24 years
of
Community Service
MUNTING NAYON
News Magazine
Mga Gintong Kwento ni Rene Calalang
News and Views of the
Filipino Community Worldwide
ANG PANGARAP NI ESIONG
Kabanata 4  
Scarborough, Ontario-Canada
Sun 8th July 2012
 
 


KINABUKASAN ay headline sa mga pahayagan at prime time news sa mga radyo at television ang nangyari.

Sa isang bahagi ng pahayagan ay sinasabi na sa pag aakala ng mga maykapangyarihan ay may isang kasapakat na nakatakas, na ang nakatakas na ito ay ang look out.

Hindi nila deretsahang matukoy na iyon ay si Esiong sapagkat wala naman silang sapat na katibayan.

May hinala ang mga taga baryo Magiting na iyon ay si Esiong. Ngayon ay iba na ang pagkakilala nila sa kanya. Sa kanilang palagay ay big time na kriminal na siya. Ang mga pabirong pagtanggap ng mga ginagawa niya noon ay hindi na pabiro ngayon.

Nagsisimula na ring layuan ng mga tao si Esiong at ang kanyang pamilya. Tulad ng isang maysakit na nakahahawa ay iniiwasan nila sila, tila pinandidirihan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabahala si Esiong. Wala namang kasalanan ang kanyang maybahay at anak, na ang kanilang kasalanan lamang ay siya ang ama ni Marlon at siya ang asawa ni Rebecca. Sa kauna-unahang pagkakataon ay binagabag siya ng kanyang budhi. Nadama niya na ang nagaganap ay kanyang pananagutan, na ang lahat ay kanyang kasalanan.

LUMALAKI si Marlon at madalas ay nakikita ni Esiong na ito ay nalulungkot at nag-iisa. Sa pag-iisa nito ay lalong tumitindi ang kanyang pagkakaroon ng guilty feeling.

Nagpasiya siya na alamin niya ang nagaganap.

Isang gabi, sa liwanag ng buwan sa duluhan na kanilang kapitbahay na may malaki at maluwag na bakuran ay naglalaro ang mga bata ng taguan. Naroon si Marlon ngunit hindi kasali.

Nagkubli si Esiong at nakinig.

“Sayi ako,” pautal na sabi ni Marlon sa kanyang mga kalaro.”

“Ayaw namin.”

“Bakit ayaw ninyo akong kayayo?”

“Sabi ng daddy ko, Kuwan daw ang daddy mo.”

“Ano ang daddy ko?”

“Kinukuha daw ng daddy mo iyong hindi naman sa kanya.”

“Sabi ng daddy ko, hindi daw totoo iyon.”

“Kung hindi totoo, bakit daw ang daddy mo, sabi ng daddy ko, kinuha daw ng pulis.”

“Sabi ng daddy ko, mayroon daw lang silang pinag-usapan.”

Hindi halos makapaniwala si Esiong sa kanyang narinig. Hindi niya alam, pero siya ay lumuluha. Nang dahil sa kanya ay isang musmos na kaluluwa ang nagdurusa.

Lumaki siya sa paggawa ng mga kalokohan ngunit hindi niya pinansin kung ano man ang iniisip ng mga tao sa kanya. Wala siyang pakialam kung gusto man siya ng mga tao o hindi.

Ngunit ngayon ay iba na. Sa sakit na nadarama ng kanyang anak ay mas matindi ang hapdi ang kanyang nararamdaman. Noon ay wala siyang pangarap, ngunit ngayon ay may pangarap na siya.

Kinagabihan ay hindi siya makatulog. Maliwanag ang buwan na nagbibigay ilaw sa isang malungkot na gabi. May mangilan ngilan pang alitaptap na lumilipad.

Bumangon siya at lumabas. Nanigarilyo siya. Pahigop na hihitit niya ang sigarilyo. Binuga niya ang usok ng sigarilyo. Tumingala siya at minasdan ang mga bituin sa langit.

Sinundan siya ni Rebecca. Yumakap sa kanya si Rebecca, mandiy naghihintay na sabihin sa kanya ang katotohanan.

Tinapon niya ang sigarilyo. Tinapakan niya ang upos. “Alam mo ba na ito ang pinakahuling sigarilyong hihititin ko. “Ayokong maging masamang halimbawa ako kay Marlon.

“Ano pa?”

Mabilis ang kanyang pagsagot. Ipinagtapat niya ang nangyari “Magbabago na ako…magbabagong buhay.”

“Paano mo gagawin iyon…?”

