Omar Gabrito
Omar Gabrito
Riyadh, Saudi Arabia
September 6, 2009
 
 
Earliest First

E-Gate Cards Makakatulong sa mga Nagbibiyahe
Sun 27th June 2010
Riyadh, Saudi Arabia
 

Omar Gabrito
Ang bagong Electronic Cards o ang sinasabing e-Gate Cards
na malapit ng ipatupad ng immigration dito sa Saudi Arabia ay magbibigay ng mabilisang tulong para mahinto na ang napakahabang pela sa counter kung kayo ay uuwi at babalik dito.

Ayon sa report, "Passengers are not required to wait in a queue to get their passports and stamped if they use e-Gate Cards" ang pag puproseso ay napaka dali at semple. Maaring i swipe lamang ang card at i-touch ang panel para mag match ang inyong fingerprint at sa loob ng 10 segundo ay matatapos ang proseso, sabi ng opisyal sa King Khaled International Airport dito sa Riyadh.

Ang e-Card ay maibibigay sa mga traveler kasama ang kanilang litrato doon sa paliparan o maaring bumisita sa Registration Center sa Gate 2 King Khalid International Airport kung saan ang mga opisyal ng passport ay susuriin ang inyong mga papeles at ibang pagkakilanlan at ito ay i fefeed sa biometric machine kasama ang inyong fingerprints.

Matatandaan po natin noon na lahat na mga expatriates dito sa Saudi Arabia ay sumailalim sa sinasabing "eye scanning at fingerprints" kung saan ang lahat na pagkakakilanlan ng mga expats gaya ng mga Pinoy ay ipinapasok sa kanilang database para kung sakali mang may mga problema ay madaling ma search sa computer.

 
Buhay OFW's Kay Hirap Isipin
June 27, 2010
Riyadh, Saudi Arabia
 

Omar Gabrito
Buhay OFW’s Kay Hirap Isipin
Hindi ako makapagsalita o maka sulat agad dahil sa mga nababasa ko sa pahayagan at napapanood sa mga television tungkol sa mga nangyayari- Buhay OFW’s kay hirap isipin.

Hindi pa tapos ang kasiyahan dito sa Riyadh dahil sa isinasagawang pagdiriwang ng mga Pilipino sa Araw ng Kasarinlan ay may umusbong na namang balita na ito ay hindi pa malaman ang mga pangyayari.

Dito sa Saudi Arabia na lamang ay napa-headlines sa mga usap usapan ang mga kalagayan ng ating mga kababayan na sinasabing ikatlong kasarian kung tawagin nila. Kung saan ay iniisip nila na sila ay apektado sa mga hukos-pukos ng mga kababayan na bawal daw dito ang ganyang kasarian. Napabalita sa Jeddah na walo ang ipinagdadampot ng mga awtoridad sa hindi pa malamang dahilan at nakakulong sa Briman ayon sa report.

“Hindi natin bansa ito, tayo ay bisita lamang kaya dapat lamang na irespeto natin ang mga alituntunin dito,” pahayag ni Consul Leo Tito Ausan Jr.

Dahil diyan ay mahirap na, sabi ng isang OFW. Nararapat lamang na umaya sa sarili at gumawa ng mga mabubuting bagay na hindi lumabag sa kultura at batas ng host country. Hindi nagkulang ang ating mga magulang at tauhan ng Embahada na magbigay ng mga paalala sa ating mga kababayan.

Napapansin na noon ay may mga Pinoy dito na kung umastig sa sarili ay kanila ang mundo. Walang pakialam sa sarili. Pero ngayon ay medyo nagbabago ang ihip ng panahon at sumusunod na sila. Gaya ng dati ay mahaba ang buhok pero ngayon ay iba na at hugis mga guapo na sila at hindi magaganda.

Pero sa ibang dako na hindi nila matanggap noon na pilit gumagawa parin ng mga hindi dapat gawin ng isang lalake ay ang pagbubunot ng kilay o one line at papalitan ng guhit lapis, pagpapaputi ng mga mukha, pag inom ng mga gamot para lumaki ang dibdib, pananamit, pagkilos at pananalita na ito ay bawal dito sa Kaharian.

Parang sobra na yata ito, na noon dito sa Riyadh ay napabalita rin na may pinagdadampot sa loob ng esteraha (cottage) ng mahigit saisentang Pinoy kung saan ayon sa report ay mga bading.

