Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang
Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang
SI TATANG
Scarborough, Ontario
Tue 15th March 2011
 
 
MAHILIG daw sa palakasan si Tatang kahit na hindi siya tipong manlalaro – na namana ko yata.

Kung tag-araw, sa aming baryo ay may paliga ng softball. At sapagka’t siya ay hindi nga tipong manlalaro na mahilig sa palakasan ay walang pag-asa na siya ay mapasama sa team.

Ngunit iba si Tatang. Mapapasama siya sa team na iyon kahit na sa ibang paraan.

Kailangan ng team ang manager. May nagmungkahi, “Bakit hindi nating kunin si Tata Angel bilang manager.”

“Oo nga. Magiging mahusay na manager si Tata Angel.”

“Hindi lang iyon. May trak pa si Tata Angel na p’wede nating gamitin.”

“Gago. Hindi tatanggapin ni Tata Angel ang trabahong ito dahil sa trak lang niya. Tatanggapin niya ang trabahong ito dahil alam niyang kaya niyang gawin.”

Tinanggap umano ni Tatang ang tungkuling iyon dahil sa ganoong paraan ay nakatutulong siya sa team kahit na papaano. Ganyan si Tatang, gagawin niyang lahat ang magagawa upang makatulong.

MATAPANG si Tatang kahit na hindi siya mahusay sa babag.Tinimbang nang hindi niya kahusayan sa babag ang pag-aari niya ng lisens’yadong baril na kalibre 45.

Sa aming bayan ay may isang kinikilalang siga – si Sebyong Siga. Naging siga siya dahil sa siya ay nakamatay na. Ang uri ng pagkakapatay niya, na diumano ay pinagtataga niya nang kung ilang beses ay nag-iwan nang palagiang takot sa puso ng mga tao. Nadagdag pa dito na siya raw ay may baril na kulorum na maari at kaya niyang gamitin.

Diumano, isang araw ay mabagal na naglalakad si Sebyong Siga sa gilid ng bangketa sa isang kalsada patungo sa kabayanan. Tikatik ang ulan noon at sa haba ng panahon ng pag-ulan ay umapaw ang maduming tubig sa mga imbornal at ang iba ay napunta sa mababang bahagi nang putikang kalsada

Sa mabilis na pagdaan nang isang jeepney na pampasahero ay tumilamsik ang tubig at si Sebyong Siga ay natilamsikan. May nakakita sa kanyang pagkabasa. Sa isang siga na may angking yabang, ito ay isang insulto at kawalang galang kahit na ito ay hindi naman sinasadya.

Diumano, si Sebyong Siga ay nagalit. Kaagad niyang sinundan sa paradahan ang nasabing sasakyan. Nilapitan daw ni Sebyong Siga ang driver ng sasakyan. Walang tanong-tanong ay sinampal niya ito. Tinangkang lumaban ng driver ngunit mas malaki at mas malakas si Sebyong Siga. Walang nagawa ang driver.

Nakita umano ni Tatang ang nangyayari. Nagmamadali niyang nilapitan ang dalawa upang pigilin si Sebyong Siga. Lalo daw nagalit si Sebyong Siga sapagka’t siya ang tipong “Habang pinipigil, lalong nanggigigil.”

Dumadami ang taong nanunuod at napapahiya si Sebyong Siga. Lumalakas ang pag-awat ni Tatang upang puwersahang pigilin si Sebyong Siga. Tinangka umanong bumunot ng baril si Sebyong Siga ngunit mas mabilis si Tatang.

“Huwag mo nang ituloy kung hindi ay sabog ang ulo mo,” sabi umano ni Tatang sabay kuha ng baril ni Sebyong Siga.

Nagmumura umano sa pagkapahiyang umalis si Sebyong Siga.

Lumuluhang nagpasalamat ang driver na iyon kay Tatang.

Ang pangyayaring iyon ang naging dahilan kung bakit kaming mga magkakapatid ay nakakasakay nang libre sa jeepney na iyon kapag ipinapasada nang tinulungang driver.

MAHIGPIT si Tatang sa pamangkin at mga anak. Pantay-pantay ang tingin niya sa mga ito. Kung magkano ang bigay niya sa mga anak ay ganoon din ang bigay niya sa mga pamangkin. Kung ibinili niya ng T-shirt ang kanyang mga anak ay ibibili din niya ng T-shirt ang kanyang mga pamangkin. Ang pantay-pantay na pagtingin ni Tatang ay nagsilbing mabuting halimbawa at nag-iwan nang magagandang alaala sa kanyang mga anak at mga pamangkin. Naging idolo siya ng mga ito at ang iba ay nagtangkang gumaya sa kanya.

