IYO’Y isang pangkat ng mga mahihilig sa golf na mga Pilipinong taga East Coast sa America. Nagka kilala-kilala sila sa mga golf courses at sa mga kuwentuhan ay nabuo ang isang samahan – ang “GOLFERS ASSOCIATION OF FILIPINOS IN THE EAST COAST.” Iisa ang kanilang idolo – si Tiger Woods.
Kalipunan sila ng mga tao na magaan ang buhay. Nariyan ang mga may magagandang trabaho gaya ng mga doctor at mga abogado at mga inhinyero. Nariyan ang mga wala ng
mortgage, kotse o iba pang utang na binabayaran. Nariyan ang mga diborsiyado na sa asawa ng dahil sa
golf.
Nariyan ang mga balo na at dahil sa wala nang pipigil sa kanila ay malaya na. Nariyan ang mga retirado na, ibenenta na ang bahay at nag
down size na o sa
condo na ngayon nakatira. Nariyan ang iba, na kahit nagtatrabaho pa, ngunit dahil sa pagkakaroon ng mabait, nagtitiwalang asawa ay maaring mawala ng isa, dalawa o tatlong linggo upang mag-
golf.
KATATAPOS lamang ng kanilang
tournament at sa
clubhouse ay may iminungkahi ang Pangulo, “Maganda sa atin, para kang VIP.”
“Hindi lang iyon, mura pa.”
“Magkano?”
“Iyong
three thousand dollars mo, dalawang linggo na, kasama na ang eroplano,
hotel at
golf.
“Iyong kuwan?”
“
Extra iyon. Sobra ka naman.”
KASAMA si Jaime Montelibano, isang Engineer na balo na (namatay ang kanyang butihing maybahay isang taon at kalahati na ang nakalilipas ng dahil sa leukemia) sa pangkat na ito. Mga apatnapu at limang taong gulang siya at wala silang anak (siya ang dahilan ngunit isa sa nalalabi pa niyang pangarap ay maging ama sa pamamagitan ng pag-ampon o pagiging
foster father.) na paggugugulan ng panahon kaya ibinuhos na lamang niya ang kanyang mga bakanteng oras sa paglalaro ng
golf. Ngunit kakambal ng pag-iisa ay ang pangungulila kaya sa inaasahan niya ang kaunting
extra curricular activities sa biyahe nilang ito.
IYO’Y dalawang linggong paglalaro ng
golf sa Manila Golf and Country Club. Tulad ng inaasahan ay
VIP treatment sila - may
caddie at may
umbrella girl.
Maganda ang naging
umbrella girl ni Jaime – si Christie. Iyo’y isang kagandahang hindi akalain ni Jaime na matatagpuan niya sa
golf course. Mataas si Christie kung ihahambing sa pangkaraniwang Pilipina, mga 5’-6” marahil. Maputi siya, matangos ang ilong, mapula ang buhok. Masasabing may lahi siyang Caucasian. Masasabing nasa pagitan siya ng dalawampu at apat hanggang dalawampu at anim na taong gulang.
Pagkatapos ng unang araw ay hindi maikakailang kursunada ni Jaime si Christie. Ginawa niya siyang pirmihang
umbrella girl.
Nasa ikatlong araw sila ng kanilang
golf holidays. Iyo’y isang araw na hindi kainitan ang araw sa buwan ng Disyembre, na siyang dahilan kung bakit nila pinili ang buwang ito. Katatapos ng
18 holes ng kanilang
foursome. Katulad ng mga naunang araw ay deretso sila sa
clubhouse.
Sinadyang lumayo ni Jaime sa kanyang mga kasamahan. Pinili niya ang pinakamalayong sulok upang kung sila ay mag-usap ni Christie ay walang makarinig sa kanilang usapan. Dalawa lamang sila sa apatang bilog na mesa.
Branch ang
buffet na pagkain sapagkat alanganin ang oras - na siyang dahilan kung bakit kakaunti pa ang tao.