Samantala itong nakalipas na lingo ay may mga report at bali-balita sa mga webs at komentaryo ng ating mga kababayan na may nakitang putol-putol na parte ng katawan sa pamilihang Pinoy dito sa Riyadh at ito ay pinaghihinalaang isang Pinoy.

Sa mga pangyayari ay hindi naman nag atubiling kumilos ang mga tauhan ng Embahada para makipag ugnayan sa mga awtoridad . Ayon kay Vice Consul Roussel Reyes, assistant head ng Assistance to the National Section ng Philippine Embassy ay nailapit na sa kanilang tanggapan ang problema.

“Reyes said they are now coordinating with the local police, but expressed doubts they would get information about the incident soon. “Usually, police authorities here do not reveal anything unless they have all the evidence they need," he said.”

Marami na ang ganitong mga balitang putol-putol na katawan noon 2006 ay natagpuan din ang katawan ng tatlong Pinoy na nakabalot sa plastic bag sa Jeddah. Noong 2008 sa Riyadh ay natagpuan din ang putol-putol na katawan ni Mitchel Joseph Montecino sa mga basurahan. Noong 2009 ay sa lugar ng Al Khobar na kung saan mag asawa rin ang sangkot dito.

Bakit ba na nanaig sa ating mga sarili ang ganitong klasing situwasyon? ang pagkapuot sa sariling igkasi Pinoy dahil sa mga problemang dinadala at sa isipang hindi na itong mabigyan ng kalutasan? Marahil oras na para mag muni-muni at magbago sa ating mga sarili na ituwid ang kamalian, at humingi ng gabay sa Diyos sa araw-araw na ating ginagawa.

Alam ko at alam nyo rin na mahirap ang mapawalay sa ating mga pamilya- nariyan yong sinasabing “unfaithfulness on either or both sides, double families, neglect of families, separation, homesickness.

Napakaraming bagay-bagay ang dapat ding tanawin bago pumalaot sa ibang bansa at maging OFW- ang mahalaga siguro ay matoto tayo na irespeto ang ating mga sarili at magkaroon ng self-control, igalang ang mga alituntunin ng host country at huwag makalimot sa Itaas, ang Dakilang taga-Gabay.

Ngunit sa kabila ng mga hinagpis, pagtitis na mawalay ay may mga nangyayaring tukso sa paligid ng mundo. Hindi natin ma ipagkaila sa mga OFW na marami ang may mga kinakaibigan at malalaman nalang natin na sila ay may mga asawa sa Pilipinas. Kaya minsan ito ay nabubuking at umaabot sa Pilipinas ang mga nangyayaring ganito na ito ay humahantong sa hiwalayan ng mag asawa. Ilan lang yan sa kasiyahan sa likod ay kabayaran ng kalungkutan.

Ang pag tatrabaho sa ibang bansa ay hindi habang buhay kaya samantalahin ang mabuting kinabukasan sa pamamgitan ng pag lagak ng pera sa banko o maglakay ng pagkakakitaan habang si mister ay naririto. Gumawa ng mga kaparaan upang hindi mangyari na sa bandang huli ay luhaan at mag dildil ng asin.

Tanggapin natin na mahirap mag ipon ng salapi. Sa tuwing araw ng sweldo ay hindi panatin nakukuha ang pera ay ito ay nakalaan na sa ibang tao para ibayad. Ang payo ng mga expert ay “huwag gumastos ng lampas sa kinikita para hindi magka-utang” i-budget at gumawa ng listahan sa araw-araw na kailangan.

Ang buhay ng OFWs ay hindi madaling tanggapin. Napakaraming mga pagsubok para malampasan ang buhay ng nag-iisa sa ibayong dagat. Nariyan yong situwasyon na sila ay nagiging mature ika nga ang pag-iisip, nagiging wise, malakas at independent. Yong iba ay natototo sa gawaing bahay, wala ang mga magulang o asawa sa kanilang peleng at ka launan ay maiisip na parang kaydali ng panahon. At pagkalipas ng dalawang taon ay uuwi si mister ng masaya at sinasalubong ng mga kaanak sa paliparan ng dala ang buong kaanak. Ang sarap ng buhay kung si kabayan ay uuwi sa Pilipinas na dala ang kaligayahan na hindi naipadama sa luob ng dalawang taon.

