TFCs ‘Kabayan Tambayan’, iere na…
Riyadh-Saudi Arabia
Thu 31st May 2012
TFC Middle East - Nalulungkot ka ba? O di kaya’y nababagot? Gusto mo bang tumawa para mawala ang iyong lungkot? Heto na ang pinakahihintay mong kasagutan. Halina na’t ating saksihan ang unang bugso ng pinakabagong palabas ng TFC (The Filipino Channel) Middle East, ang kwelang “Kabayan Tambayan” na ikaw mismo ang BIDA Kabayan.
Tama! Ikaw ang bida dito kabayan. Sapagka’t kwento mo ang ipapalabas at mapapanood ng ating mga kababayan sa buong Gitnang Silangan. Kaya huwag ng magpahuli pa, magpadala na ng kwento mo baka ikaw na ang susunod na bida. Pagkakataon mo na ito para sumikat kabayan. I-video na ang kakaibang talent mo tulad ng pagkanta, pagsayaw o pagma-magic, malay mo pasok ka sa segment na
MTV o My Tambay Video. Huwag mag-alala mga k-tamabayers, itatampok rin ang mga piling community events ng mga organisasyon at grupo para naman sa
Tambayan Happenings. Hindi lang ‘yan kabayan, pwede ka pang malagay sa spotlight sa pagpapagitang-gilas ng iyong anking talento mula sa mga viewer requests sa
Kaya mo Ba ‘to? At syempre, may pagkakataon ka rin mabati o kalauna’y makitang muli ang iyong barkada sa Pilipinas sa
Balik-Barkada. Higit sa lahat, walang kasing saya ang salubungin ka ng
Kabayan Tambayan sa ating pag-uwi sa Pilipinas sa
Balikbayan segment.

Ang mga The Cardio Boys na magsisilbing inyong K-Tambayers, ang grupong sumikat sa Youtube sa pagpo-post ng mga kwelang videos
Kaya, kabayan handa ka na ba sa sampung minutong katatawanan? Tara, nood na at huwag palalampasin ang
Kabayan Tambayan simula ngayon Lunes, ika-4 ng Hunyo. Ito ay sa pangunguna ni John Paul Aleta at ng The Cardio Boys na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes 5:20 am Saudi Time at 6:20 am Dubai Time at sa primetime 8:20 pm Saudi Time at 9:20 am Dubai Time.