24 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
The Saudi Experience
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
INA: Sino Ka?

May 8, 2012
 
 
(Isang pagsasalarawan sa dalawang mukha ng isang Ina at pag-alala sa kanilang kadakilaan bilang paggunita sa Araw ng mga Ina).
 
Ina! Isang importanteng tao dahilan para masilayan natin ang ganda ng mundong ating ginagalawan. Siya ang tinatawag nating “Ilaw ng Tahanan.”
Click to enlarge image.
Si Bb. Rochelle B. Vicente, nagtapos ng kursong 2-Year HRM at ang aking Ina, Gng. Teresita B. Vicente

Maituturing ang Ina na pinaka-importanteng tao sa ating buhay. Isa siya sa mga pangunahing dahilan para tayo ay patuloy na mabuhay. Pero ano ang tunay na mukha ng isang Ina sa likod ng walang kasin-dakilang pagmamahal nito sa pamilya. Ano ka Ina sa lipunang ating kinabibilangan?
 
Mapalad ang isang pamilya na nabiyayaan ng isang dakilang Ina. Hindi maikakaila ang kanyang walang-pantay na pagmamahal para sa kanyang pamilya. Lahat kaya niyang gawin alang-alang sa kapakanan at ikabubuti ng kanyang tahanan. Larawan siya ng isang matibay na pundasiyon ng pamilya at higit sa lahat, tulay siya para linangin at hubugin ang pagkatao ng kanyang mga anak. Bilang isang Ina, obligasiyon niyang alagaan at gabayan ang kanyang mga anak para maging kapaki-pakinabang sa loob ng tahanan maging sa lipunang kanyang kinabibilangan. Isa itong importanteng aspeto para sa kung sino at ano ang kanyang anak sa hinaharap. Sa patuloy na nagbabagong lipunan, ang batang naturuan ng tamang asal at pag-uugali ay isang halimbawa ng taong marunong makipag-kapwa tao. Sapagka’t kung ano ang iyong pagkatao ay larawan ng tahanang iyong kinamulatan.
 
Sa isang banda, hindi matatawaran ang walang-kapantay na pag-aarugaa niya sa kanyang pamilya. Sinisimulan niya ang trabaho sa madaling-araw hanggang sapitin ito ng hatinggabi na hindi alintana ang pagod at hirap. Ito ang kanyang karaniwang gawain sa loob ng isang araw. Nguni’t, higit na mas dakila ang mga Inang nag-ibayong dagat sa adhikaing bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Mga Domestic Helper, Cleaner, Waitress, Receptionist o Nurse man, sila ay mga dakilang Overseas Filipino Workers (OFW) na tinaguriang Bagong Bayani ng makabagong panahon. Hindi matatawaran ang kanilang katapangang harapin ang hamon ng buhay. Hindi madali para sa kanila ang makipagsapalaran sa ibang lupain at itaya ang buhay sa nag-iisang mithiing maaayos na pamumuhay. At bilang isang anak, sana makita natin ang magandang adhikain ng ating mga Ina bakit kinailangan nila tayong iwan at lisanin ang ating bansa. Sana maisip natin kung ano ang hirap at sakit nila para sa pamilya. Sana huwag tayong magdamdam o maghinanakit sa mga pagkakataong wala sila sa ating tabi o sa mga mahahalagang okasiyon bagkus, atin silang intindihin at bigyan ng respeto at pagmamahal bilang ganti sa kanilang kabayanihan.
Click to enlarge image.
School Graduation taong 2011 Si Gng. Teresiat B. Vicente at ang bunsong si Bb. Ginalyn B. Vicente, kuha noong kanyang High


 
Bagama’t hindi lahat ay naaayon sa pagkakataon, mayroon namang mga Ina na sa pananaw ng iba ay hindi karapat-dapat sa pagiging isang Ina. May mga pangyayari na mismong mga anak ang nagtatakwil sa kanilang mga Ina sa paniniwalang sila ay inabandono at pinabayaan. Pero sa mga ganitong pagkakataon, hindi natin batid kung ano ang malalim na dahilan ng mga Ina para gawin ito. Maaaring may sapat na dahilan sila para basta na lang pabayaan at iwan ang kanilang mga anak sa kung kanino man. Ano man ito, tanging sila lamang ang nakakaalam. Bagama’t palasak na katotohanan, hindi maiiwasang magkaroon ng sama ng loob o galit sa puso ang mga batang naabandono’t napabayaan. Hindi madali para sa kanila na tanggapin ang kanilang naging kapalaran lalo’t lumaki sila sa piling ng ibang pamilya. Pero, walang sugat na hindi pinahihilom ng panahon. Walang kasalanan na hindi pinagbabayaran o pinagsisisihan. Sa una masakit, pero ano man ang pinangyari, ating isaisip na napakadakila ang pagmamahal ng isang Ina. Sadyang panahon na lamang ang makakasagot para tuluyan humupa ang sakit at maging maayos ang lahat. Ang importante, matutunan natin ang magpatawad, magparaya at tanggapin ang katotohanan para ating makamtan ang tunay na kaligayahan at kapayapaan.
 
