Pulidong tinututukan ng mga nakatalagang opisyales ng Pasuguan ng Pilipinas sa Kaharian ng Saudi Arabia ang kasalukuyang ginagagawang ‘Overseas Absentee Voting’ registration sa pamumuno ni Third Secretary at Vice Consul Redentor Diaz Genotiva, kasama si Attaché Maribeth Ferrer at ilan pang kawani ng Embahada.

(VC Genotiva at Attaché M. Ferrer (gitna) sa ginagawang OAV Registration)
Ayon sa nakaraang panayam kay Vice Consul Genotiva, sinabi niya, “Ang Philippine Embassy ay inaanyayahan ang lahat ng mga Pilipino na nasa Kaharian ng Saudi Arabia na magpatala sa ginaganap na
Overseas Absentee Voting Registration para ma-exercise ang inyong mga karapatan (rights) na makaboto.” Dagdag ni Vice Consul Genotiva, ang mga Pinoy na kwalipikadong bumoto ay maaaring pumili ng 12 senador at isang party list na maaaring mailuklok sa puwesto para sa May 2013 Election.

(Vice Consul & Third Secretary Redentor Diaz Genotiva – Photo by JNC)
Nabatid ng manunulat sa nagdaang pagbisita ang ibat-ibang modus operandi alinsunod sa ginagawang ‘
OAV Registration Campaign’ ng Embahada para maabot ang karamihang Pinoy at maingganyong magpatala kasama na dito ang paghingi nang tulong sa ibat-ibang pahayagan (newspapers), social networking sites tulad ng FB, local networks, paggamit ng text messaging, pakikipag-ugnayan sa mga employers at sponsors ng mga Pilipino para bigyan sila ng panahon na makapagpa-rehistro. Tungkol sa tanong ng maraming Pinoy kung bakit hindi ikonsidera na maglagay ng isang himpilan sa Al Batha Street (Filipino Market) kung saan nandoon ang malaking concentration ng mga Pilipino na maaaring magparehistro, sinabi ni VC Genotiva, “Dumadaaan ang ganitong proseso sa approval ng Ministry alinsunod na din sa batas na ipinatutupad ng host country.”

(Taha Guinomla, Cultural Officer at Yvonne Mafar, Collecting Officer kasama si Vice Consul Genotiva)
Napag-alaman na nagsimula ang OAV Registration sa Kaharian nito lamang November 12 sa halip na magsimula noong November 2 base na din sa pagbibigay respeto sa nagdaang Hajj (Eid) Holidays sa Kaharian, at kung saan ito ay tatagal hanggang October 31, 2012. At base sa mga ginawang anunsyo ng Embahada sa Riyadh, ang mga Pinoy na kwalipikadong magparehistro ay hinihilingang dalhin ang anuman sa mga sumusunod:
original passport, kung hindi man, ang kopya nito at ang
Iqama (
residence permit). Samantala, Ang Embahada ay bukas para sa gawaing ito ng OAV Registration mula Saturday hanggang Wednesday (from 8 a.m. to 5 p.m.) at tuwing Huwebes mula 8 a.m. hanggang 12 p.m. base na na din sa tagubilin ni Ambassador Ezzedin H. Tago para mabigyang serbisyo ang mas maraming Pinoy na gustong magparehistro. At para sa mga Pinoy na nangangailangan ng mga kasugutan tungkol sa OAV Registration, maaaring makipag-ugnayan para dito kay
Attaché Maribeth Ferrer (01) 480-1918.
At habang sinusulat ang balitang ito, bukas na bukas ang tanggapan ng Pasuguan ng Pilipinas sa Riyadh at maging sa Jeddah Consulate para sa nagnanais na magparehistro. Samantala, ayon kay Vice Consul Genotiva, binibigyang atensyon na mabuksan ang registration sa Eastern Province pagkatapos matugunan ang ilang ‘technical administrative details” para tuluyang makapagpatala ang mga qualified Pinoy voters. –
From the Pages of Abante Middle East (J. Nava Cruz, an OFW, is a freelance writer-author-documentarist. E-mail at
bashamel007@yahoo.com)