Alinsunod sa taunang tradisyon ng Ambassador’s Cup na sinimulang ilunsad noong 2007 sa pakikipagtulungan ng Pasuguan ng Pilipinas sa Kaharian ng Saudi Arabia, muling magpupugay ang nasabing paligsahan tampok ang iba’t ibang koponan ng mga manlalarong Pinoy sa larangan ng badminton sa buong Kaharian (Kingdom-wide Badminton Tournament) na masusing tinataguyod ng Filipino Athletes & Performers Society (FAPS) sa Riyadh bitbit ang kanilang napiling slogan para sa paligsahan, “Paglulunsad ng Kalayaan sa Makabagong Kultura”.

(Ang pamunuan ng FAPS – File Photo)
Ayon sa nakaraang panayam sa namumuno ng FAPS at nasabing paligsahan na kinabibilangan nina Dra. Doeleth G. Cabatuando,
Tournament Directress kasama sina Nemencio Cabatuando,
Tournament Technical Head at Charlotte L. Villones,
Tournament Administrator napag-alaman na ang nasabing
Ambassador’s Cup Kalayaan 2011 ay magkakaroon ng
Grand Opening sa September 9 sa bakuran ng Second Philippine International School (SPIS) sa Riyadh, pagkatapos ng isang
soft opening sa September 8. Base sa inpormasyon na pinalabas ng FAPS, ang paligsahan ay tatakbo sa mga sumusunod na petsa: September 8, 9, 15 at 16 kung saan tampok ang mga manlalaro sa kategorya ng Flight (Nos. mula 1 hanggang 6), Championship Flight at Premier Flight sa pagtataguyod ng Nestle, Tulip Inn Hotel, SPIS at Western Union. Dagdag ni Dra. Doeleth, “
Iba ang padating na paligsahang ito dahil we are getting bigger; lahat ay getting more competitive, and this Kalayaan Tournament is getting more family oriented dahil hindi lamang mga magulang ang mga lumalahok, bagkus kasama na din nila ang kanilang mga anak.”

(FAPS Family sa kanilang ‘Victory Party – File Photo)
Kaalinsunod sa naganap na panayam, opisyal na sinabi nang pamunuan ng FAPS na pagkatapos ng kanilang Kalayaan Cup 2011, kaagad nilang sisimulang buksan ang
Labor Attaché’s Cup (
Inter Philippine International School Open Basketball Tournament) sa katapusan ng Setyembre na tatakbo hanggang sa ika 25 ng Nobyembre.

(Ang grupo ng PBC na lalahok sa Kalayaan 2011 kasama ang pamunuan ng FAPS – Photo by JNC)

(FAPS Family – File Photo)
Kamakailan lamang, nagbigay pasasalamat ang pamilya ng FAPS sa pamamagitan ng isang
‘Victory Party’ para sa lahat ng kanilang miyembro at mga piling-piling indibidwal at samahan na nagbigay suporta sa kanilang ginawang paglulunsad noong nagdaang Pebrero 2011. (J. Nava Cruz, an OFW, is a freelance writer/author/documentarist. E-mail at
bashamel007@yahoo.com.)