Sa dalawang mukha ng Ina, isang dakila at isang nagpabaya, maituturing bang magkaiba ang kanilang pananaw sa buhay? Mas nananaig ba sa lipunan ang dakilang Ina kaysa sa pabayang Ina? Maaaring magkaiba ang kanilang pamamaraan pero hindi pwedeng pasubalian ang kanilang kadakilaan. Ito man ay positibo o negatibong pamamaraan, batid natin na kaya nilang hamakin ang kanilang mga sarili alang-alang sa pamilya. Pakatandaan, hindi natin pwedeng kwestyunin kung ano kanilang pamamaraaan sapagka’t walang Ina na naghangad ng masama para sa kanyang mga anak.
 
Mula sa kaibuturan ng aking puso, aking ipinahahatid ang pagpupugay sa kadakilaan at wagas na pagmamahal ng mga Ina. Isang masaya at mapagpalang “Araw ng mga Ina” sa lahat ng mga Ina higit lalo sa aking Ina na si Gng. Teresita Baris-Vicente. – Marlon B. Vicente.
Tip: Click at any main image above to display its full-size version. Then, use mousewheel or side arrows to navigate to other images.
 

Comments

 
Munting Nayon News Magazine


To receive Munting Nayon updates in your Facebook account, click the Like button in this box.

 
MoreIka-siyam na taon ng liga ng SPIS tagumpay
Ni Marlon B. Vicente

RIYADH, Saudi Arabia: Naging matagumpay ang pagtatapos ng ika-9 na taon ng SPIS Parents Basketball League 2012 kung saan nasungkit...
MoreAmerican hip hop group performs live in Saudi Arabia
Marlon Baris Vicente

RIYADH, Saudi Arabia: LEL Brothas, a known hip hop group in the United States rocked Exit 9 in Riyadh on...
MoreLEL Brothas to rock Saudi Arabia
By Marlon B. Vicente

RIYADH, Saudi Arabia: LEL Brothas, a popular hip hop group in the United States is going to rock Saudi Arabia...
LEDESMA CLAN TO HOLD FIRST EVER GRAND FAMILY REUNION

Calling all LEDESMAs!

Come join and meet relatives at our first-ever grand family reunion to be held next year in...
More'THE MISTRESS' Set for showing on September 28 all over Canada

ANNOUNCEMENT:

An Olivia M. Lamansan film:

"THE MISTRESS"
Set for showing on September 28 all over Canada
for more detail, see poster...
It was Yuletide season, a good time for another family reunion in the Philippines.  We celebrated Christmas Eve at my brother Danny and his wife Cindy’s house.  Cindy’s sisters Annie and Bettina hosted Christmas lunch.  Our holiday meals were both delightful and generous.  It was time for some physical vacation activities.  Our destination – Coron in the province of Palawan. 

Coron is remote.  We took three modes of transportation to get there - by air, land and sea.  Our big family tour group flew from Manila to Busuanga Island just north of the island of Palawan, then rode two vans through hills and dirt roads, before taking two motor boats to reach our secluded vacation hideaway by the beach.  The skillful boatmen waded and pushed the two small crafts as we passed through shallow waters between mangroves. 
 
Art books often advice beginners to copy the works of the masters as a way to improve their painting skill. The reason is that one can't paint a good picture until one has seen a good picture. During their formative years, the masters themselves copied from their more advanced peers.

I actually witnessed this copying phenomenon in our visit to the Louvre some years ago. The sight of artists, both novices and professionals, busy with their palettes and brushes was as spectacular as the masterpieces they were trying to replicate.

Great as it may sound, this training methodology, however, is not always possible especially for those of us with no easy access to museums and galleries. But, such working procedure could be approximated using images from art books or other sources as substitutes. It's true, prints of paintings are seldom as excellent as their original, but, for learning purposes, they would do.
 