 
Omar Gabrito
Tue 22nd June 2010
Riyadh, Saudi Arabia
 

Neribe Doloricon Umawit ng “The Climb” sa Konsyerto

Bilang paggunita sa ika-112thna Anibersaryo ng “Kalayaan ng Pilipinas” ay isang malaking handog ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at Asosasyon ng mga Pilipinong Mang-Aawit (APM) ang ipinamalas na kasiyahan sa ating mga kababayan ang “ Konsyerto ng Kalayaan” na ginanap sa Liwasang Bonifacio, Philippine Embassy, Riyadh, kahapon, Hunyo 17, 2010 mula ika-6 ng gabi hanggang ika-10 ng gabi.

Ang programa ay pinangunahan ni HE Ambassador Antonio P. Villamor bilang guest Speaker na ipinakilala ng ating magiting na Cultural Attache Madame Rosario G. Malicse.
Ang mga performers ay sina Kimverlie Molina, WCOPA Senior Grand Champion Vocalist of the World at Gold Medalist sa Vocal Category sa Amerika noong 2009. Kervin Dy Sawyer, Pinoy Pop Superstar World Challenge Champion, Saudi Arabia. Raymund Sabinay Ruben, Pop Icon Grand Champion 2009. Neribe Doloricon, Pop Icon Grand champion 2010. Kenneth Dy Sawyer, Pop Icon Grand Finalist 2009.

Kasama ang ilan sa mga miyembro ng Asosasyon ng mga Pilipinong Mang-Aawit (APM) na sina Dennis Belo, Shericah Lacambra, Emmanuel Ibale, Jiemar Kiunisala, John Cordero, Pia Paulican, Rosette Mata , APM Dancers at marami pang iba.

Inawit nina Emmanuel, Dennis, Jiemar at Jhon ang “Pinoy Ako” kasama ang APM Dancers at sinundan ng “Pagsubok” kung saan ito ay ipinadama ng mga tagapanuod ang kanilang pagtanggap ng masigabong palakpakan.
Sumunod si Neribe Doloricon, Pop Icon Grand Champion 2010 sa kanyang “The Climb” na kitang-kita ang husay sa pag-awit; buo ang boses, makinang, klaro ang diction, hindi masakit sa tainga, stage presence, may charisma at gusto ng mga Pinoy at foreign guests na marinig mapa-english at tagalog ay nabibigyan niya ng magandang interpretasyon ang kanta, karagdagang pahayag ng isang OFW. Masigabong palakpakan ng mga tagapanuod ang ipinakita pagkatapos niyang kumanta.

Si Neribe, 14 taong gulang ay “gustong-gusto ng mga ibang lahi na mag-perform dahil siya ay mataas ang charisma” sabi ng isang tagapanuod. Katunayan sa katatapos na fashion show sa Four Season Hotel kung saan ay mga Prinsesa ang dumalo ay sinalubong din siya ng malakas na pagtanggap at sinabihan siya ng isang tagapanuod na “You’re amazing.. very big voice.”

At narito ang iba pang mga sinasabi ng mga fans ni Neribe:
“ Thanks Neribe Doloricon for that amazing performance at the Four Season Hotel, you make us proud with your 3 songs on stage...” sabi ni Mr. Nilan Lozada, organizer.

Sabi ni Joseph Gonzales ay “You made APM very proud, pinatunayan mo ulit na you deserved to be the champion. Your performance was applauded at sinasabayan ng mga tao as you sing THE CLIMB...... galing mo talaga IDOL.” …. champion ka talaga, napabilib mo ang mga foreign guests na ininvite ko. Keep it up…malayo ang mararating mo.”

Ninoy Dabalos “magaling na bata si Neribe, congrats sa Asosasyon ng mga Pilipinong Mang_aawit (APM).

Ang ganda ng boses, at sexy ni neribe... tunay na icon, dagdag pa ni Mark Moraga.

Ang Konsyerto ay dinaluhan ng mga Overseas Filipino Workers, mga guro at mag-aaral, Filipino leaders/community at ibang mga foreign guests.
Dumalo rin ang sikat na actress na si Ms. Boots Anson Roa at Mr. Nestor Torre, tanyag na manunulat, editor, kolumnista, scriptwriter, teacher, actor at director ng mga Pilipino films upang makiisa sa ika-112th Anibersaryo ng “Kalayaan ng Pilipinas.”