Sa kabila ng katotohanang na sa isang panahon na siya ay isang sugarol, mahigpit na ipinagbabawal ni Tatang sa kanyang mga anak at mga pamangkin ang pagsusugal. Umano, kapag nahuli niyang nagsusugal ang mga ito ay dadapa sila nang tuwid na tuwid at palo ang aabutin.

Malapit na ang masayang pista sa aming baryo at dagsa ang mga dayong nagpapasugal. Nagdiwang ang mga sugarol at nalungkot ang mga maybahay sapagka’t ang kanilang kaunting pera ay ipatatalo pa nang sugarol na asawa.

Udyok marahil ng kanilang murang isip at dala nang mapusok na damdamin, susubukan ng mga kabataan ang maraming mga bagay – bawal man o hindi. Kabilang na rito ang aking mga kapatid na lalake at ang aking mga pinsan.

Sa isang pabilog na mesa ay nagsugal sila ng lucky nine. Bangka si Pinsang Berting at pole (ang namamahala ng pera) si Ka Junior.

Tayaan na. Bigayan na ng baraha. Isa…dalawa. Palihim at patagong tiningnan ang unang baraha. Dahan-dahan, unti-unti at buong pananabik na pinintahan ang ikalawang baraha.

Nagtanong ang bangka, “Ikaw?”

Good na.”

Tinanong ang pangalawa, “Ikaw?”

“Isa pa.”

Tinanong ang pangatlo, “Ikaw?”

“Isa pa.”

Tuloy ang ligaya. Nananalo ang bangka. Ang dapat sana ay sandaling pagsusugal ay tumagal ng tumagal. Bakit ka aayaw kung nananalo?. Kabig dito. Bayad doon. Kabig. Bayad. Sukli dito. Sukli doon. Taya kayo, kahit sama lang.

Lumalalim ang gabi at dumarami ang tao at lumalakas ang sugalan.

Sa likod ni Berting ay may nagwika, “Huli na ang bangka.” (nangangahulugang kung magkano man ang natitira pang pera sa bangka pagkatapos ng bayaran ay kasado na).

“Areglado. Lagay,” sabi umano ni Berting.

Parang hindi iba ang boses na iyon. Parang narinig na nila ang boses na iyon. Tumingala sila at naroon si Tatang, nandidilat ang mga mata sa pagkakatingin sa kanila.

“Sandali lang po. Tatapusin lang po namin ang round na ito.”

Mabilis na binayaran ang mga nanalo. Mabilis na kinabig ang pera ng mga natalo. Ang mga natirang pera ay walang ayos-ayos at walang bilangang inilagay nila sa kanilang mga bulsa.

Sa aming bahay ay tuwid na tuwid sila sa pagkakadapa.

“Anong kabilin-bilinan ko sa inyo?” tanong ni tatang.

“Huwag pong maninigarilyo. Huwag pong iinom,” halos sabay-sabay nilang sagot.

“Ano pa?”

“Huwag pong magsusugal.”

“Sa’n ko kayo nahuli?”

“Sa sugalan po.”

“Bakit ninyo nilabag ang utos ko?”

Saglit na katahimikan sa paghahanap ng dahilan o kasinungalingan upang malusutan ang naghihintay na masakit na lagapak ng sinturong katad.

Isa sa mga magandang ugaling ipinamana sa amin ni Tatang at aming hinangaan ay ang kanyang pagiging makabago sa panahong naghahari ang makaluma, namana sa mga Kastilang kaugalian – ang pagsunod nang hindi nangangatwiran. Ayaw ni Tatang na hindi ka nangangatwiran kahit na nilabag mo ang utos niya.

“Gusto kong malaman kung bakit ninyo nilabag ang utos ko.”

Natural kay Berting ang pagiging mahusay na mangatwiran, “May dahilan po Tata Angel kung bakit namin nilabag ang utos ninyo.”

“Sabihin na, bago lumagapak ang sinturong ito sa mga puwit ninyo.”

Kaunting lakas ng loob sa pangangatwiran. Wala namang mawawala. Sa tamang katwiran ang taong parehas ay nagbabago ng pasiya.