Panatag na ang loob nila sa isa’t isa kahit na halatang nangingimi pa rin si Christie sa pagkain sapagkat dito, ang pagsasama ng
umbrella girl sa
clubhouse ay kinakailangan ang pahintulot ng
management. Napansin iyon ni Jaime. “Nahihiya ka yata?”
“Hindi naman ho.”
“May mga itatanong ako sa iyo,
personal; pero bago ko umpisahan ay gusto ko munang humingi ng permiso sa iyo...p’wede.”
“Oho.”
Sandaling tumigil si Jaime bago nagpatuloy. “Ano’ng ginagawa mo sa ganitong lugar?” mahinahong tanong ni Jaime. Galing si Jaime sa Amerika at sanay siya sa deretso, walang paligoy-ligoy na pagtatanong sa mahinahong pamamaraan.
“Nagtatrabaho ho para mabuhay.” Mahina ang boses ni Christie mandi’y napipilitan lamang na sumagot.
“Wala ka na bang ibang mapapasukan?”
“Mahirap ho ang trabaho ngayon.”
“Kahit na. Sa ganda mong iyan, may makikita ka naman sigurong iba.”
“Mayroon ho,
waitress. Pero maliit ho ang kita noon.”
“Wala ng iba?”
“Mayroon ho, GRO. Pero ayoko noon.”
“Ibig mong sabihin, mas malaki ang kinikita mo rito kaysa maging
waitress ka.”
“Kung minsan ho.”
“Hindi sa nag-uusisa ako, magkano ba ang kinikita mo rito?”
“Kaunti lang ho.”
“P’wede kong malaman kung maari?”
Saglit na nag-isip si Christie. “Nakakahiya hong sabihin.”
“Sabihin mo na, hindi naman kita uutangan,” pabirong sabi ni Jaime.
Natawa si Christie. “
Three hundred ho.
Flat ho iyon. Iyon ho ang galing sa inyo. Kung sinusuwerte ho,
plus tip, gaya ng ginagawa ninyo.”
Tiningnan ni Jaime si Christie nang deretso “May itatanong ako sa iyo, mas
personal, p’wede?”
“P’wede ho.”
Sandaling hindi kumibo si Jaime mandi’y iniisip kung magpapatuloy. “
Sideline, suma-
sideline ka?”
Si Christie naman ang hindi kumibo, mandi’y iniisip kung sasagutin niya ang tanong. Iniwas niya ang kanyang tingin bago sumagot, “Ku…kung…minsan ho.”
“Namimili ka?”
“Oho.”
“Kung katulad ko?”
“Hindi ko pa ho kayo kilala?”
“Kung sasama kang lumabas sa akin. Magkakakilala tayo.”
‘Saan ho tayo pupunta?”
“Ano bang serbisyo ang ibinibigay mo?”
“Dalawa ho.”
“Ano-ano?”
“P’wede hong
chaperon lang. P’wede rin hong
chaperon na may kuwan. Nasasainyo ho iyon.”
“Gusto ko ng may kuwan.”
Namumula, pero natawa si Christie.
Tapos na silang kumain. Kumakagat na ang dilim. Halatang hindi mapakali si Christie. Madalas ay tumitingin siya sa orasan sa dinding. Napansin iyon ni Jaime.
“O sige, hanggang bukas, ganoong oras din.”
Ibinigay ni Jaime ang kanyang tip na P200.00. Lalong gumanda ang mukha ni Christie sa tuwa at pasasalamat. Naiwan si Jaime na naghihinala.
KINAGABIHAN ay iniisip si Jaime kung may itinatagong lihim si Christie. May iba kaya siyang
date na naghihintay? May iba kaya siyang trabahong pinapasukan? May
live in partner kaya siya? Kung may ibang lalake sa buhay ni Christie ay ayaw niyang maging bahagi siya ng buhay nito. Laganap ang
Sexually Transmitted Disease ngayon, nasasaloob niya.