Sa pangangasiwa ni Assistant Labor Attache Wally Villazor.

Nakatakda rin dumalo sa Riyadh Palace Hotel si Neribe sadaritng na pagtitipon ng mga Filipino Communnity sa Hunyo 25 upang siya ay magbigay ng mga awiting Pilipino.

 
Omar Gabrito
Tue 22nd June 2010
Riyadh, Saudi Arabia
 

Thank you Miss Neribe Doloricon for winning the Pop Icon Season 3 in Saudi Arabia. We proud of you. Likewise for the recent "Konsyerto ng Kalayaan 2010" really it's an amazing performance that we could not forget. Yes, ended touches the hearts of the Filipinos here. You are the most talented Filipina in Saudi Arabia.
Thank you Sir Eddie for your wonderful support.

 
Omar Gabrito
Tue 22nd June 2010
Riyadh, Saudi Arabia
 

Omar Gabrito
Ako po ay bumabati kay Sir Eddie Flores,sa pamunuan ng Munting Nayon, sa inyong lahat na bumubuo nito sa kanilang walang sawang pagtulong sa ating mga kababayan, lalo na sa aming mga Overseas Filipino Workers (OFW's) dito sa Gitnang Silangan. Sa pamamagitan ng inyong pagbibigay ng libreng mga balita ayon sa mga kaganapan sa ibat ibang dako ng Mundo kami po ay sumasaludo.
Hangad po namin ang inyong malawig na serbisyong Pilipino, ngayon at magpakailan pa man.
Mabuhay po tayong lahat!
Salamat po
Gumagalang,
Omar Gabrito

 
 
Munting Nayon News Magazine




To receive Munting Nayon updates in your Facebook account, click the Like button in this box.

 
Press Release  
OFW returnees receive livelihood assistance
By Freshelle Ruelos / Sara Jane delos Santos
Olongapo City Public Affairs Office
May 16, 2012
 
More
Olongapo City –Another batch of OFW returnees each received P10,000 livelihood assistance from the National Reintegration Center for OFW (NRCO).

The Olongapo City Public Employment Service Office (PESO), the Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) Region III office  and the Department of Labor and Employment (DOLE) turned over the cash grants to the five OFW returnees, namely: Ronald...
 
Munting Nayon News Magazine
 
Cairns: A Fishing Paradise Waiting To Be Discovered
By John Anderson
Queensland-Australia
May 16, 2012
 
More
The city named after William Wellington Cairns, the then current Governor of Queensland, the provincial city is situated in Far North Queensland. The tropical climate attracts several tourists to Cairns- also known as the gateway of the Great Barrier Reef....
 
Munting Nayon News Magazine
 
An Invitation to the Celebration of 114th proclamation of Philippine Independence
Thu 17th May 2012
 
More
Date: 17 June 2012, Sunday
09.30 – 19.00
Venue: Belfort,
Markt 7, 8000 Brugge
Belgium

For more detailed info, please don’t hesitate to contact

Ms. Minabelle Vanantwerpen-Siason, PIC2012-Coordinator
Blauwvoetstraat 12, 8700 Tielt, Belgium
+32(0)476-371677 +32(0)51-405319
cofaf1@gmail.com...
 
Munting Nayon News Magazine
 
MoreEUROPE MIGRANTS JOIN FORCES TO FIGHT FOR MIGRANT AND REFUGEE RIGHTS  
Migrante Europe (IMA Europe Section)

“Strenthen our ranks and struggle”, with these words echoing, more than 100 migrants and refugees representing mass organizations from...
MoreTOASTMASTERS ANNUAL DIVISION JOINT CONFERENCE HELD IN SAUDI ARABIA  
By Domingo P. Herras

“RIYADH DIVISIONS: TOGETHER AS ONE”
 
RIYADH – A conglomeration of some 28-31 Toastmasters International individual clubs in the Central...
ANG PANGARAP NI ESIONG
Kabanata 1
Ni Rene Calalang

MASASABING kung ang isang tao ay ipinanganak na may angking katangian, si Esiong ay isang ganap na halimbawa,...
More1ST EUROPEAN ALL-PINAYS VOLLEYBALL TOURNAMENT

JUNE 16, 2012 (Saturday)

Venue:  Sporthal Waterwijk

Ijsselmeerweg 48 – ALMERE

The Netherlands

Organiser: FLEVOPINOYS...