

Scarborough, Ontario
SA tunay na kahulugan, siya’y hindi ko Ate. Ang tatang ko at ang Inang niya ay magpinsang buo, samakatuwid kami ay magpinsang makalawa. Ngunit sa panahon nang mahigpit na pangangailangan na dulot nang nakagugumong kahirapan ang mga magkakamag-anak ay nagkakalapit-lapit. Sa kalagayang ito lalabas kung sino ang may ginintuang puso at may damdaming dalisay.
Dito ko naging Ate si Ate Consuela.
Maaga akong naulila sa Ama. Pitong taon lamang. Namatay ang aking Tatang sa isang malaki at malagim na sakuna.
Ayon sa balita ang tatang ko ay isang magaling at mahusay na mangangalakal. Mayroon siyang dalawang malalaking trak na pambiyahe ng kung anu ano. Isang araw siya’y nagbiyahe ng kung anu anong paninda at sa pagbibiyahing ito siya ay nakasama sa nasabing sakuna.
Patay na si Tatang nang iuwi sa amin. Nakalagay na sa isang itim at makintab na ataol ng isang puneraryang kulay itim na ang nagmamaneho ay naka-uniporme ng puting pang-itaas at itim na pantalon.
Balita sa kabaitan at katapangan ang aking Tatang. Balita rin siya sa kabaitan sa mga pamangkin na anak ng kaniyang mga kapatid at sa mga pamangkin na anak ng kaniyang mga pinsang buo. Isa, ayon sa bali-balita, sa kan’yang mga paborito ay si Ate Consuela.
Sa pagkamatay ng aking tatang ay kasunod ang isang nakagugumo at nakatitigatig na kahirapan.
Hindi namin alam kung sinu-sino ang pinagkakautangan ng aming tatang.
Dala marahil ng kasakiman at kasamaan ng tao kasama na ang imbot at sakim na pagnanasa at pagsasamantala sa isang pamilya na tila bahay na nawalan ng haligi, ay dumagsa ang mga taong ayon sa kanila ay pinagkakautangan ng aming Tatang. May utang ang aming Tatang kay kuwan at kay ganire at kay ganoon ay nagsanla ang aming Tatang ng ganito.
Dala marahil ng aming kabataan at kamusmusan, kasama pa ang mga pananakot na kung hindi kami magbabayad ay dadalhin kami sa husgado ay walang nagawa ang aming Ina kundi ibenta ang mga ari-ariang naiwanan ng aming tatang upang bayaran ang mga nasabing utang.
Dito nagsimula ang kalbaryo ng aming paghihirap.
NAKATAPOS ako sa mababang paaralan sa aming baryo. E, ang problema ay kung paano makapagpapatuloy sa mataas na paaralan sa kabayanan.
“Sayang kung hindi ka makapagpapatuloy,” sabi ni Miss David na aking guro sa ikaanim na baitang ng malaman niyang baka hindi na ako makapag-aral. “May angking talino ka pa naman.”
Ang lahi ni Ina ay lahi ng mahirap. Sa lahi ni tatang ay isa lamang ay may kaya-kaya at iyon ay ang pamilya ni Ate Consuela.
Ang mga magulang ni Ate Consuela ay kapwa namamasukan sa pamahalaang panlalawigan. Sa panahong iyon, sa panahong ang inflation ay mababa at ang halaga ng piso ay mataas, ang kita ng isang namamasukan sa pamahalaan ay sapat na upang tumustos sa pamilya. Sa isang mag-anak na dalawa ang namamasukan, ito’y nagbabadya ng isang maluwag at magandang pamumuhay.
Iisa ang pangarap ng pamilya ni Ate Consuela - ang sila’y makapag-aral at makatapos. Naniniwala sila na ang tao kapag may taglay at dalang karunungan ay hindi maa-aragabyado saanman at kailanman. Sa taglay at dalang karunungan, maganda ang kinabukasang naghihintay.
Pangarap din nila na kahit papaano ay tulungan ang kanilang mahihirap na kamag-anak. At sa pagkamatay ng aming tatang ay isa ako sa mga pinagpilian.
“Sa amin ka na tumira, para makapag-aral ka,” sabi sa akin ni Ate Consuela isang araw na sila’y napasyal sa amin.