KINABUKASAN, katulad nang nagdaang tatlong araw ay naroon si Christie at naghihintay. Tulad din nang dati, pagkatapos ng laro ay deretso sila sa
clubhouse.
“Napansin ko kahapon na tila nagmamadali ka?” tanong ni Jaime ng sila ay nakaupo na at nagsisimula ng kumain.
Hindi kumibo si Christie. Ayaw nitong tumingin nang deretso kay Jaime, mandi’y ayaw nitong magsinungaling. Naunawaan iyon ni Jaime, “
Sorry kung na
offend ka.”
“Hindi naman ho. Ayaw ko lang sabihin sa inyo ang dahilan dahil baka kung malaman ninyo ang dahilan ay palitan ninyo ako. Dito lang ho ako kumikita at kayo lang ang nagbibigay sa akin nang ganitong
tip. Kung papalitan ninyo ako ay kawawa naman ako.”
“Kung wala ka naming ginagawang masama ay bakit naman kita papalitan?”
“Wala naman ho. Kaya lang ho, ‘yong iba pag nalaman na mayroon ka ng mga anak ay ayaw na nila sa iyo. Sabi nila, laspag na iyan.”
“May anak ka?”
“Dalawa ho.”
“Dalawa na ang anak mo, pero kay bata mo pa?”
“Bata ho akong nag-asawa. Pagkatapos ho ng
high school, nagtanan na kami ng mister ko.”
“May asawa ka?”
“Dati ho.”
“Ngayon?”
“Wala na ho. Balo na ho ako.”
“Ano’ng ikinamatay ng mister mo?”
“Sundalo ho. Napatay ho sa Mindanao.”
“Mayroon naman kayong sustento sa gobyerno, hindi ba?”
“Mayroon ho, pero kakaunti lang ho.”
“Kaya mo ginagawa iyon?”
“Oho.”
“Sino’ng kasama ng mga anak mo kung wala ka?”
“Ang nanay ko ho.”
“Taga saan kayo talaga?”
“Olongapo ho.”
Naunawaan ni Jaime ang dahilan kung bakit Caucasian ang hitsura ni Christie. “Hindi kayo dinala ng tatay mo sa America?”
“Iniwanan na ho kami.”
Sandaling katahimikan. Ngayo’y nag-iisip si Jaime. Kung siya ay may kahinaan, ito ay ang pagiging maawain sa mga nasa ganitong kalagayan. Maingat siya sa paghatol dahil alam niyang hindi lahat ng gumagawa ng kasamaan ay masama, na marami ay gumagawa ng mga bagay na hindi naman nila dapat gawin dahil wala silang pagpipilian.
Nagpasiya si Jaime.“Gusto kong iuwi mo ‘ko sa inyo, kung maari.”
“Ayoko ho.”
“Bakit?”
“Nahihiya ho ako.”
“Ano’ng ikinahihiya mo?”
“Iyon hong tirahan namin.”
IYO’Y paupahang silong ng may dalawang palapag na lumang bahay sa Juan Luna. Salat sa gamit ang mumurahing silong at sa kanilang pagdating ay tatlong kaluluwa ang naghihintay.
“Mommy! Mommy!” patakbong sumalubong ang dalawang bata (na isang lalake at isang babae) kay Christie. Masasabing mga anim na taong gulang ang lalake at apat na taon ang babae. Kay gaganda ng mga bata ngunit limahid at payat ang mga ito.
“Nanay…kumain na ba kayo?” tanong ni Christie sa kanyang ina.
“Hindi pa anak…hinihintay ka namin. Hindi ako nakapagsaing dahil wala tayong bigas.”
Mandi’y napahiya ay iniba ni Christie ang paksa. “Nanay, may kasama ako. Siya iyong sinasabi ko sa iyong taga Amerika.”
