Huwag magtaas ng kilay! But Manny (Pacman) Pacquiao is the modern-day Filipino Achilles. At huwag kumurap ang mata kung sasabihin kong si ‘Mommy Dionisia’, ang kaniyang ina, ang modern-day Thetis, ang ina ni Achilles.
Hindi ako ‘boxing aficionado’. ‘Piko’ at ‘Chinese garter’ ang laro ko. But as I watched again last night the movie of Brat Pitt, (Troy), biglang naglaro ang aking super-makulit na guni-guni at imahinasyon. Biglang nag-compare ng ‘apple to apple’. Si Pacman, the modern-day Achilles, at si ‘Mommy Dionisia’, and modern-day Thetis. Well, here is my quite intriguing personal analogy.
● Si Achilles ay isang hero na produkto ng Greek mythology. Noong baby pa si Achilles, ang kaniyang Mother, si Thetis dipped him into the magical river known as ‘Styx’ to make him immortal, so walang puwedeng pumatay sa kanya. Yun nga lamang, hindi nailublob ni Thetis sa tubig ang sakong (heel) ng kaniyang pinakamamahal na anak (si Achilles) at ito ang kaniyang naging weak point (kahinaan) na naging sanhi ng kaniyang kamatayan nang ang Trojan King (si Paris) ay panain (shot an arrow) ang kaniyang paa.
● “Mommy Dionisia”, the modern-day Filipina Thetis dipped and perfectly immersed Pacman, the modern-day Achilles, sa ‘
ilog ng kahirapan’ sa kanilang pugad sa Mindanao. Yun nga lamang, may mga pagkakataong nakikita ang kahinaan ni Pacman sa kaniyang tiyan (literally) dahil sa ilang laban kung saan dito siya nakitaan ng pagkagupo, which as we all know by now, ay nabigyan ng kasagutan at remedyo ng kaniyang coach, Si Freddie Roach.
● To say the least, hindi ito ang kahinaan na aking tinutukoy tungkol sa ating modern-day Achilles. Bagkus, yung naiibang mundo kung saan
hindi siya pinalaki at ‘nilublob’ ng kaniyang heroic Mother (si Mommy Dionisia). At ito ay ang maruming mundo ng pulitika kung saan marami ng Achilles ang nasira at nawasak…where dog eats dog at kung saan naglipana ang napakaraming ‘monkey in silk’.
● To note, tapos na ang story ni Achilles at ‘Mother Thetis’, who both left with us their immortality sa pahina ng Greek mythology. Si Pacman, although hindi pa natin alam kung lulunurin ba o masisira ng nakasusukang sistema ng pulitika sa Pilipinas, subalit ngayon pa lamang, at habang umuusad ang panahon, ay nakakasiguro nang mag-iiwan sa ating mga ala-ala at kaisipan, maging sa susunod nating saling-lahi at bagong henerasyon, ng kaniyang naiibang ‘legacy’ at ‘immortality’ na nagbigay sa bawat Pilipino at bansang Pilipinas ng naiibang marka at anyo sa harap ng mundo:
Anyo ng Pilipino: “Lumalaban Kahit Duguan… Maging Hanggang Kamatayan tulad na lamang ng buhay ni Achilles sa Mitolohiyang Griyego, at Manny Pacman Pacquiao sa madugong mundo at laro ng mga boksingero.
● Ang tunay na maganda dito (in both cases and stories), maging ito ay kay Achilles o kay Manny, isa lang naman talaga ang dapat gawin nating lahat kung gustong marating ang tugatog ng tagumpay: “Maximize our given potentials. We should note that we are undistinguished until we set our mark… make a name and stand out in the crowd.” At tunay na kaya natin ito bilang mga Filipino! - (From the Pages of Abante Middle East Edition / 9
th June, 2012 - J
. Nava Cruz, an OFW, is a freelance writer/documentarist & published author in the Philippines. Email at bashamel007@yahoo.com)