Scarborough, Ontario
February 12, 2012
Sa hanay ng mga Pilipinong nangibang bansa at nag-asawa nang ibang lahi, isa si Cosme sa mga hindi pinalad.
Ang kanilang pagsasama, pagkatapos ng labingwalong taon ay nagwakas sa
divorce.
Tatlumpu at siyam na taong gulang na siya ng mag-asawa, at ang kanyang napangasawa, na si Beverly Jones, na isang Irish, ay tatlumpu at apat. Wala silang naging anak, kaya masasabing sa kanilang katayuan, ang maghiwalay ay hindi problema. Mapayapa ang kanilang paghihiwalay, at sila, pagkatapos ng
divorce ay naging magkaibigan pa rin, na siyang dapat.
Munting Nayon News Magazine