Iniabot ni Jaime ang kanyang kanang kamay sa nanay ni Christie. Bantulot na iniabot ng nanay ni Christie ang kanang kamay nito kay Jaime. Nagdugtong ang kanilang mga kamay. Nadama ni Jaime ang maligasgas na palad ng kamay ng nanay ni Christie. Naisip niya na marahil ay nagtatrabaho ito kung nasa bahay si Christie, labandera marahil.
“Kumusta ho kayo?” bati ni Jaime.
Hindi kumibo ang nanay ni Christie. Ngumiti lamang ito sa kanya.
Tuluyan nang nasaling ang kahinaan ni Jaime sa kanyang nasaksihan.
“Kung maari ay gustong kong ilabas kayo. Kakain tayo sa labas. Hindi ninyo naitatanong ay
birthday ko ngayon,” pagsisinungaling ni Jaime.
PATULOY sila sa kanilang
routine. Golf sa umaga hanggang sa hapon. Tuloy sa
clubhouse pagkatapos ng laro. Ngunit may namumuong plano sa isipan si Jaime: Matagal na niyang gustong magkaroon ng mga anak, ang maranasan ang maging ama. Katunayan, bago sila umalis ay nagtanong na siya sa “Foster Parents of America” na maging
foster father siya ng dalawang bata sa Africa. Ngayon ay dumating na ang pagkakataon na maging
foster father siya ng dalawang bata na alam niya ang tunay na kalagayan at kalahi pa niya ang kanyang tutulungan.
DALAWANG araw na lamang ang natitira sa kanilang
golf holidays.
Nagpasiya si Jaime. “Kung papayag ka ay gusto kong ako na ang magpapalaki ng mga anak mo,” mungkahi ni Jaime ng sila ay tapos ng maglaro at naglalakad patungo sa
clubhouse.”
Ibinaling ni Christie ang kanyang ulo paharap kay Jaime. Nakatunganga siya, nagtataka. “Ibig mong sabihin ay…,” hindi makapaniwalang tugon ni Christie.
“Oo...padadalhan ko kayo ng pera buwan-buwan para sa mga bata, may kaunting
extra para sa iyo. Pero gagawa tayo ng mga kasulatan at kailangan ang
accounting at
documentation.”
Saglit na katahimikan.
Nagsimulang tumulo ang luha ni Christie. “Maraming-maraming salamat. Ngayon ay naniniwala ako na may Diyos nga.”
“Bakit mo nasabi iyan?”
“Noong namatay ang Mister ko ay itinanong ko sa sarili ko kung bakit nangyayari sa akin ito, na mabubuti naman kaming tao ay kung bakit pinaparusahan kami.”
“Ang lahat ng tao ay dumadaan sa maraming pagsubok.”
“Pero napakabata ko pa para dumanas ng mga ganitong pagsubok.”
“Talagang ganyan ang buhay.”
“Pero ngayong dumating ka?”
“Ngayong dumating ako ay ano?”
“Ngayong dumating ka ay nabago ang paniniwala ko, na dininig ng Diyos ang mga dasal ko.”
“Sandali pa lamang tayong magkakilala.”
“Iyon nga ang ipinagtataka ko, sasandali pa lamang tayong magkakilala ay nag-alok ka na ng ganitong tulong.”
“Marahil ay ako nga ang Sugo ng Panginoon, pero may isa pang kundisyon?”
“Ano iyon?”
“Na titigilan mo na ang
sideline mo. P’wede ka pa ring mag
umbrella girl pero wala na ang
chaperon lalong lalo na iyong
chaperon na may kuwan.”
“Ginagawa ko lang naman iyon dahil sa pangangailangan.”
“Ipangako mong titigil ka.”
“Ipinapangako ko.” Bumibilis ang tulo ng luha sa pisngi ni Christie. “Pa…paano kaya kita magagantihan?”
Saglit na katahimikan.
“Balang araw ay gusto kong maging
chaperon kita...permanent.”
Nangiti si Christie – na ngiti ng pagsang-ayon.
Nagyakap sila tulad ng pagyayakap ng mga magulang NG DAHIL SA MGA ANAK.”
******