“Sasabihin ko po sa aking Ina.”
Ang pagpapasiya ng isang Ina na mawalay ang kaniyang anak ay isang napakalaki at napakabigat na bagay sa kaniyang puso at damdamin. Nguni’t ang Ina, higit sa sinuman ay ang siyang may pinakamataimtim na paghahangad na mapabuti ang anak.
Sa isang batang ngayon lamang nawalay sa pugad ng kan’yang pamilya, sa simula ang pagtira kina Ate Consuela ay isang napakalungkot at napakalumbay na karanasan.
Balita sa pagiging mahigpit at sa pagiging disciplinarian ang tatang ni Ate Consuela. Ang kanilang malaki at mapunong bakuran ay maluwang na laruan nilang magkakapatid at nang ilang piling kamag-anak at kamag-aral noong sila’y malilit pa. Bawal sa kanila ang lumabas ng bakuran pagkatapos ng aral. Bawal sa kanila ang makipaglaro at makisalamuha sa mga batang taga-labas.
At sapagka’t ako sa pagtira sa kanila na bagong bilang sa kanilang pamilya ay natural lamang na sumunod sa mga dinatnang pamamalakad.
Ngunit ang bata ay bata at sapagkat bata, ang hanap ng mga ito ay laro at hindi gawa. Kaya’t sa panahong wala roon ang kanilang Tatang ako ay tumatakas upang makipaglaro sa labasan. Wala nang hihigit pa sa ligayang dulot ng laro sa daigdig ng kamusmusan.
Ang trabaho ko sa pagtira kina Ate Consuela ay ang mag-alaga at magdilig ng mga tanim na puno at halaman pagkatapos ng aral. Sa pag-aalaga sa dami ng tanim na puno at halaman sa bakuran, kulang ang nalalabing oras ng araw. Ito’y nangangahulugan na magmula sa pagdating hanggang sa gumabi at kumalat ang dilim, ito’y walang tigil na paggawa.
Ngunit ako’y isa ng teen-ager, at ang bahaging ito sa kasaysayan ng isang tao ay isa sa pinakamaselan. Sa panahong ito nagsisimulang kubabawin ng kung anu-anong ka-dimonyuhan at kalukuhan ang aking isipan. Kasama pa rito na ako ay may kaunti rin namang kakayahan at kung minsan sa pagsali sa ilang extra-curricular acivities, ako’y nahuhuli sa pag-uwi.
Dito nagsimula ang pagkakaroon ko ng suliranin sa tatang ni Ate Consuela.
Sa simula’y mga mahinahong paala-ala. “Nahuli ka yata ng uwi ngayon, iho?”
“May meeting po kami.”
Ngunit nang tumatagal ay pagalit na babala.
Dito ako ipinagtanggol ni Ate Consuela.
Nag-away silang mag-ama ng dahil sa akin. Dito ko nalaman kung gaano ako kamahal ni Ate Consuela.
SA panahon ng kaniyang pagdadalaga, si Ate Consuela ay larawan ng isang babaeng pangarap nang maraming mga lalaking makabiyak puso at maging kasama habang buhay, hindi lamang dahil sa kan’yang angking panlabas na kagandahan kundi sapagka’t siya’y nagtataglay ng di pangkaraniwang kabaitan at pambihirang ganda ng ugali. Sa panahon na ang kinagisnang hinhin at yumi ng dalagang Pilipina ay unti-unti nang nababawasan sa paggaya sa mga makabagong ugali at pag-aayos na dala nang nagbabagong kabihasnan, siya’y isang dalagang hindi nagbago.
Guro siya sa mataas na paaralang aking pinasukan.
Maraming nangarap sa aming barkadahan ng tungkol kay Ate Consuela.
Dadaan siya sa aming umpukan at sa kaniyang paglampas siya’y susuruin at sisiyasatin ng makabuluhan at mapanuring tingin.
“Huwag ninyong titingnan ng ganyan ang Ate ko,” pasaway na sabi ko sa aking mga kabarkada.
“Wala namang kaming ginagawang masama sa Ate mo. Ini-idolo nga namin.”
“Kapag ganyan kaganda at kabait ang napangasawa ko ay hinding hindi siguro ako magluluko,” sasabihin ni Lucio.