Saglit na katahimikan.

“Tata Angel, kaya lang po kami nagsusugal ay dahil ‘yong perang bigay ninyo sa amin ay kulang at gusto naming dumami.”

Papigil na hagikhikan sa pagtawa si Tatang at ang mga nakadapa.

Abswelto silang lahat.

KAPAG mabuti kang kaibigan ng mga anak ni Tatang ay parang anak din ang tingin niya sa iyo.

May matalik na kaibigan si Ka Rading, si Agong, na hindi na makapag-aaral pagkatapos nang ikaanim na baitang. Sinabi iyon ni Ka Rading kay Tatang.

“Bakit?”

“Hindi na raw po siya kayang pag-aralin ng ama niya.”

“Anong hindi kaya. Hamo’t akong bahala.”

Iyo’y mga taon na ang pag-aaral sa mataas na paaralan ay may bayad. Natatandaan ko pa na noong dekada 60’s, ang matrikula sa mataas na paaralan ay P10.00 isang buwan. Sa panahong ang minimum wage ay apat na piso isang araw, ang P10.00 isang buwan ay isang malaking gastos at isang munting yaman.

Sa unang pagkakasilip ng pagkakataon ay kaagad pinuntahan ni Tatang at ni Kaka ang pamilya ni Agong.

“Hindi na raw mag-aaral sa high school si Agong?” tanong umano ni Tatang sa ama ni Agong.”

“Hindi na nga ho.”

“Bakit?”

“Wala na ho kaming pampaaral. Alam naman ho ninyo na nagtitinda lang kami ng kami ng ice cream at ice drop.”

“Pagpatuluyin mo’t akong bahala.”

Binalingan at kinausap ni Tatang si Agong, “Pagbutihin mo. Kung maganda ang marka mo at kaya ko pa, maski sa kolehiyo ay susuportahan kita.”

Halos umiiyak ang ama ni Agong sa pasasalamat. “Diyos na lang ho ang gaganti sa inyo,” sabi umano ng ama ni Agong.

“Hindi ho ako naghihintay ng ganti sapagkat kung ang pagtulong mo ay galing sa iyong puso at hindi pakitang tao lamang, ang ganti ay hindi kinakailangan.”

Lalo daw naiyak ang ama ni Agong.

ANG pera at panlabas na ganda ay malakas ring pang-akit sa mga babae.

Maputi, g’wapo, balbon, kulot ang buhok ni Tatang. Nagtataglay siya ng mga katangiang makatawag pansin sa mga babae. Natural na noong panahon ng kanyang pagbibinata ay magkaroon siya nang maraming kasintahan.

Ngunit iyon ay panahon na ang paggalang sa mga babae ay isa sa ating ipinagmamalaking katangian. Iyon rin ay panahon na ang mga babae ay iginagalang sa kanilang kahinhinan. Ang pagiging magkasintahan ay hindi paraan upang magkaroon nang isang mainit na pagtatalik.

Nagustuhan niya si Ina sapagkat si Ina ay isang pangunahing dalaga sa kanyang panahon. Sa panahong sila ay mag-asawa na ay hindi malayong magkaroon din siya ng mga naging kasintahan. May pera siya, g’wapo. Ano pa naman ang hahanapin ng mga naghahanap na babae.

Marami raw ang humahabol kay Tatang. May balo, may matandang dalaga at mayroon ring may asawa na marahil ay gustong makibahagi sa kanyang yaman.

Lalaki si Tatang at ayon sa bali-balita ay mayroon din siyang mga naging nobya kahit na siya ay may asawa na.

“Lalaki ako,” sabi daw ni Tatang sa isa niyang kumpare. “Ano’ng gagawin ko?”

“Paligayahin mo!” tumatawa at nanunudyong sabi daw ng kanyang kumpare.

“Luko-luko!”

“Basta huwag ka lang maloloko,” seryoso nang sabi ng kanyang kumpare. “Pag naloko ka diyan ay masisira ang buhay mo?”

Ngunit kailanman ay hindi siya nakiapid sa may asawa.

“Iyon ang hindi ko gagawin,” sabi umano ni Tatang.

“Bakit?”

“Ayaw kong masira ang pamilya niya. At saka kahit na magpakita man sila sa akin ng senyas ay hindi ko sila papatulan.”

“Talaga?”

