December 25, 2008

About Us

Now in its 20th year of publication, Munting Nayon News Magazine(MN) is published monthly and mailed to recipients, catering to the Filipino Community of The Netherlands, including some recipients in Belgium, Luxembourg, and other European countries as well as USA, Canada and the Philippines. MN is operated by couple Eddie Flores and Orquidia Valenzuela.
Eddie and Orquid
 

History

Disclaimer
Sa Ating Wika Index
 
by Orquidia Valenzuela

MGA KAIBIGAN SA LAHAT NG PANAHON, kapag pala tumatanda na ang tao ang malaking nais natin ay makapiling ang mga kamag-anak at kaibigan noong panahon ng kabatataan.

Laking kaligayahan naming magkakapatid na magkasama-sama ulit kasama ang mga asawa, anak at pati pa dalawang apo sa isang “cruise.” At, nakadagdag sa aming kaligayan na makilala at makadaupang palad ang kanila ring mga kaibigan. .Ngayon, kaibigan na rin namin sila..

 
by Orquidia Valenzuela

NAKIKIRAMAY kami sa naiwang pamilya, sa kabiyak na si Anton at dalawang anak ni Marissa Ter Braak-Lopez, 57 taong gulang, na pumanaw nuong nakaraang Marso 29. Hindi masyadong nakasalamuha ng mga kababayan niya dito sa bayang ito si Marissa ngunit nakatulong at nakapagkawanggawa para sa kababayan sa Pilipinas at sa simbahan, ayon sa mga Irish niyang kaibigan.

 
by Orquidia Valenzuela

FRANCIS FERNANDEZ sa Essen, Alemanya, ay bigla ang pagpanaw noong nakaraang ika-19 ng Pebrero. Nasa harap ng computer si Francis at mukhang tatayo ng biglang nawalan ng panimbang. Tumama ang ulo sa bintana, nawalan ng malay kaya itinawag ng ambulansiya.

 
by Orquidia Valenzuela

DETOUR, PASOK MUNA SA BAKURAN NG MAY BAKURAN. Eto ang estorya na aming kababata sa Guinhawa, Malolos:

Dahil matagal na akong hindi umuuwi ng Malolos at talaga namang may mga pagbabago, kamukha ng flyover sa dating crossing, sinundan ko ang karatula papuntang Paombong. Kaya drive ako papasok sa inyong bakuran na nakaturo sa karatula. Salamat naman, sabi ko sa sarili wala na kayo sa inyong bahay baka siningil pa ninyo ako ng toll.

 
by Orquidia Valenzuela

2008 BAGONG TAON, may pagbabago kaya sa buhay ng mga kababayan natin sa loob at labas ng bansa?

Naitanong naming ito dahil kasi sa mga naririnig naming mga hinaing, angal at hinagpis ng mga kababayan nating nagsisipagpadala ng tulong sa pamilya sa Pilipinas. Lalo diumanong lumalaki ang kanilang pinadadalang kuwalta dahil sa kahinaan ng palit ng piso habang lumalaki naman ang gastos ng mga tumatanggap.

 
by Orquidia Valenzuela

'ZAMI AWARD' KAY DIANNE OOSTERBEEK-LATOZA. Nitong ika-15 ng buwan sa pagdadaos ng ika-12th Black Magic Woman Festival na ginawa sa Amsterdam Central Bibliotheek, ipinahayag ng Stichting Zami na ang nanalo ng 2007 Zami Award ay si Dianne Oosterbeek Latoza.

 
by Orquidia Valenzuela

TAHANAN PARA SA PINOY SENIOR CITIZENS o malapit ng mag-65, ang inumpisahang prohecto ng isang grupo ng Pilipino dito sa Holanda. Magsasama sa isang gusali ngunit, kanya-kanyang flat bawat isa. Bagama't marami sa atin ay may anak, hindi naman tayo dapat umasa na lagi silang kasama o dadalaw sa natin. May sarili na rin silang buhay.

 
by Orquidia Valenzuela

GREY CLUB ay patuloy ang pagtratrabaho para sa medical insurance na magagamit dito sa Olanda at sa Pilipinas ng mahigit na isang taon o pang matagalan. May mga zorgverzekering na ang nakausap ngunit gusto nilang malaman kung ilan ang may balak manirahan ng matagal o permanente sa Pilipinas. Makikipag-usap na rin kami sa ilang may mga pangalang ospital sa Maynila at kalapit bayan upang malaman ang uri ng serbisyo nila. At, itatanong kung sino-sinong ospital ang kasanib nila sa probinsiya.

 
by Orquidia Valenzuela

MATAGUMPAY ANG KALAYAAN PIKNIK, sulit na sulit ang pawis, puyat, ilang buwang boluntaryong trabaho ng mga kasapi ng COALITION (Barangay, UFDA, Samahan). Maayos ang parking, gayundin ang palengke na dinumog ng tao at higit sa lahat walang gulo o awayan. Masayang lahat ang libo-libong kababayan, pamilya at kaibigan ng nagsirating. Pati ang panahon ay nakisama, hindi nagkatotoo ang babalang uulan, tamang-tama lang ang temperatura.