Isang Pinay domestic helper sa Paris ang mapalad na mapiling Asian domestic helper sa pelikula na pinagbidahan ng French International actress Sophie Marceau at ang sikat na French Comedian Gad Elmaleh.

Dina and Sophie Marceau
Ayon kay Dina Nietes Capistrano, 52 taong gulang na tubong Bicol region, isang malaking karangalan daw na siya ay mapili sa halos mahigit 500 pumasok sa casting. Nangyari daw ito noong nakatanggap ang kanyang amo na email upang siya daw ay ipagpaalam na kukuning artista sa pelikulang ”UN BONHEUR N'ARRIVE JAMAIS SEUL” (HAPPINESS NEVER COMES ALONE). Sampung araw ang ginugol ni Dina sa mahigit dalawang buwan na shooting.
Graduate si Dina ng Communication Arts at bago siya nagtrbaho sa ibang bansa ay dati siyang leg woman sa isang agency sa Pilipinas, na ayon sa kanya "noon ako ang sumusundo at nagdadala sa mga artista, pero dito sa Paris ako ang sinusundo para sa shooting namin".
Nai-kuwento din niya ang pagtatrabaho sa Saudi Arabia at nang isama siya sa Paris ng kanyang amo ay nagkaroon siya ng pagkakataon na tumakas at sa Paris nag TNT siya ng sampung taon. Nasubukan din daw niya na ma-controlled ng awtoridad noong 2003 at pagkatapos ng interrogation ay pinalaya din siya.
Ibinahagi din ni Dina ang kanyang magagandang karanasan sa pagso-shooting nila ni Sophie Marceau, na napakabait at very supportive sa kanya, maging si Gad Elmaleh daw napabilib sa kanya at sinabihan pa siya na
“Dina, you’re an actress”, Maging ang kanilang director na si James Huth, ay napapabilib niya dahil nagagawa daw niyang mag acting na wala sa script kahit siya ay hindi dumaan sa training. Nakakapgasalita daw siya ng Tagalog sa rule niya na Nanny ng mga anak ni Sophie Marceau sa pelikula. At higit sa lahat napakadali din daw niyang na-memorized ang kanyang script.
Maging ang mga child actor at actress ay na-attached na rin sa kanya, kaya kahit off the camera daw ay "Nana" (pangalan ni Dina sa pelikula) na rin tawag sa kanya.
Sa loob ng sampung araw ay kumita si Dina ng limang libong euros (275,000 Pesos). Ang kanyang kinita daw ay malaking tulong para pambayad nang kanyang utang at ang natira daw ay para sa kanyang mga anak sa Pilipinas.
Nakatulong din daw ng malaki ang pagkuha sa kanya ng Film Production Agency dahil siya ay pinagkalooban ng Permit to Stay na titulado sa pagtatrabaho ng Prefecture de Police. At pagkalipas nga ng sampung taon ay makakapag-bakasyon na siya Pilipinas upang makapiling ang kanyang dalawang anak na noon ay 10 at 9 na taon gulang pa lamang nang kanyang naiwan.
Sa ngayon ay may hawak siyang Health Care sa France na ang kanyang profession ay Comedian. At nangako ang kanyang Agency na sa tuwing kakailanganing cast or extra sa mga French film ay priority daw siya.
Ang isang magandang natutunan daw niya ay hindi hadlang ang pagiging Pinay Domestic Helper dahil kahit sa totoong buhay at mapa-pelikula ay hinahangaan ang kalidad ng Pinay DH.