Ang kapayapaang mailap na ibon
hayaang dumapo sa ating panahon,
sama-sama nating harapin ang hamon
itong terorismo ay ating itapon!
-0-0-0-0-0
Ang agila noon na napakasiba
matakaw, marahas, walang pagkaawa,
ating nilabanan, di nangayupapa
at natamo natin ang tunay na laya!
-0-0-0-0-0-0
Ang bangis at lupit nitong terorismo
ay nagpapayanig sa puso ng mundo,
ngayon ang panahong magkaisa tayo
baklasin ang ngipin ng mga demonyo!
-0-0-0-0-0-0-0
O, kapayapaan nasaan ka ngayon?
sana'y madama ka sa aming panahon,
ang dilag at samyo ng iyong yamungmong
sana ay lumukob, yumakap, di maluoy!