Kaugnay sa ginagawang paglulunsad ng pangalawang aklat ng OFW at manunulat na si J. Nava Cruz na may pamagat na ‘The Desert Roses’ (Mga Rosas ng Disyerto), bibigyang pagpapahalaga ng may akda ang ilan sa mga piling larawan na naibahagi sa kanya ni Ms. Hera Margate Gonzaga, isang Pinay nurse, artist at community leader sa Kaharian ng Saudi Arabia.

(The Love of A Desert Rose)
(“Whenever you are in need of me, I am just here… Only for you.
And though I may sound foolish, but I am happy doing this…
Because I Love you… Your Desert Rose/JNC
Ang mga nasabing larawan kasama ang ilang ‘taglines’ ng aklat ay ipakikita sa isang pagtitipon
na gaganapin sa katapusan ng Enero 2012 bitbit ang titulong, “
Ang Mga Larawan sa Pahina ng Mga Rosas”. Ang nasabing pagtitipon ay pamamahalaan ng samahan ng Pinoy Sining (The Filipinos for Arts & Culture) sa Riyadh sa pamumuno ni Rodel Menda at kung saan kasama sa talaan ng mga imbitadong panauhin ang mga opisyales ng
Embassy of the Philippines at
Embassy of India sa Saudi Arabia at piling Pinoy artists sa Kaharian. Magiging tampok din sa nasabing pagtitipon ang isang “Medical Mission”, “CPR Training” at ilan pang pagbibigay kaalaman sa mga dadalong Overseas Filipinos at kaibigang ibang lahi.
Ilan sa mga larawang ipapakita sa nasabing pagtitipon at ginamit ng may akda sa “The Desert Roses” mula kay Gonzaga ay kasama sa mga sipi ng aklat na nairehistro sa National Library of the Philippines at National Commission for Culture and the Arts of the Philippines, at kung saan ang mga piling kuwento ay gagawing independent films sa Pilipinas sa 2012.
(Si Hera Margate Gonzaga ay granddaughter nang yumaong Brigadier General Lauro Terceno Margate mula sa Bicol Region.) - J. Nava Cruz, an OFW, is a freelance writer/author/documentarist. Email at
bashamel007@yahoo.com

‘Passport Change’
(‘We’re like birds flying in the sky. Full of dreams in life. And no matter how far we go,
we still hope to live and lie in that place we love most
: the Philippines!”) / JNC

(Servant Class)
“Minsan ang pagmamahal ay isang ‘total submission.’
(“Tanga ako. Tanga. Pero tandaan mo, Tanga lang ako hanggang mahal kita.”)

(Ruben)
“Sana may mabibiling disposable heart na pamalit dito kapag iniwan mo ako.” / JNC

(‘Missed Samonte’)
“Life is not about choices. It’s about decision.
At isang desisyon kung mabubuhay nga bang nag-iisa.” /JNC

(Yapak sa Ulap)
“Sa bumbon ng mga alapaap, hindi tumatagos ang mainit na sikat ng araw,
At kailanman, hindi tutulo at aagos ang malakas na buhos nang ulan.” / JNC

(Err in Love)
“Sometimes, relationship of two special people are like peas in a pod.” / JNC

(Soliloquy)
“The serene ambiance of the Saudi Arabian Desert offers the best moment
for personal autonomy; the best place to enjoy the much needed ‘Hide-away’” / JNC

(J. Nava Cruz and Hera Margate Gonzaga – File Photo)
Isang maalab na pagbati syo Hera at Mr. Nava! sana'y ipagpatuloy nyo ang nasimulan nyong yan na may perspetektiba na sumasalamin sa tunay na buhay ng manggagawang filipino sa gitnang silangan.