“Oo. Kasalanan iyon. Malaking kasalanan.”

“Kahit na palay ang lumalapit sa manok?”

“Kahit na.”

MATATAPOS na ang panunungkulan ng mga nanalo noong nakaraang halalan. Pinag-uusapan na ang darating na halalan. At sapagka’t maganda ang ipinakita ni Tatang ay siya ang pinag-uusapan ng mga lider na ilaban bilang vice mayor.

“Vice Mayor muna,” sabi ng mga nag-uudyok sa kanya. “Sa susunod ay mayor na.”

Ngunit bago ka maging kandidato opisyal ay kailangang lumahok ka muna sa convention. Ipinasiya ni Tatang na lumahok kahit na ang makakalaban niya ay isang mahusay magsalitang (English pa) abogado.

Araw na ng convention. Maganda at mahigpitan ang laban. Hinahakot ng mga arkiladong sasakyan ang mga taga baryo. Pinakakain ng mga pili at masasarap na pagkain ang mga delegado. Binibigyan ng mga magaganda, mamahaling regalo ang mga asawa, kasintahan o kabit ng mga delegado upang kumbinsihin na bumoto sa nagregalong kandidato. Sinusuhulan at pinapangakuan ang mga delegado na kung sila ang mananalo ay aasikasuhin ang kanilang baryo: aaspaltuhin ang kalsada, pagagandahin ang mga paaralan, huhukayin ang mga patubig.

Botohan na. Masaya ang kapaligiran. Iwinawagayway ang banderang may larawan at pangalan ni Tatang, gayon din ang kanyang kalaban. Umaatungal ang sound system. Tumitili ang mga mikropono. Ang pagtitipon ay tila isang circus sa halip na isang convention – na pangkaraniwang nagaganap sa atin.

Oras na upang sila ay magsalita. Unang nagsalita ang kalaban ni Tatang. At sapagkat siya’y isang abogado, ay mahusay ang kanyang pagsasalita sa wikang English. Palakpakan ang mga tao kahit na hindi naman nila naiintindihan ang sinasabi ng kalaban ni Tatang. Ngunit iyo’y malamig sa tenga at masarap pakinggan, kaya’t ito’y sapat ng mga dahilan upang sila ay pumalakpak. Sa isang lahing may colonial mentality, ang pagsasalita ng English ay sagisag ng husay at talino.

Si Tatang naman ang magsasalita. Alam ni Tatang na hindi siya mahusay magsalita ng English o kung magsasalita man siya ay alam niyang hindi tama ang grammar o balu-baluktot ang mga pangungusap. Alam din niyang marami sa mga naroon ay hindi masyadong nakapag-aral. Kung ipararating niya ang kanyang mensahe ay maipararating niya iyon sa pamamagitan ng wikang Pilipino.

Nagsalita siya sa wikang Pilipino. Inantok ang mga tao. Marami ang hindi nakikinig. Ang iba na hindi interesado ay lumabas upang manigarilyo at magtsismisan.

Bilangan na ng boto. Matindi ang pananabik ng mga tagasunod nang isa at isa. Mahigpit ang labanan, ngunit natalo si Tatang.

Sa pagkatalo ni Tatang ay lumabas ang usap-usapan. Sa mga pagsasama-sama at mga pagtitipon-tipon sa mga tindahan at mga kanto at mga istambayan ay laganap ang tsismisan.

“Akala mo bang matalo si Angel.”

“Pa’nong di matatalo, e pinangakuan mo, pero hindi mo naman binoto.”

“Pa’no ko siya iboboto, e kukumparihin ko ‘yong kalaban niya. Ikaw ba e ‘binoto mo.”

“S’yempre pa naman. Mahusay si Tata Angel kahit hindi nagkolehiyo.”

“Hindi talaga mananalo si Tata Angel. Abogado yata ang kalaban niya. Ang husay pang mag-English.”

Malakas gumastos si Tatang sa maikling panahon niya sa pulitiko. Ang pera at kapangyarihan ay humatak din sa maraming mga iba’t iba pang katungkulan na marahil ay hindi iaalok kay Tatang kung wala siyang pera.

Ngunit kakambal ng mga bagong tungkulin, mga dadaluhang mga bagong pagtitipon at sa paghahangad na makatulong ay ang kanyang malakas na paggastos.

