KINABUKASAN ay headline sa mga pahayagan at prime time news sa mga radyo at television ang nangyari.
Sa isang bahagi ng pahayagan ay sinasabi na sa pag aakala ng mga maykapangyarihan ay may isang kasapakat na nakatakas, na ang nakatakas na ito ay ang
look out.
Hindi nila deretsahang matukoy na iyon ay si Esiong sapagkat wala naman silang sapat na katibayan.
May hinala ang mga taga baryo Magiting na iyon ay si Esiong. Ngayon ay iba na ang pagkakilala nila sa kanya. Sa kanilang palagay ay
big time na kriminal na siya. Ang mga pabirong pagtanggap ng mga ginagawa niya noon ay hindi na pabiro ngayon.
Nagsisimula na ring layuan ng mga tao si Esiong at ang kanyang pamilya. Tulad ng isang maysakit na nakahahawa ay iniiwasan nila sila, tila pinandidirihan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabahala si Esiong. Wala namang kasalanan ang kanyang maybahay at anak, na ang kanilang kasalanan lamang ay siya ang ama ni Marlon at siya ang asawa ni Rebecca. Sa kauna-unahang pagkakataon ay binagabag siya ng kanyang budhi. Nadama niya na ang nagaganap ay kanyang pananagutan, na ang lahat ay kanyang kasalanan.
LUMALAKI si Marlon at madalas ay nakikita ni Esiong na ito ay nalulungkot at nag-iisa. Sa pag-iisa nito ay lalong tumitindi ang kanyang pagkakaroon ng
guilty feeling.
Nagpasiya siya na alamin niya ang nagaganap.
Isang gabi, sa liwanag ng buwan sa duluhan na kanilang kapitbahay na may malaki at maluwag na bakuran ay naglalaro ang mga bata ng taguan. Naroon si Marlon ngunit hindi kasali.
Nagkubli si Esiong at nakinig.
“Sayi ako,” pautal na sabi ni Marlon sa kanyang mga kalaro.”
“Ayaw namin.”
“Bakit ayaw ninyo akong kayayo?”
“Sabi ng
daddy ko, Kuwan daw ang
daddy mo.”
“Ano ang
daddy ko?”
“Kinukuha daw ng
daddy mo iyong hindi naman sa kanya.”
“Sabi ng
daddy ko, hindi daw totoo iyon.”
“Kung hindi totoo, bakit daw ang
daddy mo, sabi ng
daddy ko, kinuha daw ng pulis.”
“Sabi ng
daddy ko, mayroon daw lang silang pinag-usapan.”
Hindi halos makapaniwala si Esiong sa kanyang narinig. Hindi niya alam, pero siya ay lumuluha. Nang dahil sa kanya ay isang musmos na kaluluwa ang nagdurusa.
Lumaki siya sa paggawa ng mga kalokohan ngunit hindi niya pinansin kung ano man ang iniisip ng mga tao sa kanya. Wala siyang pakialam kung gusto man siya ng mga tao o hindi.
Ngunit ngayon ay iba na. Sa sakit na nadarama ng kanyang anak ay mas matindi ang hapdi ang kanyang nararamdaman. Noon ay wala siyang pangarap, ngunit ngayon ay may pangarap na siya.
Kinagabihan ay hindi siya makatulog. Maliwanag ang buwan na nagbibigay ilaw sa isang malungkot na gabi. May mangilan ngilan pang alitaptap na lumilipad.
Bumangon siya at lumabas. Nanigarilyo siya. Pahigop na hihitit niya ang sigarilyo. Binuga niya ang usok ng sigarilyo. Tumingala siya at minasdan ang mga bituin sa langit.
Sinundan siya ni Rebecca. Yumakap sa kanya si Rebecca, mandiy naghihintay na sabihin sa kanya ang katotohanan.
Tinapon niya ang sigarilyo. Tinapakan niya ang upos. “Alam mo ba na ito ang pinakahuling sigarilyong hihititin ko. “Ayokong maging masamang halimbawa ako kay Marlon.
“Ano pa?”
Mabilis ang kanyang pagsagot. Ipinagtapat niya ang nangyari “Magbabago na ako…magbabagong buhay.”
“Paano mo gagawin iyon…?”
Mabilis na muli ang kanyang pagsagot, mandi’y handa na siya sa alam niyang itatanong ni Rebecca, “Bilang simula ay kailangang pagdusahan ko ang aking mga kasalanan. Kung hindi man lahat ay iyong pinakagrabe.”
Alam ni Rebecca ang tinutukoy ni Esiong. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ni Esiong. Tumutulo ang luha ni Rebecca.
KASAMA si Rebecca ay pinulong ni Esiong ang kanyang mga magulang. Ipinagtapat niya ang katotohanan.
“Alam namin iyon,” sang-ayon ng kanyang mga magulang.
