Pagkuway nawala sa paningin ni Julita ang katawan ni Mr. Manny Niklo.
Umiiyak na ipinagtapat ni Julita sa isang pulis ang nangyari. Itinala ng pulis iyon sa kanyang
journal. Ang isa pang pulis ay abala sa pagkuha ng mga ebidens’ya. Inilagay niya sa plastic bag ang
Swiss Knife na ginamit upang maging ebidens’ya kung ano man ang kahihinatnan ng krimeng naganap.
NAGPAPAHINGA noon si Enrico, nanonood ng “Wowowee.” Walang ano-ano’y nag
ring ang telepono. Kakaiba ang
ring ng telepono –
ring ng isang tawag na
long distance.
Inabot niya ang
cordless, digital na telepono. Inaninaw ang teleponong nakatala sa
display screen. Sandali siyang nag-isip,
telephone No. iyon ni Julita. Saglit din siyang kinabahan sapakat hindi naman tumatawag sa pangkaraniwang araw si Julita. Kung tumawag ito o kung tawagan niya ito ay linggo ng umaga.
Mahinahon, mahina ang boses na sinagot niya ang telepono,
“Hello.”
Mga hikbi at pag-iyak ang narinig ni Enrico.
“Hello,” paulit na sabi ni Enrico.
Lalong lumakas ang hikbi at iyak sa telepono.
Ngayo’y nababahala na si Enrico.
“Hello…Honey!… Stop crying!… What’s happening?…Calm down!” pautos na sabi ni Enrico.
Pagkuwa’y payapa na sa kabilang panig ng telepono.
“Honey…I have something to tell you.”
“Come on!…Say it.”
“Honey… I think I killed somebody,” mabagal, halatang ninenerbiyos ang salita sa kabilang panig ng telepono.
“What are you talking about?”
Pahikbi-hikbi, paiyak-iyak na ipinagtapat ni Julita kay Enrico ang nangyari.
Nabitiwan ni Enrico ang telepono. Umakyat ang dugo sa kanyang ulo. Nahilo siya bago nabuwal. Palatag siyang napahiga sa
sofa bed.
Nang siya’y magkamalay ay nasa
hospital siya. Nakahiga sa isang kama sa isang semi private ward. Naka hospital gown siya. May
dextrose na nakakabit sa kanyang braso. Kinukuha ng
nurse ang kanyang
blood pressure.
“Nawalan daw kayo ng malay at kinuha kayo ng ambulans’ya,” sabi ng
nurse sa kanya. Tumaas daw ang
blood pressure ninyo?”
“Ngayon?”
“Mataas pa rin pero
stable na.”
Dalawang araw ang inilagi ni Enrico sa hospital. Sa dalawang araw na iyon ay minonitor ang kanyang
blood pressure.
Pagkuwa’y normal na iyon.
“Mukhang may problema ka, iho,” sabi ng Pilipinong doktor na tumitingin sa kanya.
“Mayroon nga ho, pero nakakahiyang sabihin sa inyo.”
“Bakit hindi mo sabihin sa akin, baka sakaling matulungan kita. Hindi mo naitatanong, pero
psychologist din ako.”
Alinlangan man ay ipinagtapat ni Enrico ang nangyari kay Julita.
“Marami na talagang walanghiya sa atin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa mga kababayan natin. Marami ang sa halip na tumulong ay pinagsasamantalahan pa ang mga nangangailangan gayong binabayaran mo naman sila ay kumikita sila sa iyo.
Anyway, p’wede ka nang umuwi, iho. Ano ngayon ang balak mo?”
“Balak ko hong umuwi at magdemanda.”
“Tama iyong gagawin mo. Huwag mong palalampasin ang ganitong pagkakataon. Tingnan natin kung may katarungan pa nga sa atin.”
HUMINGI si Enrico ng
leave of absence sa trabahong pinapasukan, na madali namang ibinigay sa kanya nang ipagtapat niya ang katotohanan. Nauunawaan ng kanilang
manager ang kanyang katayuan. Sinabi nito sa kanya na huwag siyang mag-alaala sa kanyang trabaho, na sa kanyang pagbabalik ay naroon pa rin iyon.
“Go for it,” sabi sa kanya ng kanyang
manager.
“Thank you very much, sir,” sagot ni Enrico.
“
Wait a minute. I noticed that you have been calling me “Sir” for a while now. I don’t like that. From now on, you have to call me Pete.”
“OK, Pete.”
“You may not know it, but my wife is a Filipina.”