Sa pagkaubos ng kanyang yaman at pagkawala ng kanyang katungkulan ay nawala rin ang lakas na taglay ng kapangyarihan.

Lumabas na kung sino ang tunay o huwad na kaibigan. Ang mga huwad ay naglahong parang bula, na sa talikuran, siya ay pinag-uusapan at tinatawanan. Ang mga tapat ay naroon pa rin – nakikidalamhati sa kanyang pagkatalo, nag-aalok ng tulong, nagbibigay ng payo.

ANG buhay ay pakikipagsapalaran. Ang kinabukasan ay walang katiyakan. Sa isang maliit na hakbang na iyong inaakala ay magdadala sa iyo sa daigdig nang pinangarap na kaligayahan, ang kapalit kung minsan ay libong kalungkutan. Namatay si Tatang sa isang malagim na sakuna.

Maliit pa ako, pitong taon lamang nang yumao si Tatang. Namatay siya sa isang sakuna ng ang kaniyang trak na pambiyahe nang kung ano-ano ay naaksidente sa, ayon sa narinig ko noon ay sa isang lugar na malapit sa sementeryo sa La Loma at di kalayuan sa ospital ng mga Intsik.

Ayon sa balita ay nagbiyahe daw noon si Tatang kasama ang kaniyang mga pahinante. Punong-puno ang kanyang trak nang kargadang tubo na dadalhin sa Maynila (Iyon ang negosyo ni Tatang noong panahong iyon. Mamimili siya ng mga paninda sa mga lalawigan sa mababang halaga. Iluluwas niya ang mga iyon sa Maynila upang ibenta sa mas mataas na halaga. Mayroon na rin siyang mga hinuhulugang suki sa iba’t ibang mga palengke sa Maynila at mga karatig bayan at lunsod).

Ayon rin sa balita, habang mabilis na naglalakbay ang trak ni Tatang sa La Loma ay may biglang tumawid sa kalsada sa harap ng trak. Tinangkang iwasan ni Tatang na masasagasaan ang mag-ina. Mabilis na kinabig sa kanan ang manibela ng sasakyan na naging dahilan sa pagbulusok nito sa kanal. Sa biglang pagbulusok ng sasakyan ay hindi nakayanan nang barandilyang harang ang kabuuang bigat nang kargadang tubo. Sa tone-toneladang lakas ng bigat at tulak ng kargada ay bumigay ang harang at ang dibdib ni Tatang ay naipit sa pagitan ng barandilya at manibela. Napipi ang dibdib ni Tatang, kasama pa rito na humampas ang kanyang noo sa salamin na nag-iwan nang malaki at malalim na sugat sa kanyang noo. Ito, ayon sa balita, ang naging dahilan nang pagkalagot ng kanyang hininga.

Sa murang isip ko ay nakita ko ang buong-buong marka ng manibela sa kanyang dibdib at ang laki at lalim ng sugat sa kanyang noo. Ayaw ko mang isipin, kapag naiisip ko si Tatang, ay bumabalik sa aking mga alaala ang aking nasaksihan, mandi’y isang masamang pangitain, tulad nang ano mang karanasan na nag-iwan nang palagiang alaala.

Lingid sa kaalaman ni Ina ay isinanla ni Tatang ang iba naming lupa upang ang perang pinagsanlaan ay gamitin sa pulitiko at upang tustusan ang gastos na kakambal nito.

Katatapos lamang ng libing ni Tatang. Sariwa pa sa amin ang sugat nang masakit na mga alaala sa pagyao nang isang mahal sa buhay. Ngunit ang mga suwitik na pinagsanlaan ay walang pakialam sa damdamin nang isang nilalang. Sa kanila ay isang bagay lamang ang mahalaga – pera. Sila ay nabubuhay sa kasakiman sa pera at nagwawakas sa kasakiman sa pera.

Dagsa silang dumating sa amin na tila hindi babayaran. May nagbababala na kung hindi magbabayad si Ina, ayon sa nakalagay sa kasunduang petsa, ay dadalhin si Ina sa husgado.

Walang alam si Ina upang mamasukan at kumita. Sa tanang buhay niya ay hindi kailanman siya namasukan. Bata pa kaming lahat na magkakapatid upang maghanap buhay at makatulong.

Walang nagawa si Ina kung hindi ibenta ang mga lupa upang bayaran ang mga utang na ang iba marahil ay hindi naman tunay.