More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor...
MoreThe Philippine Independence Day Picnic of the Filipino Community in The Netherlands 1988 - 2008
Munting Nayon News Magazine

No other event in the Filipino community of The Netherlands can aptly be tagged as THE event of the year…more...
MoreRecord Breaking Attendance at the Philippine Independence Day Picnic
Spaarnwoude Recreation Park, Haarlem

The JUBILEUM PICNIC , in celebration of 110th Anniversary of Philippine Independence, was another great milestone of the Filipino community...
MoreAN INVITATION TO: LIZ HONEY PROMOTIONS & ENTERTAINMENT UPCOMING SHOWS

AIZA SEGUERRA
April 27, 2013
Ukranian Hall
Essendon-Vic-Australia ...
MoreFRIESLAND SWINGS in OPPENHUIZEN - THE NETHERLANDS

AN INVITATION TO A DINNER / DANCE

"FRIESLAND SWINGS in OPPENHUIZEN - THE NETHERLANDS"

WITH LIVE PERFORMANCE FEATURING RUTH GALURA
MAY 25, 2013

...
APCO Gears Up for Freedom Ball 2013
By Amor Ramos
Liverpool-NSW-Australia
May 18, 2013
 
More
The Alliance of Philippine Community Organisations, Inc, rolls out its finishing touches for the annual Freedom Ball celebration to commemorate the 115th anniversary of the Philippine Independence.  This year’s grand event will be held on Monday 10th June (Queen’s Birthday Holiday) at the Grand Ballroom of the Renaissance Events Centre, 3 New St. East Lidcombe, NSW, from 4-11 pm....
 
Munting Nayon News Magazine
 
SECOND GENERATION SWISS-FILIPINOS HOLD WORKSHOP ON PHILIPPINE DANCES
Philippine Embassy-Berne
Fri 17th May 2013
 
More
15 May 2013 - The Philippine Embassy in Berne reported to the Department of Foreign Affairs that the Network of Independent Pinoys (Noi-P), an associationof second generation Swiss-Filipinos, held a dance workshop on Philippine dances in Zurich on May 04.

 Eighteen (18) Swiss-Filipinos and Swiss young professionals participated in the workshop, which was conducted...
 
Munting Nayon News Magazine
 
FIRST EVER AMBASSADOR’S CUP IN BASKETBALL BRINGS TOGETHER BASKETBALL TEAMS FROM COMPANIES IN CHRISTCHURCH, NEW ZEALAND
Philippine Embassy – Wellington, NZ
Thu 16th May 2013
 
More
15 May 2013 - As tIn keeping with the efforts of the Philippine Embassy in Wellington continues to promote closer ties through sports among the Filipino community in New Zealand, Ambassador Virginia H. Benavidez and Ms. Delia Richards of the Philippine Culture and Sports mounted the first ever Ambassador’s Cup in Basketball in Christchurch on March 24....
 
Munting Nayon News Magazine
 
Candidates for Miss Philippines Canada 2013 
Toronto-Canada
May 15. 2013
 
More
Alannah Sagici: Latin Dancer & Model
 


Alannah Sagici, a young student who is adept at Latin/Ballroom dancing and modeling, is a Miss Philippine Canada 2013 candidate. This fresh faced beauty was born in Toronto to Marilou...
 
Munting Nayon News Magazine
 
TIME, MONEY AND EFFORT  
by Jorge D. Lomboy  
Thu 16th May 2013
 
Time is a very valuable thing we cannot afford to waste.  In today's gangrenous economy we can't afford to squander time for it is the very thing life is made of and it's what we are paid for. ...
 
Munting Nayon News Magazine
 
APCO Inc. attends Italian Fiesta
By Richard Ford
NSW-Australia
May 15, 2013
 
More
A group of APCO Inc. members attended the Festa in Onore di Maria SS Della Strada on the 5th May 2013 at the All Hallows Catholic Church in Five Dock, conducted by Father Bob then moved to the...
 
Munting Nayon News Magazine
 
MoreBEAUTY & BRAIN –
By Dindo Orbeso


A beauty from Leyte, Michelle Angelique Veloso, is one of the candidates in the Miss Philippines Canada...
MoreBert Monterona: Struggle Showcased at the Amelia Douglas Gallery
by Erie Maestro

New Westminster, B.C. – Philippine-born artist and Vancouver resident Bert Monterona opened his most recent art show at the Amelia...
MoreInternationally Awarded Filipino Photographer to Exhibit in Amstelveen, NL to Benefit UPAA-NL

The Embassy of the Republic of the Philippines and Sociale Verzekeringsbank (SVB) will present "Contemplative Landscape", a photography...
MoreMiss Philippines Canada 2013 Candidates
By Jojo Taduran


Photo shows the candidates for the Miss Philippines Canada 2013 pageant which being undertaken by the Philippine...