“Ulol,” sagot ni Virgilio. “Magtigil ka nga. Ikaw pa naman. Makakita ka lang ng maputing binti ay kinukuwanan ka na.”
Tawanan.
Ako’y isa lamang sa mga pinag-aral ni Ate Consuela.
TAGLAY ng angking kagandahan, natural lamang na maraming manligaw kay Ate Consuela. May piloto. May doktor. May inhiyero. May kapuwa guro. May abogado. Lahat sila ay pawang titulado, sa panahong ang titulo ay napakalaking bagay sa ating bayan. Nang-aakit ng malalaking tao ang angking kagandahan at kabaaitan ni Ate Consuela.
Walang istambay na nagtangkang manligaw kay Ate Consuela. Naiino at nangingimi sila na kausapin man lang si Ate Consuela, sapagka’t ang kaniyang angking kagandahan at kahinhinan ay nagsasaad ng galang at puri.
Sa dami ng nanligaw kay Ate Consuela ang naging mapalad ay si Kuya Henry na isang Inhinyero.
Iyo’y isang malaking kasalan na ginawa sa kaluwagan ng bakuran nina Ate Consuela.
Gusto ng pamilya nina Kuya Henry na sa isang malaking restawran gawin ang reception pagkatapos ng kanilang kasal.
Hindi pumayag si Ate Consuela. “Sa amin na lang. Gusto kong imbitahin ang aking mahihirap na kamag-anak. Sa dami nila hindi sila kakasya sa restawran.”
Mahusay na Inhiyero si Kuya Henry. Mabilis ang kaniyang pagtaas sa kumpanyang kaniyang pinapasukan. Sa murang gulang, siya ay isa ng Project Engineer.
Contractor sila ng mga malalaki at higanteng proyekto hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
May nakuha silang isang malaking kontrata sa Guam.
Inungutan ni Ate Consuela si Kuya Henry. “Ni (shortcut for Honey) Baka p’wedeng maisingit mo doon si Junior. Kaawa-awa naman. Para makaahon ang pamilya.”
“Bawal sa amin ang magdala ng kamag-anak.”
“Isa lang naman. Hindi na nila malalaman iyon.”
“Pag nalaman nila iyon, mawawalan ako ng trabaho. Ikaw rin.”
“Hindi naman siguro mangyayari iyon. At saka mabait namang bata si Junior. Hindi ka mapapahiya.”
“Hindi sabi.”
Kausap. Kausap. Paliwanag. Paliwanag.
“Sige na nga,” sagot ni Kuya Henry.
NAGKASAKIT ang isang pinsang buo ni Ate Consuela ng cancer.
Kung ikaw ay mahirap at ito ang naging sakit mo, Goodbye Cruel World na lang. Sino ang makakaya sa singil ng mga nagpakadalubhasang manggagamot? Sino ang makakaya sa bayad sa Chemotherapy? Sino ang makabibili ng iba’t-ibang klase ng gamot upang labanan ang malupit at walang awang sakit na ito? Hindi ang lahi namin.
Nilapitan ni Ate Consuela ang isa niyang kaibigang manggagamot.
Puwede raw bang lapitan niya ang kan’yang kilalang espesyalista sa PGH. Batang bata ang pinsan niya para mamatay. At maliliit pa ang mga anak.
Naantig ang puso ng manggagamot.
“Tingnan natin.”
Hindi rin nailigtas ni Ate Consuela at nang mabait na manggagamot ang kaniyang pinsang buo. Ganoon pa man ay tumagal pa siya ng mahigit na isang taon.
NAMATAY si Tata Isko na tiyuhin ni Ate Consuela sa sakit na dala ng katandaan.
Iyo’y isang malungkot na burol sa buhay ng isang mahirap. Lonang itinayo upang magsilbing tent sa mga nakikiramay at nakikidalamhati. Sa tent na ito ay ilalagay ang mga hiniram na mesa at silya at silang mga nakikiramay ay uumagahin sa paglalaro ng madyong at baraha. At sa paglalaro sila ay iinom ng kapeng galing sa Batanggas at ng tsaang gawa sa pinakuluang dahon nang iba’t ibang katutubong puno: manga, bayabas, banaba, lagundi atbp.