Mabilis na muli ang kanyang pagsagot, mandi’y handa na siya sa alam niyang itatanong ni Rebecca, “Bilang simula ay kailangang pagdusahan ko ang aking mga kasalanan. Kung hindi man lahat ay iyong pinakagrabe.”

Alam ni Rebecca ang tinutukoy ni Esiong. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ni Esiong. Tumutulo ang luha ni Rebecca.

KASAMA si Rebecca ay pinulong ni Esiong ang kanyang mga magulang. Ipinagtapat niya ang katotohanan.

“Alam namin iyon,” sang-ayon ng kanyang mga magulang.

“Gusto ko nang magbago. Ano ang maipapayo ninyo na dapat gawin ko, bilang pasimula?”

Matagal na katahimikan at palitan ng mga kuro-kuro. Pagkuway nabuo ang isang pasiya, “Kailangang sumuko ka at pagdusahan ang iyong mga kasalanan,” sabi ng kanyang ama.

“Kung susuko ako, iyo’y nangangahulugan na mabibilanggo ako.”

“Kung iyon ang kinakailangan ay gawin mo,” sabi ng kanyang ina.

SUMUKO si Esiong. Ipinaliwanag niya na ang dahilan ng kanyang pagsuko ay upang magbagong buhay. Dhil sa look out lamang siya at walang direct participation,” ang sakdal lamang sa kanya ay “accessory to the crime.

IYO’Y isang paglilitis na salat sa lahat ng mga bagay na karaniwang sangkap sa isang paglilitis - gaya ng kawalan ng abogado ni Esiong.

Pagkuway binasa ng court clerk ang habla kay Esiong.

Tumayo si Esiong. “GUILTY, YOUR HONOR.”

“Nasaan ang abogado mo?” tanong ng hukom.

“Wala po akong abogado.”

“Bakit wala kang abogado?”

“Hindi ko po kayang magbayad ng abogado.”

Kumunot ang noo ng hukom. “Alam mo ba na kapag nag plead guilty ka ay mabibilanggo ka at magkakaroon ka ng criminal record.”

“Alam ko po iyon.’

“Kung alam mo ay bakit hindi mo ilaban ang iyong kaso.”

“Gusto ko pong pagdusahan ang kasalanan ko.”

Naantig ang puso ng hukom. Hinatulan niya si Esiong ng labingwalong buwang pagkabilanggo, na maaring maging isang taon kung magpapakatino siya.

SA BILANGGUAN ay nagpakatino si Esiong. Naging modelo siyang bilanggo. Tinuruan niya ang mga bilanggo ng pagkumpuni ng mga bagay na may kinalaman sa mechanical-electrical repairs – na isa sa mga proyekto ng pamahalaan upang kung upang maging abala ang mga bilanggo at magkaroon ng skill o trade.

Bilang pagkilala sa kanyang mga kabutihang ginawa at exemplary contributions ay binigyan si Esiong ng parangal.

Pinalaya na rin siya pagkalipas ng siyam na buwan na natapat pa naman na bisperas ng kapaskuhan.

SA KANYANG paglaya, na simula ng kanyang panibagong buhay, ay sinalubong siya ng kanyang asawa at anak, mga magulang, at ng kanyang dalawang kapatid na kauuwi lamang pagkatapos ng kanilang pagsisilbi ng isang taon bilang mga seaman sa isang cruiseship sa Meditarrenean. Naroon din ang isang kababayang reporter ng isang pangunahing pahayagan, na susulat ng kanyang kasaysayan.

SA KANILANG tahanan ay naghihintay ang isang masaganang noche buena. Sa radyo ay kinakanta ang “ANG PASKO AY SUMAPIT.” Pangko ni Esiong si Marlon tulad ng pagkakapangko ni Virgin Mary kay Baby Jesus. Mahigpit ang kapit ni Marlon sa leeg ng kanyang ama, mandi’y pagbawi sa lumipas na panahon.

Sagana sa katutubong pagkain ang ibabaw ng mesang kawayan: adobong laman ng baboy na may kaunting taba, inihaw ng hito, dalag na luto sa dilaw, pinalundagang liwalu, sinampalukang manok. Naroon din ang mga paboritong mga minatamis ni Esiong: suman sa lihiya, kalamay na may latik, bibingkang gawa sa purong ube.

Pagkatapos ng noche buena ay ibinigay kay Esiong ng kanyang mga magulang at mga kapatid ang isang malaking dilaw na envelope na naglalaman ng kanilang mga nakayanan upang kanyang gamitin sa pag-uumpisa ng kanyang pinangarap na mechanical-electrical repair shop.