Sa pagbebenta ng mga lupa at iba pang mga naiwanang gamit ni Tatang ay nasaid ang aming kabuhayan. Ito ang simula ng aming sukdulang paghihirap.

Hindi na kami sikat. Pinagtatawanan at pinag-uusapan sa talikuran ng mga dating naiinggit at mga kaaway. Ngunit ang mga tunay at tapat ay naroon pa rin – nakikidalamhati sa aming paghihirap, nag-aalok ng tulong, nagbibigay ng payo.

LIMAMPUNG taon na ang nakalilipas magmula nang yumao si Tatang. Sa kanyang pagpanaw ay naiwan ang mga alaala nang isang magandang halimbawa at ang bunga ng kanyang mga ginawang kabutihan.

“Kung hindi kay Angel ay baka hindi nabuo ang kalsada sa atin.”

“Kung hindi kay Angel ay baka hindi nakapag-aral ang anak ko.”

“Kung hindi kay Angel ay baka hindi natayo ang paaralan sa atin.”

Sa pagyao ni Tatang, ang namatay lamang ay ang kanyang katawang lupa. Ang kanyang mga ginawang  kabutihan ay mananatiling buhay sa alaala.

Comments

 
Munting Nayon News Magazine


To receive Munting Nayon updates in your Facebook account, click the Like button in this box.

 
ANG PANGARAP NI ESIONG
Kabanata 1
Ni Rene Calalang

MASASABING kung ang isang tao ay ipinanganak na may angking katangian, si Esiong ay isang ganap na halimbawa,...
MALILIMUTAN DIN KITA
Ika-huling bahagi
Rene Calalang

MARAMI pa silang pinuntahan: Nang sumunod na tag-araw na sobra ang init at dahil tapos na ang klase ay inaya...
MALILIMUTAN DIN KITA
(Ikalwang Bahagi)
Ni Rene Calalang

NASUNDAN nang iba pang mga concerts at mga sports events ang panonood nilang iyon, na noong una ay...
More1ST EUROPEAN ALL-PINAYS VOLLEYBALL TOURNAMENT

JUNE 16, 2012 (Saturday)

Venue:  Sporthal Waterwijk

Ijsselmeerweg 48 – ALMERE

The Netherlands

Organiser: FLEVOPINOYS...
MoreOur Lady of Penafrancia Novena organised by: Catanduanes Association of Toronto

Our Lady of Penafrancia novena is scheduled
at Toronto's Our Lady of Assumption Parish, May 20, 2012

see flyer for more...
Before going to Aklan during this Philippine vacation, we visited the Bicol region and Palawan.  We were joined by Danny and Cindy’s sons, Chip and Kitt, and granddaughter Kaye in Bicol.  Chip and Cherry’s toddler Carl was also with us.  Carl was a constant source of laughter for us, with his developing vocabulary and thickly-accented singing.

Fr. Danny T. Imperial, Cindy’s old-time friend, was our most gracious host in Naga City.  He held a private mass for Boy and Teng to celebrate their renewal of vows on their 41st wedding anniversary, and a thanksgiving mass for our sister Quiding, who celebrated a milestone birthday in late December.  Father Danny gave us the rare privilege of viewing the 300-year-old wooden statue of Our Lady of Peñafrancia.  He told us his personal account of how the image was stolen then recovered in the early 1980’s.  We even had the opportunity to join the healing sessions of the Daughters of Mary at the Basilica....
 
This still life was painted in 2003 when painting was for me more enthusiasm than expertise. This work was quite acceptable to me then if not perfect in terms of forms and composition. The shells, the main objects of interest and basically orange in color, were set off by a complementary blue atmosphere. The sturdy triangular arrangement bound the various elements into one strong unified whole. The yellow peaches and fruits marked the tips of the triangle that served as an enclosure of where the excitement was concentrated. Very little seemed to be lacking in this creation.

But, looking at it now, I can't resist the urge to inject more vibrant colors and greater atmospheric perspective in what now appears to be a dull and flat composition. Neither can't I help noticing other shortcomings: the lemon peel is too long, the shells lack natural luster, the fruits and leaves are not fresh, and the strong contrast between the warm and cool table draperies grab too much attention. A renovation is certainly needed and is clearly the most logical next step....
 
