
Balita nina Ms. Marivic Maluyo, Mr. Richard Villanueva at Ms. Sheila Senense
Mga Larawang kuha ni Jacob Tundagui (Official Photographer-Pista sa Paris 2008
Paris-July 6, 2008
Nagkaisang muli ang lakas ng Filipino community at ng mga kawani ng Embahada ng Pilipinas sa pamumuno ni Ambasador Jose Abeto Zaide sa araw ng Pista sa Paris noong ika-6 ng Hulyo 2008. Ang pagdiriwang na ito na may temang Katutubong Pilipino ay kaalinsabay din ng paggunita ng ika-110 aniversaryo ng kalayaan ng Pilipinas.
Nag-umpisa ang pagdiriwang sa isang parada mula Trocadero hanggang Stade La Muette ng mga ipinagmamalaking katutubong kultura na yaman ng bansa.Naging makulay ang parada dahil sa mga arkong pinalamutian ng bawat asosasyon ng mga Pilipino at lalo pang pinatingkad ito ng mga naggagandahang dalagang Pilipina na kumakatawan sa bawat grupo.
Nagkaroon ng iba't ibang paligsahan tulad ng pagandahan ng arko at booth, pagpili ng Mutya ng Kalayaan 2008 at Best in Philippine Costume. Nagkaroon din ng mga raffle draws na kung saan ang pinakamalaking papremyo ay round trip tiket mula Paris patungong Pilipinas. Nagpakita rin ng iba't ibang katutubong galing sa pag-awit at pagsayaw ang bawat grupo ng mga Pilipino na umaayon sa temang Katutubong Pilipino. Sa dakong hapon naman ay nagpakitang gilas din ang bawat koponan ng mga manlalaro ng basketball at volleyball. Nagkaroon din ng larong Chess sa araw na ito.
Piolo Pascual, pinagdumugan ng mahigit na 5000 katao na nagsidalo
Ang pinakatampok at pinakahihintay na pangyayari ng lahat ay ang paghahandog ni Piolo Pascual ng mga awitin sa mamamayang Pilipino. Isang napakalaking karangalan para sa lahat ang pagdalo ni Piolo sa mahalagang araw na ito. Tunay na hindi maipaliwanag ang kasiyahang mababakas sa mukha ng mga Pinoy nang masilayan ang kanilang iniidolo dito sa Paris, France.
Ang matagumpay na pagdiriwang na ito (na dinagsa ng mahigit na 5000 katao) ay hindi naganap kung wala ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Filipino Community leaders sa pamumuno ni G. Jessie Umali, ang mahalagang partisipasyon ng mga Knights of Rizal at ang walang sawang pagsuporta ng embahada ng Pilipinas dito sa Paris. Kasama rin sa tagumpay na ito ang mga isponsors, ang ABS-CBN na nagpadala kay Piolo at sa tulong ng lahat ng mga mamamayang Pilipino na dumalo at nakipagsaya sa paggunita ng bansang malaya.
..O..
For more photos of PISTA sa PARIS 2008,
See Flicker
Photo Copyright: Jacob Tundagui and Jessie Umali
UPDATE : August 24, 2008
On the possibility of inclusion in the coverage...
"Unlimited Stay in the Philippines"
ZORGVERZEKERING (Health Insurance) in the Netherlands
By Orquidia Valenzuela (member Grey Club Steering Committee)
Since the Grey Club started the campaign, it has contacted several zorgverzekering offices and agents. To this date, NO zorgverzekering can offer a medical insurance for an unlimited stay in the Philippines for a premium like that being charged here. They are offering a world-wide medical insurance at an exorbitant cost. The insurance agents in the Philippines have limited coverage. Additional coverage means high premium.






merci beaucoup fois!