Retiree's Square Corner
KASABIHANG FILIPINO SERIES NO. 12
BATO-BATO SA LANGIT, TAMAAN HUWAG MAGAGALIT
Tue 17th January 2012
 
Ang kasabihang ito ay naging pangalan ng isang programa sa radyo maraming taon na ang nakalilipas.  Ang tema ng programa ay tungkol sa opinyon ng komentarista na kung minsan ay may pinatutungkulan o may nasasagasaan.  Sa umpisa ng programa at sa pagwawakas nito ay pinaaalalahanan ng radyo announcer ang mga nakikinig  na kung  may tamaan mang tao o natutukoy na mamamayan, ang lahat ng ito ay hindi sinasadya, nagkataon lamang at sadyang hinihingi lamang ng pangyayari.  Dito ay wala siyang intensiyon na makasakit o pansariling layunin.
 
Munting Nayon News Magazine
 
 
KASABIHANG FILIPINO SERIES NO. 11  
KAPAG MAY ITINANIM, MAY AANIHIN
 Toronto, Ontario, Canada; San Jose Hagonoy, Bulacan, Philippines  
Thu 15th December 2011
 
Ito ay may marami pang kahawig na kasabihan tulad ng : 
a)  KAPAG HANGIN ANG ITINANIM, BAGYO ANG AANIHIN;
b) AKO ANG NAGTANIM, UMANI AKO RIN, AKO ANG NAGSA-ING, IBA ANG KUMAIN ; 
c)  KAPAG MAY TIYAGA, MAY NILAGA. 
 
 Kapag ikaw ay nagtanim ng binhing palay, pagdating ng takdang panahon, ikaw ay may  palay na magagapas para gagawing bigas o binhi na para magamit sa susunod na taniman.
 
Munting Nayon News Magazine
 
 
KASABIHANG FILIPINO SERIES NO. 10
ANG SAKIT NG KALINGKINGAN, DAMDAM NG BUONG KATAWAN
Hagonoy, Bulacan; Toronto, Ontario, Canada
Mon 28th November 2011
 
Alam natin kung ano ang kalingkingan.  Ito ay ang pinakamaliit na daliri sa ating kamay. Ito ang pinakawalang halaga sa limang mga daliri at kung mayroon man ito ay kadalasan ay maruming gawain tulad ng pangkuha ng dumi o kulangot sa ilong, pang-alis ng tutuli sa tainga.  Ang kalingkingan ay siya ring pinakamahina. Ang wika nga ng tao kapag ang isang bagay ay kayang bitbitin ng kalingkingan, ito bagay na ito ay napakagaan at pipitsugin lamang at kayang dalahin ng ibang mga daliri at maari pang dagdagan ng bigat.
 
Munting Nayon News Magazine
 
 
KASABIHANG FILIPINO SERIES NO. 9  
ANG HINDI LUMINGON SA PINANGGALINGAN, HINDI MAKAKARATING SA PAROROONAN
 Toronto, Ontario, Canada      Hagonoy, Bulacan, Philippines
Wed 19th October 2011
 
Ang kasabihang ito ay isa sa pinakapopular sa mga Filipino at bukang bibig ng marami.  Ang salitang lumingon sa kasabihang ito ay hindi tinutukoy ang literal na
tumingin patalikod upang tingnan ang pinanggalingan kundi  ang tunay na kahulugang tumingin ng utang- na -loob. Ang salitang utang-na-loob ay nasa psyche ng Filipino, pangalawa lamang sa " bahala na " at  kahanay ng " bukas na lamang o saka na lamang ". Ang mga Filipino ay kilala sa pagtanaw ng utang na loob. Ang nagbigay ng pabor ay umaasa ng pasasalamatat at sa kabilang banda naman ang binigyan ng pabor ay inaasahan  ding magsusukli ng pasasalamat. 
 
Munting Nayon News Magazine
 
 
KASABIHANG FILIPINO SERIES NO. 8
ANG LUMAKAD NG MATULIN, MATINIK MALALIM. ANG LUMAKAD NG MARAHAN, MATINIK MABABAW
Hagonoy, Bulacan, Philippines Toronto , Ontario, Canada
Wed 21st September 2011
 
Ang kasabihan na ito ay angkop na angkop at sinusunod noong unang panahon ng mga kastila.  Ang mga tao noon ay karamihan ay walang suot na sapin sa paa.  Nakatapak lamamg sila, lalo na ang mga taga-barrio , taga-bukid at mga mangingisda.  Sa kalsada na dinaraanan ng mga tao ay karanuiwan ay may nagkalat na  tinik, siit ng kawayan, matatalim na batute o matutulis na bagay at layak. Bibihira ang mga sasakyang kabayo o kalabaw, karwahe, karomata o karatela. Mayroon din namang gumagamit ng bangka. Kaya naglalakad lamang ang maraming tao sa kalsada at pampang  papunta sa kanilang paroroonan. 
 
 
Munting Nayon News Magazine
 
 
PAGKAHABA-HABA MAN DAW NG PRUSISYON, SA SIMBAHAN DIN ANG TULOY
Sinulat ni: Sir Ven Del Pilar Faundo, KCR
Tue 30th August 2011


Ang kasabihang ito ay nagpapakilala na ang mga Filipino ay makakristiyanong bansa.  Ang prusisyon ay isang malaking bahagi...
ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA, MAHIGIT SA HAYOP AT MALANSANG ISDA, KAYA ANG MARAPAT PAGYAMANING KUSA, NA TULAD SA INANG TUNAY NA NAGPALA
Sinulat ni: Ven Del Pilar Faundo, KCR
Fri 22nd July 2011


 
Ito ay bahagi o taludtod ng tulang may pamagat na " Sa Aking Mga Kababata "...
THE  SENSE OF HUMOR  OF NATIONAL HERO, DR. JOSE P. RIZAL  
By:  Sir Ven Del Pilar Faundo, KCR
Wed 1st June 2011


 
In celebration of the 150th birthday of national hero Dr. Jose P. Rizal, I am attempting...
ANG MAKINIG SA SABI-SABI, WALANG BAIT SA SARILE
Sinulat in Ven del Pilar Faundo, KCR
Wed 1st June 2011


Ang kasabihan na ito ay nagpapakilala sa katauhan ng isang tumatanggap ng sabi at ng taong pinagmumulan ng...
KAPAG MAY ISINUKSOK, MAY TITINGALAIN
Sinulat ni: Ven Del Pilar Faundo
Thu 28th April 2011


 Itong kasabihang ito ay medyo matalinghaga kaya marami ang hindi nakaka-unawa ng  kahulugan nito.
 
Noong...
 
Munting Nayon News Magazine


To receive Munting Nayon updates in your Facebook account, click the Like button in this box.

 
 
Retiree's Square Corner
Ven Del Pilar Faundo
Canada
September 22, 2009
 
Click to enlarge image.
 
Ven Del Pilar Faundo
 
About the Author:

Full name is Venancio Del Pilar Faundo. Went to Hagonoy Elementary School, to San Jose Seminary for high school. Graduated with Bachelor of Science in Electrical engineering from Mapua in 1965 and passed board the same year.

Taught in Hagonoy Institue HighSchool and worked at US Naval Base in Design Div from 1967 till immigration to Canada in1976. Retired from Bombardier Aerospace in 2006.

Married to Winnie Pedagat and have three children. Hobby is bowling, golf and mahjong.

Present residence is Scarborough, Ontario, Canada.
 
 
Related
Read this related article.
March 16, 2009
 
 
Munting Nayon News Magazine