Ang sorpresa ng gabing iyon ay nang ibigay kay Esiong ng kababayang reporter ang isa pang malaking dilaw na envelope na naglalaman nang malaki-laki rin namang halaga na kanyang nalikom sa dalawang fundraisers  na kanyang pinangunahan.

NATAYO ang “SECOND CHANCE MECHANICAL AND ELECTRICAL REPAIR SHOP.” Dinumog ito ng mga tao dahil sa kasaysayan ni Esiong na inilathala ng kababayang reporter sa pangunahing pahayagan. Naanyayahan din siyang maging panauhin sa isang pangunahing TV show, na ang ibinayad sa kanya ay  karagdagang pera sa pagbili ng mga makina na kanyang kailangan sa repair shop.

Natupad ANG PANGARAP NI ESIONG nang dahil sa kabutihan ng ilang nilalang.

WAKAS
 

Comments

 
Munting Nayon News Magazine


To receive Munting Nayon updates in your Facebook account, click the Like button in this box.

 
ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL
(KABANATA 3)  
Ni Rene Calalang

SAGAD na ang pagkakalulong ni Efren kay Elinn. Alam niya na hindi niya maiiwanan si Elinn.

Alam din ni...
ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL
(Kabanata 2)  
Ni Rene Calalang

SA PAGAMUTANG pinapasukan ni Efren ay dumating si Elinn, na isang registered nurse. Sa wikang panlalake, si Elinn ay bombshell....
ANG TUNAY NA PAGMAMAHAL
(Kabanata 1)
Sinulat ni Rene Calalang

IYO’Y isang masayang pag-iibigang nagsimula sa pamantasan at malungkot na nagwakas sa America.

Sa baryo Magiting sa bayang Malolos...
LEDESMA CLAN TO HOLD FIRST EVER GRAND FAMILY REUNION

Calling all LEDESMAs!

Come join and meet relatives at our first-ever grand family reunion to be held next year in...
More'THE MISTRESS' Set for showing on September 28 all over Canada

ANNOUNCEMENT:

An Olivia M. Lamansan film:

"THE MISTRESS"
Set for showing on September 28 all over Canada
for more detail, see poster...
It was Yuletide season, a good time for another family reunion in the Philippines.  We celebrated Christmas Eve at my brother Danny and his wife Cindy’s house.  Cindy’s sisters Annie and Bettina hosted Christmas lunch.  Our holiday meals were both delightful and generous.  It was time for some physical vacation activities.  Our destination – Coron in the province of Palawan. 

Coron is remote.  We took three modes of transportation to get there - by air, land and sea.  Our big family tour group flew from Manila to Busuanga Island just north of the island of Palawan, then rode two vans through hills and dirt roads, before taking two motor boats to reach our secluded vacation hideaway by the beach.  The skillful boatmen waded and pushed the two small crafts as we passed through shallow waters between mangroves. 
 
Experienced painters are often confronted with the problem of what to do with their early works whose originally unnoticed flaws have become more obvious with the passage of time.

Some professionals suggest the slash-and-burn option which consists in carrying out literally what the words mean. One should get rid of anything that could blot one's otherwise brilliant portfolio. Some artists already held in high esteem find this a sensible solution to avoid damage to their reputation or a plunge in their market-value. But, in this age when the dividing line between mediocrity and excellence in art appears to be non-existent, this suggestion seems extreme.

The majority, of course, recommend keeping them as is. One should not be ashamed of one's humble beginnings. If anything, early works are testaments to the artist's hard-fought struggles to achieve perfection or fitting preludes to a story with a happy ending. This is fine as long as one is willing to be reminded constantly of one's previous mistakes.
 
More`CON AMOR’ FOUNDATION B0ARD MEMBERS VISIT PROJECTS IN PHILIPPINES
By: Orquidia. Valenzuela,  as reported by Myrla Danao

Businessman Jaap van Dijke, chairman and two board members, Myrla Danao and Dr. John Deen of Con Amor...
MoreThe Philippine Independence Day Picnic of the Filipino Community in The Netherlands 1988 - 2008
Munting Nayon News Magazine

No other event in the Filipino community of The Netherlands can aptly be tagged as THE event of the year…more...
MoreRecord Breaking Attendance at the Philippine Independence Day Picnic
Spaarnwoude Recreation Park, Haarlem

The JUBILEUM PICNIC , in celebration of 110th Anniversary of Philippine Independence, was another great milestone of the Filipino community...
MoreAN INVITATION TO: LIZ HONEY PROMOTIONS & ENTERTAINMENT UPCOMING SHOWS

