November 20, 2008

About Us

Now in its 20th year of publication, Munting Nayon News Magazine(MN) is published monthly and mailed to recipients, catering to the Filipino Community of The Netherlands, including some recipients in Belgium, Luxembourg, and other European countries as well as USA, Canada and the Philippines. MN is operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela.
Eddie and Orquid
 

Picnic 2007


Gallery 1
Click to display Gallery 1
Gallery 2
Click to display Gallery 2
Gallery 3
Click to display Gallery 3
Gallery 4
Click to display Gallery 4
Gallery 5
Click to display Gallery 5
Photos courtesy of P.van As, P. Payoyo and Munting Nayon News Magazine

History

 
Disclaimer
Sa Ating Wika
ni Orquidia Flores-Valenzuela

Update Issue June 2008
June 29, 2008

PIKNIK NG KALAYAAN MATAGUMPAY na nairaos ng koalisyon na binubuo ng BARANGAY Sa Holland, SAMAHAN at UFDA. Masaya ang humigit-kumulang na 7000 dumalo. Maayos ang parking ng sasakyan, walang naghimpil ng sasakyan sa loob ng dinadausan ng piknik kaya hindi naging sagabal sa mga nagtayo ng tents, magkakatabi sila. Sa palengke mabiling-mabili ang pagkain at mga produktong Pilipino.

Ang mga propesyonal na manganganta natin dito sa sa Olanda ay nandoroon din, sina Nhelley de la Rosa, Ruth Galura at dumating pa si Alice Andico bilang pamamaalam sa kababayan. Si Alice at ang kanyang asawang si Erwin ay sa Pilipinas na maninirahan. Masaya ang mga nanonood at sinasabayan ng indak ang kanta nila.Marami ring kabataan ang nagpakitang gilas sa entablado.

Dumating si Sugong Arguelles, ibinigay ang pagbati ni pangulong Arroyo, gayundin ang kanya, at ipinakilalang muli ang mga tauhan ng pasuguan. Ginamit na rin ni sugong Argulles ang pagkakataon na ipagbigay alam sa kababayan ang pagtatapos ng tungkulin sa bayang ito nila: Ministro Ed Aro, Konsul Leila Lora Santos, Mayet Syquia, Mila Monje at Edwin Edralin. Sila ay magsisibalik na sa Pilipinas.

Kasama sa mga bisitang pangdangal na dumalo ay ang Alkalde ng Haarlemmerliede na si Ginoong Bert Bruijn kasama ang kanyang maybahay, gayundin ang ating Hon. Consul General na si Ginoong Meijboom sa Rotterdam.

Sa mga maturang magsisibalik sa Pasuguan ng Suliraning Panlabas, ang masasabi namin ay mahusay ang pagkakagampan nila ng kanilang katungkulan sa Olanda. Inaasahan naming na ang papalit sa kanila ay ganoon ding kadibdiban sa trabaho.

Pinupuri namin ang koalisyon sa kanilang boluntaryong malasakit maipagpatuloy ang piknik para sa pagkakaisa ng kababayan.

GASOLINA – angal ng mga taga dito sa Olanda, dahil sa buong Uropa dito ang pinakamahal. Napilitan ang marami na gumamit ng sariling sasakyan sa kanilang pagpasok sa trabaho dahil sa strike o staking ng mga pang-probinsiyang bus.

At, hindi na rin biro ang magbisita sa Pilipinas, ang laki ng itinaas ng bayad sa eroplano pagkaraan ng Hulyo at lalong-lalo na sa buwan ng Disyembre.

GREY CLUB’ ay patuloy na humahanap ng zorgverzekering na makakapagbigay ng walang limit na health coverage doon sa mga gustong permanenteng tumira na sa Pilipinas. Sa ngayon ang posibilidad lang ay isang taong tira sa Pilipinas. Ngunit,hindi lahat ng zorgverzekering ay nagbibigay nito. Kinakailangan ay maging kasapi ng stitchting o foundation, gaya ng KBO (Katholieke Bond van Ouderen).

Napagalaman namin na ang KBO ay may kasunduan sa ZilverenKruis Achmea. Bukod sa 10 porsiyenteng diskuwento ibinibigay ng ZilverenKruis kapag kasapi ng KBO ay maari din ang kasapi na tumira ng isang taon sa Pilipinas basta siya ay may adres at bangko pa sa Olanda. Walang dagdag na bayad ito.

Kaya mabuting alamin ninyo kung kayo ay kasapi ng isang stitching o foundation na may kasunduan sa inyong zorgverzekering.

