Isang kababayan sa Pilipinas, si Roderick Hormigas, 38 years old, naninirarahan sa Palapat, Hagonoy, Bulacan ang mababang loob na humihingi ng tulong sa ating mga Kababayang Pinoy sa ibang bansa hinggil sa kaniyang kalagayan.

Si Roderick Hormigas, 38 years old
Ayon kay Roderick sa nakaraang pagbibigay interview sa manunulat na ito noong nakaraang buwan lamang, napag-alaman na mayroon siyang “
soft tissue sarcoma” (
nerve sheet tumor). Dagdag ni Roderick, may isang hospital sa Bulacan na nagpayo sa kaniyang dapat nang putulin ang kaniyang braso. Iyon nga lamang, naruon ang kaniyang pagtutol, una na sa lahat, ay lubos na maaapektuhan ang kaniyang trabaho bilang isang mason at karpintero, kung saan dito nanggagaling ang kanilang kinabubuhay, sabihin pa ang kailangang pera para sa nasabing operasyon. (Ang trabaho ni Roderick ay isang
today-you-have o
tomorrow-you-don’t-have-work dahil hindi naman regular ang kaniyang trabaho o mayroong araw-araw na magpapagawa ng bahay. Sinabi ni Roderick na ang isa sa nagbigay ng lakas ng loob sa kaniya ay ang medical advice ng isang doctor sa isa pang hospital sa Bulacan na nagsabing hindi naman kailangang putulin ang kaniyang kanang braso, bagkus nangangailangan lamang ng ito nang mabilisang operasyon.

Ang sakit sa braso ni Roderick
Napag-alaman na tunay na ‘
hand-to-mouth’ ang situwasyon ng buhay nina Roderick. Mayroon silang tatlong anak, sina Cynthia (9 years old), Apple (8 years old) at Raymond (6 years old) na pawang mga nag-aaral sa elementarya. Samantala, ang kaniyang asawa, si Consolacion na namamasukan bilang isang kasambahay (housemaid) ay tumigil na din sa pagtatrabaho dahil sa kapansanan ni Roderick. Si Roderick, ay kumikita ng Pesos 450 (9.5 Dollars per day) kung mayroong patrabaho samantalang si Cynthia ay kumikita ng Pesos 3,000 ($69) monthly kasama pa rito ang kanilang mga personal expenses.

Roderick sa kaniyang trabaho sa kainitan ng araw at sakit na dinadala
Kahapon lamang (13
th June) naisip ng manunulat na ito na tawagan sina Roderick (na hindi nakasagot sa kaniyang phone call) at ang kapatid nitong si Rica sa kanilang mga cell upang alamin ang kalagayan ni Roderick. Napag-alaman kay Rica na naoperahan na ang Kuya niya last month, yun nga lamang, muling bumabalik ng mabilisan ang tumor at nangangailangan ng panibagong medical consultation at treatment. Ayon kay Rica, may ilang tulong na nakuha sa local government pero tunay na hindi sapat ang financial assistance na ito para lubusang matapos ang medical problem ni Roderick at muling makapagtrabaho. At gustuhin man nilang tumulong, subalit kulang din ang kanilang kabuhayan.

Roderick at mga anak, Cynthia at Apple sa kanilang munting tahanan
Base sa nabanggit na situwasyon ng pamilyang Hormigas, at kahit sabihin pang naroon ang kanilang pagdadalawang isip na mailathala ang kanilang kuwento at problema, nagbigay paunlak sila na maibahagi ito sa kaalaman ng mga Pinoy na mambabasa. Isang taimtim na pagkatok sa puso ng bawat isa para sa anumang tulong na maaaring maibahagi para sa kanila na tunay namang nangangailangan ng tulong at paglingap.
Maaaring makadaupang palad sina Roderick sa Cell Phone No. (00 63 933-368-5259) o ang kaniyang kapatid, si Rica (00-63 939-651-5697). At tunay naman na napakaraming ganitong sitwasyon ng mga mahal nating kababayang Pinoy na nakahandusay sa hirap at pagsubok ng buhay sa Pilipinas.
(J. Nava Cruz, an OFW, is a freelance writer-artist-documentarist and a published book author in the Philippines. E-mail at bashamel007@yahoo.com)