AIZA SEGUERRA
April 27, 2013
Ukranian Hall
Essendon-Vic-Australia ...
MoreFRIESLAND SWINGS in OPPENHUIZEN - THE NETHERLANDS

AN INVITATION TO A DINNER / DANCE

"FRIESLAND SWINGS in OPPENHUIZEN - THE NETHERLANDS"

WITH LIVE PERFORMANCE FEATURING RUTH GALURA
MAY 25, 2013

...
Filipino Canadian  Teachers Conduct Entrepreneurship and Exemplary Teaching Practices Seminar for Educators
By : Tony A. San Juan, OCT.
Toronto, Canada-
May 18, 2013
 
More
The Philippine Teachers Association of Canada ( PTAC), holds its 7th Professional  Development Seminar on May 12, 2013 at St. Clair Forest Hills Loblaws, Toronto. The 7-year old social-professional organization of Ontario- licenced & practicing teachers and former Philippine educators , fittingly and meaningfully celebrated Mother's Day with a professional improvement activity for Ontario current and upcoming teachers in partnership with Durham...
 
Munting Nayon News Magazine
 
Press Release
PARANGAL DANCE COMPANY in San Francisco Celebrates 35th Anniversary
By Eric Solano Creative Director Parangal Dance Company
Mon 20th May 2013
 
More
We celebrate the 35th Anniversary of the San Francisco Ethnic Dance Festival June 7 – 30 with a series of thrilling and inspiring performances honoring cultural legacies and highlighting the vibrancy of the Bay Area’s world dance community.


Named as the 2012 “Most Valuable Player” in dance by the San Francisco Chronicle, this year’s Festival features dances...
 
Munting Nayon News Magazine
 
APCO Gears Up for Freedom Ball 2013
By Amor Ramos
Liverpool-NSW-Australia
May 18, 2013
 
More
The Alliance of Philippine Community Organisations, Inc, rolls out its finishing touches for the annual Freedom Ball celebration to commemorate the 115th anniversary of the Philippine Independence.  This year’s grand event will be held on Monday 10th June (Queen’s Birthday Holiday) at the Grand Ballroom of the Renaissance Events Centre, 3 New St. East Lidcombe, NSW, from 4-11 pm....
 
Munting Nayon News Magazine
 
SECOND GENERATION SWISS-FILIPINOS HOLD WORKSHOP ON PHILIPPINE DANCES
Philippine Embassy-Berne
Fri 17th May 2013
 
More
15 May 2013 - The Philippine Embassy in Berne reported to the Department of Foreign Affairs that the Network of Independent Pinoys (Noi-P), an associationof second generation Swiss-Filipinos, held a dance workshop on Philippine dances in Zurich on May 04....
 
Munting Nayon News Magazine
 
FIRST EVER AMBASSADOR’S CUP IN BASKETBALL BRINGS TOGETHER BASKETBALL TEAMS FROM COMPANIES IN CHRISTCHURCH, NEW ZEALAND
Philippine Embassy – Wellington, NZ
Thu 16th May 2013
 
More
15 May 2013 - As tIn keeping with the efforts of the Philippine Embassy in Wellington continues to promote closer ties through sports among the Filipino community in New Zealand, Ambassador Virginia H. Benavidez and Ms. Delia Richards of the...
 
Munting Nayon News Magazine
 
Candidates for Miss Philippines Canada 2013 
Toronto-Canada
May 15. 2013
 
More
Alannah Sagici: Latin Dancer & Model
 


Alannah Sagici, a young student who is adept at Latin/Ballroom dancing and modeling, is a Miss Philippine Canada 2013 candidate. This fresh faced beauty was born in Toronto to Marilou...
 
Munting Nayon News Magazine
 
TIME, MONEY AND EFFORT  
by Jorge D. Lomboy  

Time is a very valuable thing we cannot afford to waste.  In today's gangrenous economy we can't afford...
MoreAPCO Inc. attends Italian Fiesta
By Richard Ford

A group of APCO Inc. members attended the Festa in Onore di Maria SS Della Strada on the...
MoreBEAUTY & BRAIN –
By Dindo Orbeso


A beauty from Leyte, Michelle Angelique Veloso, is one of the candidates in the Miss Philippines Canada...
MoreBert Monterona: Struggle Showcased at the Amelia Douglas Gallery
by Erie Maestro

New Westminster, B.C. – Philippine-born artist and Vancouver resident Bert Monterona opened his most recent art show at the Amelia...