“I have heard about it, Pete; but I am not sure until you mentioned it. How is she?”
“I considered myself very lucky. ‘Couldn’t ask for anything better. She is an excellent mother to our children, a caring wife and a wonderful person. You know what, you people have me confused.”
“Why is that?”
“
There seems to be two personalities among you people.”
“What do you mean?”
“I noticed that most Filipinos living abroad are very good citizens. They are very law abiding, very hardworking and very caring people. And yet, when they go home they are different. Nobody seems to follow the rules. I have been there a few times… and Oh boy…what a mess driving in the street of Manila. Nobody seems to follow the traffic rules.”
“I don’t know, Pete. It’s probably we don’t have the right leaders and we never seem to recover from our past.”
MALAKAS sa mga may kapangyarihan ang pamilya ni Mr. Manny Niklo. Pinangakuan nila ang
chief investigator na humahawak ng kaso na gagawan nila ng paraaan para ang dalawang mga anak nito ay makarating sa
abroad. Kumislap ang mga mata, lumabas ang mga ngiti nang marinig ng imbestigador ang salitang abroad.
“Ipaubaya ninyo sa akin ito,” sabi ng imbestigador.”
Binaligtad niya ang mga nangyari. Isinakdal si Julita ng
attempted murder at
armed robbery.
ISINANGGUNI ni Enrico ang kanyang katayuan kay Celso, na isang niyang kamag-aral sa
high school. Nagtapos sa PMA si Celso at sa ngayon ay isa na siyang kapitan sa PNP. Ang kanyang trabaho sa PNP ay bilang puno ng FRAUD SQUAD. May mataas na prinsipyo si Celso
“Ano sa palagay mo?” tanong ni Enrico kay Celso.
“
Fifty-fifty.”
“Pa’no kung matalo tayo?”
“Hindi ko alam. Pag natalo tayo ay talagang wala ng pag-asa ang bansa natin.”
“Ano’ng balita mo tungkol doon sa hukom na hahawak ng kaso?”
“Hindi maganda ang reputasyon ng hukom na iyon.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Alam mo naman ang nangyayari dito sa atin. Marami ng mga hukom ang nagbebenta ng kaso. Marami na ang nalalagyan. Hindi na rin masyadong malaya ang
Judiciary. Kung minsan ay hawak na ri sila ng mga pulitiko.”
“Wala tayong laban kung ganoon.”
“Nasasa abogado natin iyon laban sa abogado nila.”
IYO’Y isang gabing masama ang panahon. Ulila at madilim ang langit sa pagkakatago ng buwan, at mga bituin, at mga kometa sa kumpol ng mga ulap at sa pagkakaipon ng ulan na nagbabalang bumagsak.
Galing sina Manny Niklo sa isang mamahaling club, kasama niya ang kanyang dalawang abogado, ang
corrupt na imbestigador at ang
corrupt na hukom na hahawak ng kaso. Nakainom silang lahat.
Naglalakbay silang pauwi sakay nang bago, mamahaling SUV ni Mr. Manny Niklo. Ang nagmamaneho ay ang imbestigador sapagkat kung mahuli man sila ay “PULIS YATA ITO.”
Mabilis ang kanilang takbo sa South Diversion Road. Pagkuway ibinagsak ng langit ang kanina pa nagbabalang bumagsak na naipong ulan. Nagdilim ang paligid at sa tila dulo ng kalangitan ay gumuhit ang isang matalim na kidlat. Pagkuwa’y dumagundong ang isang nakabibinging kulog.
Halos hindi makita ng nagmamanehong imbestigador ang kanyang dinadaanan ngunit mabilis pa rin ang kanilang paglalakbay.
Sa
shoulder ng
highway ay may nakaparadang nasiraang
flat bed tractor trailer na sa pagkakaparada ay kinuha ang munting bahagi ng
highway.
Hindi iyon nakita ng lasing na imbestigador.
Pagkuway narinig ang sigaw ng mga pasahero kasabay ng pagsalpok sa nakaparadang nasiraang
flat bed tractor trailer.
KINABUKASAN AY PANGUNAHING BALITA SA MGA PAHAYAGAN NA APAT ANG NASAWI SA ISANG MALAGIM NA SAKUNA.
Sa pinakamaagang pagkakataon ay nagpunta si Enrico sa simbahan kahit na siya ay hindi masyadong relihiyoso. Nagdasal siya ng taimtim. Nagpasalamat sa Diyos sa katarungang nakamit kahit na iyon ay nakamit dahil
NAGALIT NA PATI LANGIT.
*****