“Gusto ko nang magbago. Ano ang maipapayo ninyo na dapat gawin ko, bilang pasimula?”
Matagal na katahimikan at palitan ng mga kuro-kuro. Pagkuway nabuo ang isang pasiya, “Kailangang sumuko ka at pagdusahan ang iyong mga kasalanan,” sabi ng kanyang ama.
“Kung susuko ako, iyo’y nangangahulugan na mabibilanggo ako.”
“Kung iyon ang kinakailangan ay gawin mo,” sabi ng kanyang ina.
SUMUKO si Esiong. Ipinaliwanag niya na ang dahilan ng kanyang pagsuko ay upang magbagong buhay. Dhil sa
look out lamang siya at walang
direct participation,” ang sakdal lamang sa kanya ay
“accessory to the crime.
”
IYO’Y isang paglilitis na salat sa lahat ng mga bagay na karaniwang sangkap sa isang paglilitis - gaya ng kawalan ng abogado ni Esiong.
Pagkuway binasa ng
court clerk ang habla kay Esiong.
Tumayo si Esiong. “GUILTY, YOUR HONOR.”
“Nasaan ang abogado mo?” tanong ng hukom.
“Wala po akong abogado.”
“Bakit wala kang abogado?”
“Hindi ko po kayang magbayad ng abogado.”
Kumunot ang noo ng hukom. “Alam mo ba na kapag nag
plead guilty ka ay mabibilanggo ka at magkakaroon ka ng
criminal record.”
“Alam ko po iyon.’
“Kung alam mo ay bakit hindi mo ilaban ang iyong kaso.”
“Gusto ko pong pagdusahan ang kasalanan ko.”
Naantig ang puso ng hukom. Hinatulan niya si Esiong ng labingwalong buwang pagkabilanggo, na maaring maging isang taon kung magpapakatino siya.
SA BILANGGUAN ay nagpakatino si Esiong. Naging modelo siyang bilanggo. Tinuruan niya ang mga bilanggo ng pagkumpuni ng mga bagay na may kinalaman sa
mechanical-electrical repairs – na isa sa mga proyekto ng pamahalaan upang kung upang maging abala ang mga bilanggo at magkaroon ng
skill o trade.
Bilang pagkilala sa kanyang mga kabutihang ginawa at
exemplary contributions ay binigyan si Esiong ng parangal.
Pinalaya na rin siya pagkalipas ng siyam na buwan na natapat pa naman na bisperas ng kapaskuhan.
SA KANYANG paglaya, na simula ng kanyang panibagong buhay, ay sinalubong siya ng kanyang asawa at anak, mga magulang, at ng kanyang dalawang kapatid na kauuwi lamang pagkatapos ng kanilang pagsisilbi ng isang taon bilang mga
seaman sa isang
cruiseship sa Meditarrenean. Naroon din ang isang kababayang
reporter ng isang pangunahing pahayagan, na susulat ng kanyang kasaysayan.
SA KANILANG tahanan ay naghihintay ang isang masaganang noche buena. Sa radyo ay kinakanta ang “ANG PASKO AY SUMAPIT.” Pangko ni Esiong si Marlon tulad ng pagkakapangko ni Virgin Mary kay Baby Jesus. Mahigpit ang kapit ni Marlon sa leeg ng kanyang ama, mandi’y pagbawi sa lumipas na panahon.
Sagana sa katutubong pagkain ang ibabaw ng mesang kawayan: adobong laman ng baboy na may kaunting taba, inihaw ng hito, dalag na luto sa dilaw, pinalundagang liwalu, sinampalukang manok. Naroon din ang mga paboritong mga minatamis ni Esiong: suman sa lihiya, kalamay na may latik, bibingkang gawa sa purong ube.
Pagkatapos ng noche buena ay ibinigay kay Esiong ng kanyang mga magulang at mga kapatid ang isang malaking dilaw na envelope na naglalaman ng kanilang mga nakayanan upang kanyang gamitin sa pag-uumpisa ng kanyang pinangarap na
mechanical-electrical repair shop.
Ang sorpresa ng gabing iyon ay nang ibigay kay Esiong ng kababayang
reporter ang isa pang malaking dilaw na
envelope na naglalaman nang malaki-laki rin namang halaga na kanyang nalikom sa dalawang
fundraisers na kanyang pinangunahan.
NATAYO ang “SECOND CHANCE MECHANICAL AND ELECTRICAL REPAIR SHOP.” Dinumog ito ng mga tao dahil sa kasaysayan ni Esiong na inilathala ng kababayang
reporter sa pangunahing pahayagan. Naanyayahan din siyang maging panauhin sa isang pangunahing
TV show, na ang ibinayad sa kanya ay karagdagang pera sa pagbili ng mga makina na kanyang kailangan sa
repair shop.
Natupad ANG PANGARAP NI ESIONG nang dahil sa kabutihan ng ilang nilalang.
WAKAS