Iyo’y isang malungkot na burol ngunit kapuna-puna ang ganda ng ataol.
Nagtataka ang mga tao kung paano nakayanan ng pamilya ng Tata Isko ang ganoong kagandang ataol gayong ang pamilyang iyon ay subsob sa kahirapan.
Nag-uusap ang mga tao.
Sinagot ni Ate Consuela ang ataol pati ang lahat ng gastos sa libing.
BINIYAYAAN ng limang supling ang samahan nina Ate Consuela at Kuya Henry. Tatlong babae at dalawang lalake.
Kung ano ang puno ay siyang bunga. Nagpunla sila ng kabutihan, kaya sila ngayon ay umaani rin ng kabutihan. Inidolo sila ng kanilang mga anak at ng kanilang mga kamag-anak.
Ngayon silang lahat ay tapos na. Dalawang doktor, isang mananaliksik, isang computer programmer at isang mangangalakal. Sa ugali at sa kilos ng kanilang mga anak ay masasalamin mo ang bakas ng tamang pagpapalaki. Sa panahong nawala na ang moral ng kabataan, sila’y lumaking taglay ang lumang kaugalian. Sa panahong sila’y dapat kumilos ng kilos malaking tao, hindi nila nakakalimutan ang kanilang mahirap na kamag-anak.
NGAYON si Ate Consuela ay animnapung taong gulang na. Kulay pilak na ang karamihan sa kaniyang mga buhok. Sa noo at sa gilid ng mga mata ay lumabas na rin ang mga gatla ng panahon.
Kung ihahambing si Ate Consuela sa ibang ka-idad niya ay malaki ang kan’yang kabataan. Parati siyang nakangiti at maayos ang kan’yang kalusugan sa pagtingin at pagsubaybay ng kanilang manggagamot na mga anak. Pinababagal ng maligaya at maayos na pamumuhay ang kan’yang pagtanda.
Ngayon si Ate Consuela ay nagdiriwang ng kan’yang ika-animnapung kaarawan at sa pangunguna naming kaniyang mga natulungan ay binigyan namin siya ng isang malaki at masaganang biglaang handaan sa tulong ng kan’yang mga anak, mga kamag-anak at nang iba pang mga taong malapit sa kanya. Iyon ay ginanap sa kanilang maluwag at mapunong dating tirahan.
Sa pagdating ni Ate Consuela at sa aming biglang pag-awit ng HAPPY BIRTHDAY, si Ate Consuela ay umiiyak.
Iyo’y iyak ng kaligayahan ng isang taong karapat-dapat bigyan ng ganoong uri ng paghahanda at pagdiriwang.
UPDATE : August 24, 2008
On the possibility of inclusion in the coverage.../P>
"Unlimited Stay in the Philippines"
ZORGVERZEKERING (Health Insurance) in the Netherlands
By Orquidia Valenzuela (member Grey Club Steering Committee)
Since the Grey Club started the campaign, it has contacted several zorgverzekering offices and agents. To this date, NO zorgverzekering can offer a medical insurance for an unlimited stay in the Philippines for a premium like that being charged here. They are offering a world-wide medical insurance at an exorbitant cost. The insurance agents in the Philippines have limited coverage. Additional coverage means high premium.
Some zorgverzekering allow a stay of 12 months outside the Netherlands in a non-EU country (like the Philippines). This 12-month stay is given to some business concerns / organizations / stiching (like the Katholieke Bond Vereniging (KBO). But, there are conditions imposed on the insured person: must be a resident of the Netherlands; has a bank account in the Netherlands; and must return on or before the 12-month period elapses.
If one is still working or if his/her insurance is still with the same office, check, if your zorgverzekering has 12-month medical coverage outside the EU.
If you are already in the AOW you can ask your zorgverzekering what stichting is connected with them that gives the 12-month medical coverage.
As reported earlier, KBO (open to 65+) is affiliated with ZilverenKruis/Achmea and its members get instead of 6 months, 12 months medical insurance coverage outside EU (like the Philippines). KBO has offices all over the The Netherlands and membership is about 15 euro/year for single.)
We are waiting for a few months more before the year ends if there are changes in the medical coverage of zorgverzekeringen in the Netherlands.