1 EURO = P69.40, tumaas nga ang exchange rate ngunit malaki rin ang iminahal ng halaga ng mga paninda sa Pilipinas. Kaya lumaki rin ang halagang pinapadala ng mga nasa labas ng bansa.Umaabot na diumano ng libo ang isang sako ng maayos na bigas. Ayon naman sa National Food Authority ititinda nila ang bigas sa halagang mababa sa P35 isang kilo.

Mungkahi ng isang konsehal sa Davao, huwag magkanin ng isang araw sa isang linggo upang makatipid sa bigas.

Samantala, patuloy ang paghihirap sa bayan at ayon na rin sa pagsisiyasat, isa sa limang Pilipino ay kulang ang kinkita upang mabili ang sariling kinakailangan. Ang may mga anak na magsisipag-aral ngayong umpisa ng klase ay kailangang bumili ng mga gamit pang-eskuwela, aklat at maayos na damit maski pa nagbigay ng pahintulot ang kawanihan ng Pagturo na hindi na kailangan ang uniporme basta ang pang-itaas, ay isang kulay lang at maari na ang tsinelas kung walang sapatos.

Eto pa ang nakakalunos na balita, na kulang sa palikuran ang maraming publikong paaralan sa probinsiya at wala ring tubig.

P24-MILYON ‘GUESTHOUSE’ ni pangulong Arroyo sa Cebu at hindi lang ito, ang para sa Presidential Security ay nagkakahalaga diumano ng P15 milyon. Ala-Imelda na rin, kulang ang paaralan, at walang palikuran at tubig ang mga ito, mamamayan ay pumipila sa pagbili ng murang bigas , milyon ang walang trabaho kaya libo ang lumalabas ng bansa araw-araw upang makipagsapalaran sa labas ng bansa, ngunit mayroong milyon-milyon kuwalta para sa guesthouse ng pangulo.

RUDY ‘Daboy’ FERNANDEZ ay inilibing nitong nakaraang ika-12 ng Hunyo. Dalawang taon na nakipaglaban si Daboy sa sakit na kanser.

PANG. ARROYO SA AMERIKA, sa paglabas nito ay nakalipad na sa Amerika. Ayon sa lumabas sa pahayagan, makikipagkita si pangulo sa pangulong Bush at Republican kandidatong McCain.

Kung di pa ninyo alam – 59 kinatawan ang kasama sa opisyal na lakbay, 2 senador at 10 miyembre ng kabinete. Kabilang sa 59 na kinatawan ay 2 anak ni pangulo, si Mike na kinatawan ng Pampanga at si “Dado” na kinatawan sa Camarines Sur. At, kasama rin nitong dalawang anak ni pangulo ang kanilang mga asawa at mga anak. Pahayag ng ilang kasama, inanyayahan daw sila ng pangulo. Ang tanong: sino ang magbabayad ng kanilang pamasahe, hotel at iba pang mga lakad?

Nakakapagtataka maraming pinuno ng iba’t-ibang bansa ay nakikiramdan muna kung sino ang mananalo sa eleksiyon sa Amerika ngunit si pang. Arroyo ay makikipagugnay na kay McCain. Umaasa kaya siya na tutulungan siya kung nanganganib na ang kanyang situasyon bilang pangulo.

MGA GURO SASANAYIN SA INGLES dahil mahina ang mga nagtatapos sa maraming paaralan. At, lumalabas na ang dahilan ay mahina ang turo sa mga naturang paaralan. Mga halimbawa ng Ingles ng estudiyante:

I was absent yesterday because I had loose vowels.

While climbing the guava tree I fell and misplaced my right hip.

The US Embassy was asking for my regional (original) birth certificate.

HINABLA ANG `VICTORIA’S SECRET’ – marami sa ating kababaihan ay gumagamit ng panloob na gawa nito. Hindi masasabing mura ang mga pananamit ng Victoria’s. Ngayon, ay may nagsakdal sa Victoria’s Secret kasi daw tinamaan at napinsala ang mata niya ng metal na siyang ginagamit sa “rhinestone” ng salawal na binili niya. Wala pa kaming nababalitaan kung ano ang kalalabasan ng sakdal.

Kung natatandaan ninyo, iniharap din ng isang “customer” ng kaso ang McDonalds dahil ang kape na isinerbe sa kanya ay masyadong mainit kaya napaso siya. Parehas na sa Amerika itong mga pangyayari.

..O..