More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor...
MoreThe Philippine Independence Day Picnic of the Filipino Community in The Netherlands 1988 - 2008
Munting Nayon News Magazine

No other event in the Filipino community of The Netherlands can aptly be tagged as THE event of the year…more...
MoreRecord Breaking Attendance at the Philippine Independence Day Picnic
Spaarnwoude Recreation Park, Haarlem

The JUBILEUM PICNIC , in celebration of 110th Anniversary of Philippine Independence, was another great milestone of the Filipino community...
Press Release  
OFW returnees receive livelihood assistance
By Freshelle Ruelos / Sara Jane delos Santos
Olongapo City Public Affairs Office
May 16, 2012
 
More
Olongapo City –Another batch of OFW returnees each received P10,000 livelihood assistance from the National Reintegration Center for OFW (NRCO).

The Olongapo City Public Employment Service Office (PESO), the Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) Region III office  and the Department of Labor and Employment (DOLE) turned over the cash grants to the five OFW returnees, namely: Ronald...
 
Munting Nayon News Magazine
 
Cairns: A Fishing Paradise Waiting To Be Discovered
By John Anderson
Queensland-Australia
May 16, 2012
 
More
The city named after William Wellington Cairns, the then current Governor of Queensland, the provincial city is situated in Far North Queensland. The tropical climate attracts several tourists to Cairns- also known as the gateway of the Great Barrier Reef. This is an ideal location for the fishing buffs looking for a great place to indulge in some adventure and...
 
Munting Nayon News Magazine
 
An Invitation to the Celebration of 114th proclamation of Philippine Independence
Thu 17th May 2012
 
More
Date: 17 June 2012, Sunday
09.30 – 19.00
Venue: Belfort,
Markt 7, 8000 Brugge
Belgium

For more detailed info, please don’t hesitate to contact

Ms. Minabelle Vanantwerpen-Siason, PIC2012-Coordinator
Blauwvoetstraat 12, 8700 Tielt, Belgium
+32(0)476-371677 +32(0)51-405319
cofaf1@gmail.com
Ms. Divina Mariano: +32 (0)474 898038...
 
Munting Nayon News Magazine
 
CFC ANCOP AUSTRALIA 2012 AMBASSADOR QUEST RAISED A$109,000  
By Linda Esguerra
Rockhampton-Queensland-Australia
May 15, 2012  
 
More
CFC ANCOP (Couples for Christ Answering the Cry of the Poor) Australia was launched in March 2002. Its Ambassador Program was initiated in 2004, by its members and volunteers, to help achieve the mission of providing shelter, livelihood, and...
 
Munting Nayon News Magazine
 
A TOOTH FOR A TOOTH
by Jorge D. Lomboy
Wed 16th May 2012
 
 For those who read the Bible, this rings a bell.  Battles can be fought, wars can be won but without peace all triumphs are in vain.  We should wage war not to win war but to win peace. ...
 
Munting Nayon News Magazine
 
It's More Fun in the NAIA
Ni Bert de Guzman
Tue 15th May 2012
 
      Habang sinusulat ko ito, may naganap na bugbugan sa NAIA 3 kasangkot ang kaibigang  Ramon , isang kolumnista, laban sa mag-asawang Claudine  at Raymart .

      Marahil, may matututunan, este MATUTUTUHAN pala sa rambulan na ito ang...
 
Munting Nayon News Magazine
 
MoreEUROPE MIGRANTS JOIN FORCES TO FIGHT FOR MIGRANT AND REFUGEE RIGHTS  
Migrante Europe (IMA Europe Section)

“Strenthen our ranks and struggle”, with these words echoing, more than 100 migrants and refugees representing mass organizations from...
MoreTOASTMASTERS ANNUAL DIVISION JOINT CONFERENCE HELD IN SAUDI ARABIA  
By Domingo P. Herras

“RIYADH DIVISIONS: TOGETHER AS ONE”
 
RIYADH – A conglomeration of some 28-31 Toastmasters International individual clubs in the Central...
ANG PANGARAP NI ESIONG
Kabanata 1
Ni Rene Calalang

MASASABING kung ang isang tao ay ipinanganak na may angking katangian, si Esiong ay isang ganap na halimbawa,...
More1ST EUROPEAN ALL-PINAYS VOLLEYBALL TOURNAMENT

JUNE 16, 2012 (Saturday)

Venue:  Sporthal Waterwijk

Ijsselmeerweg 48 – ALMERE

The Netherlands

Organiser: FLEVOPINOYS...